Huling araw na ng exam namin, two days lang ang pagsusulit namin, yun ay Monday at Tuesday. Last subject na namin at malapit na ang dismissal.
*dismissal*
"Hay, sa wakas! Natapos din," sabi ni Grace na nag-inat, kalalabas lang ng titser namin.
"Ang hirap naman ng mga exams natin ngayon, baka bumagsak ako" sabi naman ni Sherry na medyo matamlay.
"Ikaw lang ba? Ako din kaya," nakasimangot na sabi ni Catherine.
"'Kaw Ash? Nahirapan ka ba sa exam?" puna sa akin ni Hazel, hindi kasi ako umiimik.
"Siguradong pasado na siya, si Astrid pa" sabi naman ni Clarisse na parang siguradong sigurado sa sinabi niya.
"Buti pa si Ash, palaging matataas ang mga grades kahit na puro mahihirap ang mga quizes at exams natin" sang-ayon naman na sabi ni Clarisse.
"Hindi naman" sabi ko para lubayan nalang nila ako.
"Uhmmm, Ash nasa labas si Renz, kaw yata ang hinihintay" ani Grace na nakatingin sa may pintuan.
Medyo nagulat ako dahil pagtingin ko ay andun nga si Renz, nakasandal sa may pader tabi ng pintuan ng classroom namin, ang hot niyang tignan..... hot?? talaga bang naisip ko yun??
Ano kayang ginagawa niya dito? May kailangan kaya siya? Teka, baka ngayon na niya sasabihin yung punishment ko? Kinabahan ako bigla, baka mas mahirap pa sa pagbubungkal ng compost pit ang ipapagawa niya sa akin at eksakto pang tapos na ang exam... waaahhh!!! Ano kayang ipapataw niya sa akin na kaparusahan?
"Labas ka na, mukhang kanina pa siya nag-aantay sa iyo e" sabi sa akin ni Catherine na medyo itinutulak ako papunta sa pinto.
"Baka hindi ako ang sadya niya dito" sabi ko naman habang nakakapit sa silya ko, waaaahhh!!! Ayokong lumabas at harapin siya!!!!
"Siguradong ikaw Ash, sino pa bang pupuntahan niya dito sa room natin kundi ikaw lang? Palaging ikaw" giit naman ni Clarisse.
"Hindi nga ako" sabi ko pa rin na pinagpapawisan na, hala! Anong gagawin ko?
"Ikaw nga, ikaw lang" pilit ni Clarisse.
"Hindi nga!" pinagpapawisan na talaga ako.
"Ikaw!" turo pa sa akin ni Clarisse, bakit ba ang kulit niya?
"Sinabi nang hindi ako e!" sigaw ko at bigla namang natahimik ang mga tao sa room. Nanlalaki ang mga mata ng mga kaibigan ko nang tignan ko sila.
"You" narinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko, wag mong sabihin na nasa likod ko siya? Bago pa ako makalingon ay may humawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng classroom namin.
Kinakabahan ako habang hila-hila niya ang kamay ko, napansin kong nakasukbit yung bag ko sa kaliwang balikat niya, san ba kami pupunta?
Nakarating kami sa likod ng school building, at pagtingin ko ay kami lang ang taong andito.
"Why are you sweating? Are you okay?" tanong niya na may pag-aalala sa boses at mukha niya. Hinawakan niya ang noo ko, "You're not hot" tuloy niya na inilabas ang panyo niya at pinunasan ang noo ko.
Hala! Pinagpapawisan pa rin ako, kinakabahan kasi ako e, "I'm fine," sabi ko habang naiilang sa ginagawa niya na pagpunas sa noo ko.
Kumunot ang noo niya, "Okay,.... About your punishment, i---"
"Please Renz, wag yung mahirap, hinding hindi ko na uulitin yun, pleeeeaaassseee," nagpuppy dog eyes ako sa kanya sabay pout.
"Ano bang---"
BINABASA MO ANG
You're mine.....forever
Novela JuvenilHe's her slave. She's his world. He's her protector. She's his everything. She's a hard headed girl. He's a very jealous man. Hanggang saan kaya ang kaya nilang gawin para walang magbago sa kanila? o kelangang may mangyari para magbago ang sitwasyon...