Naranasan niyo na ba na parang may lagi na lang kulang?
Ako si Bernadette San Juan. Sabi nila 27 years old na daw ako. Sabi nila dati daw akong Accountant at engage. Sabi nila mga magulang ko daw sila. Sabi nila sakanila na daw muna ako. Sabi nila nadisgrasya daw ako bago ang kasal namin ni James Lumco.
Pero bakit parang nag sisinungaling sila? Bakit parang di ko naman talaga mahal itong si James. Dapat ba akong maniwala?
*:*:*:*:*
"Hindi ba ang sagot ko sayo ay hindi!"
"Pero papa-"
"Wala nang pero-pero my decision is final! Di ka aalis ng bahay na to at mag tatrabaho sa kung saan! Hindi mo ba talaga maintindihan Bernadette! Kagagaling mo lang sa aksidente! Natatakot lang kami na mama mo na kung ano nanaman ang mangyari sayo."
Hindi na ako muling nag salita pa. Alam ko naman na hindi ko na mababago pa ang desisyon nila. Sa kaunting panahon na nakasama ko sila matapos ang insidente alam ko na agad na kahit kailan ay hindi ko na mababali ang sasabihin nila.
Pakiramdam ko nakakulong ako sa isang hawla na pinaliligiran ng mga liyon. Hindi ako maka hinga..... Nasasakal na ako sa pag kontrol nila sa buhay ko. Ano ba kasing kinatatakutan nila? Ayoko na dito aalis na ako.
Lumbas na ako sa office ni papa. Dumeretso ako sa kwarto ko at nag kulong. Matagal ko nang hinihiling sakanila na mag tatrabaho na ako para may magawa na naman ako sa buhay ko. Pero palagi silang humihindi at sa tuwing nangyayari yun ay nag kukulong ako. Lingid sa kaalaman nila na nag hahanda na ako sa pag takas ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid at tulog na nga ang lahat. Kinyha ko ang duffel bag ko sa ilalim ng kama na may lamang mga gamit na bubuhayin lamang ako sa loob ng isang linggo. Iniwan ko ang mga gadgets ko ang tanging dinala ko lang ay ang Mp3,earphones at ang pocket watch na natagpuan ko sa mga gamit ko. Kulay gold ito at may naka curve na mga symbol na hindi ko maintindihan. Basta bahala na may pakiramdam kasi akong kakailanganin ko to.
Dahan dahan akong lumabas ng silid habang suot suot ang aking jacket na may hood at mask. Nasa kaliwang balikat ko naman ang duffel bag na dala ko.
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Walang tao. Dumeretso ako sa kusina at ginamit ang pintuan doon palabas ng bakuran.
*Aw!* *Aw!* *Aw!*
Muntik na akong mapa sigaw ng tahulan ako ng malaking aso namin.
"Ssshhhhh! Wag kang maingay!" Para naman itong nakaintindi at umupo lang habang iwinawagwag ang kanyang buntot. Napangiti ako pero hindi pa ito ang oras para ngumiti. Kailangan ko pang malagpasan ang mga bakod.
Muli kong pinag masdan ang mataas at matayog na bakod ng mansyon. Napansin kong meron itong mga butas na pwede kong apakan para maka akyat. Wala na akong sinayang na oras pa at inakyat ko na ang pader. Makalipas ang 30 na minutos ay naka tawid na rin ako sa kabila.
Nasa isa kaming village at walang dumadaan ng transportation vehicle dito. Kailangan mo pang lakarin hanggang sa gate. Nag simula na akong mag lakad bago pa nila mahalatang wala na ako sa mansyon. Nang makaratung na ako sa gate ay nag tago ako sa mga halaman.
May mga naka bantay na guards. Hindi nila ako pwedeng makita dahil malalaman nila papa na tumakas ako ng mansyon. Nag iisip ako ng paraan para ma distract ang atensyon nila hanggang sa nakita ko ang mahiwagang bato. Hindi naman siya mahiwaga talaga pero sa mga oras na na kagaya nito masasabi mong mahiwaga talaga to. My lips form to a smirk.
I pick the stone then inhale.........*blag!* ng umalis ang gwardya para tingnan kung ano yun dali dali akong kumaripas ng takbo.
Sumkay ako ng cab papunta sa terminal ng bus. Pag karating ko dun doon lang nag sink in sakin na wala pala akong plano kung saan ako pupunta. Tiningnan ko ang mga bus at napansin kong may isang bus na hindi masyadong sinasakyan. Prisonville??? Anong lugar yun? Bahala na! Mas maganda na rin yun para hindi nila ako mahanap. Pumunta ako sa ticket booth para bumili ng ticket papuntang Prisonville.
"Ate isa pong Prisonville" tiningnan ako ng weird ng tindera.
"Ate isa pong ticket papuntang Prisonville." Ulit ko kasi baka di niya naintindihan. Pero ganun pa rin yung tingin niya."Ate-" naputol ako sa pag sasalita ng iabot niya sakin yung ticket.
"Magkan-"
"Walang bayad yan. Kada ika 8 lang ng buwan ang byahe papuntang Pri- papunta dun."
"Ohhhhhhkayyyy..."Weird.Tumalikod na ako sakanya at sumakay sa bus. Umupo ako sa pinaka dulo at isinalpak ang earphones ko. Prisonville ano bang meron dun?
YOU ARE READING
Behind The Bars
RandomLagi akong nag tatanong Lagi akong may hinahanap Lagi akong umiiyak Parang lagi na lang may kulang........... Parang may nakalimutan ako na mahalaga Pero bakit di ko matandaan Ano ba kasi yun? Ano ba kasing nangyari? Sino ba siya?????? Sino ka ba...