"Astrid...Ash...hoy, Astrid" naramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko.
"hmmmmnnn???..." pagdilat ko ng mata ko, nakita ko si Hazel, ang kaibigan at klasmeyt ko.
"umalis na si ma'am, tara na, recess na e" tumalikod na siya.
Tumayo na din ako para lumabas ng classroom. Nakatulog pala ako, wala kasi kaming ginawa sa subject nmin na Filipino, andun yung titser namin pero nagchecheck lang siya ng mga papel.
"nakatulog ka kanina, hindi mo nakita si Renz na sumilip sa classroom natin, ayiiiieeee" kinikilig na sabi niya.
Hindi nalang ako umimik. Napanaginipan ko na naman yun, bakit ba parati nalang? Haist! Ang tagal na nun.
Ako nga pala si Astrid Sophia Alcantara o minsan 'Ash' ang tawag sa akin, 3rd year high school, 14 years old. Siguro nagtataka kayo kung bakit ang bata ko na nasa 3rd year? Kasi maaga akong nag-aral kaya ayun kahit na 14 lang ako e third year na ako...hehe...;-)... Mahaba ang itim na itim kong buhok, maputi din ako at matangkad, matalino din pero ni minsan hindi ako nakapasok sa star section- Star Section ang tawag sa section na puro matatalino, kumbaga e naipon sila dun at ayokong sumali sa kanila.. hehehe... maganda din naman ako (^_^) at sabi nila ang ganda daw ng mga mata ko na parang palaging nangungusap.
Naglalakad na kami ni Hazel para pumunta sa canteen nang biglang may tumawag sa akin...
"princess... princess..." lumingon ako kasi kilala ko yung boses na yun.
Narinig ko sa paligid ko ang pagkakilig ng mga kababaihan at mga sinasabi nila na sobrang gwapo daw. Pagkalingon ko, nakita ko sila, ang Ultimate Seven, na nakatingin sa akin at nakangiti except sa isa- si Renz.
Ultimate Seven ang tawag sa kanila dahil sila lang naman ang naggwagwapuhan, puro mayayaman at matatalino na grupo dito sa East Avenue High School. At sila din ang bumubuo ng student council dito sa school namin, kumbaga parang sila na ang batas na gustong gusto naman ng mga studyante. Nasa 4th year na sila at graduating, bale e puro 16 years old sila ngayon. At syempre puro nasa Star Section din.
"yo princess" -Ace, ang pinaka-chicboy sa grupo nila.
"hi princess, ganda mu talaga" -Kenjie at katabi nya ang kambal niya na si Neiji.
"Princess" ang tawag ng Ultimate Seven sa akin at hindi ko alam kung bakit pero pinapabayaan ko nalang sila. At kung close ako sa kanila? ahhhmmm, oo, siguro....?? ;-)
"o bakit?" tanong ko kay Renz.
"sinilip kita sa classroom nyo kanina, my princess" sabi nya habang nakakunot ang noo nya, "but you were sleeping.....again" tuloy nya at matiim na tumingin sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin, ayaw ko kasi yung paraan ng pagtitig nya sa akin, "nakakaantok kasi e, at saka wala naman kaming ginawa," eeeiiissshhh, nakatitig pa rin siya ng matiim sa akin. Haist! alam naman niyang naiilang ako pag ganyan ang klase ng pagtingin niya sa akin.
Narinig ko na nagbuntung hininga siya, "kahit kelan talaga, let's go" tapos naramdaman ko nalang na hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papuntang likod ng building namin kung saan may parang golf dun na pwedeng magpicnic at kita ang mga bundok.
Nang makaupo na kami sa isa sa mga bench dun na may table saka ko napansin na nilalapag ng mga kaibigan niya ang mga pagkain.
"ahhhmm, hindi pa kasi kami nakakabili ni Hazel ng meryenda namin e, bili muna ka--" biglang tumingin sa akin si Renz.
"binilhan na kita at sa kaibigan mo" sabi ko nga e, kakain nalang ako.
"Hi Hazel, ito o, masarap yan" -Shin, at inabot kay Hazel ang isang tinapay.
BINABASA MO ANG
You're mine.....forever
Teen FictionHe's her slave. She's his world. He's her protector. She's his everything. She's a hard headed girl. He's a very jealous man. Hanggang saan kaya ang kaya nilang gawin para walang magbago sa kanila? o kelangang may mangyari para magbago ang sitwasyon...