3 days before the exam

180 3 0
                                    

"Okay ka lang ba?" tanong niya at nilapitan ang lalaking duguan.

Nang hahawakan niya sana ito ay bigla siyang hinila nito at niyakap.

"Bakit andito ka pa, my princess?" hirap na sabi ng lalaki.

"Naiwan na naman kasi ako ng school service namin," sabi niya.

Gustong lumayo ng bata sa lalaki pero mahigpit pa rin siyang yakap nito.

"Wag kang lumayo, gusto muna kitang yakapin ng ganito," hirap pa ring sabi ng lalaki sa kanya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinakawalan na din siya ng lalaki. Doon napagmasdan ng bata ang mga sugat nito.

"Ang dami mong sugat at ang daming dugo na nasa damit mo," naiiyak na sabi niya. Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang duguan na mukha ng lalaki.

Natawa ang lalaki, "You're sweet my princess"

"Saan mo nakuha ang mga sugat mo? Nakipag-away ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Yes," at unti-unting tumayo ang lalaki, "Come, ihahatid na kita sa inyo," tapos hinawakan ang kamay niya.

Habang naglalakad sila, hindi pa rin mawala sa isip ng bata kung saan galing ang lalaki at kung paano ito nagkaroon ng ganung sugat.

"Bakit ka nakipag-away? Bad kaya yan," sabi niya.

Tumingin sa kanya ang lalaki at sa masyadong seryosong mukha sabi nito, "Just to protect you, my princess."

*ring, ring*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, pinatay ko ito at umupo. Iniisip ko yung napanaginipan ko, bakit kaya bumabalik na naman yung alaala kong yun? Dapat kalimutan ko na ang mga yun. Pero namimiss ko na siya *sigh*

Kumusta na kaya siya?

Naaalala pa niya kaya ako?

O kinalimutan na niya ako?

Nasa malalim akong pag-iisip tungkol sa napanaginipan ko nang tumunog ang cellphone ko, may nagtext.

From: Lance

          Gud morning princess.

Napangiti naman ako, pakiramdam ko e parang nagiging close na kami ni Lance. Parati kasi siyang tahimik at hindi umiimik kaya natatakot akong kausapin siya noon pero ngayon e nakikita ko namang approachable pala siya.

Nireplayan ko din siya ng 'gud morning' at may nakita pa akong isa pang text.

From: Renz

           Nahirapan ka ba sa pagbubungkal ng lupa kaninang hapon prinsesa ko? I can't sleep, i'm thinking about u. Gudnyt!

Napatulala ako sa text niya, nung tignan ko yung oras na nareceive ko yung text niya ay 11:57pm, tulog na ako nung mga oras na yun. Binasa ko ulit yung text niya at napatalon ako sa tuwa kasi hindi na siya galit sa akin. At sa kilig... waaaahhhh!!!....

Teka nga, 'kilig'?? Ba't naman ako kikiligin?? Wala naman akong gusto kay Renz a! Ahhhmmmm, wala nga ba? E kasi naman yung text niya, iniisip niya daw ako, waaahhhh!!! Palagi namang ganun siya sa akin pero ewan ko ba, parang may kakaiba talaga ngayon. A basta! Ayokong lagyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya sa akin dahil baka mag-e-expect lang ako ng iba tapos masasaktan din pala ako sa huli pag nalaman kong wala pala siyang gusto sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto ko na nakangiti at pumuntang kusina para kumain. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay eksaktong dumating ang service namin at sumakay na ako. Nangingiti pa rin ako habang paulit ulit na binabasa ang text ni Renz sa akin hanggang makarating na ako sa eskwelahan namin.

You're mine.....foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon