Ibang iba ang loob kumpara sa labas. Maraming puno............... Pakiramdam ko ay nasa loob kami ng isang gubat. Isang gubat na tahimik. Isang gubat na wala kang ibang makikita pero pakiramdam mo ay may mga naka tingin. Nakakita ako ng isang CCTV sa isang puno. Kung hindi mo pa titigan ay hindi mo pa mapapansin. Dahil nasa loob ito ng butas ng puno na kadalasan ay pugad ng mga ibon.
Alam kong tadtad ng CCTV ang mga lugar. I can feel it in my bones. The uneasiness start to crawl unto my skin. I always feel watched. Whenever I turn my head in a specific direction a glimpse of a figure appears. What is it?
Everyone is silent maybe they feel the uneasiness too. Habang tumatagal ay mas bumibigat ang na sa dibdib ko. Para akong maiiyak sa nerbyos. Ganto ba talaga ang pakiramdam kapag alam mong napapalibutan ka ng masasamang tao at alam mong di ka madaling makaka takas.
Sa mga panahon na ring yon ay hinangaan ko si Nina dahil ika dalawang beses niya na dito. Para kasi akong nasusuffocate. Hanggang sa tumigil kami ulit sa isa pang gate at isa pang gate at isa pa. Hanggang sa huminto ito sa isang malaking building. Nangmakababa na kaming lahat ay kumaripas na ng takbo ang mga bus.
Kung di mo isasama ang kambal ay 8 kaming matatanda. Tatlong lalaki at limang babae. Nasa harapan kami ngayon ng mala mansyong straktutang to na may naka lagay na 'Main Assistance Office' Nauna saming nag lakad si Nina. Nag katinginan kaming pito at sumunod kay Nina.
Ang dalawang lalaki ay parang b1 at b2 dahil malaki ang pangangatawan. Yung isa naman ay katamtaman lang at parang kasing edad ko lang. Ang tatlong babae naman na natira ay mag kakamukha pero mag kakaiba ang edad. Pansin ko na may namr tag sila. Ang pinaka matanda ay Anna sumunod ay Agnes at ang kasing edaran ko rin ay Agatha.
Huminto si Nina sa isang malaking pintuan at lumingon sakin.
"Dito muna kayo kakausapin ko muna ang head. Dette ikaw na muna ang bahala sa kambal. Jade Nep mag pakabait kayo kay Tita Dette niyo sandali lang si mama sa loob." Pag katapos halikan ang mga anak ay pumasok na ito sa kahoy na pinto.
Lahat kami doon ay naghihintay. Tahimik ang lahat sa awkward na paraan. Hanggang sa binasag ito ng lalaking kasing edad ko.
"Hindi ba kayo natatakot?" Tanong nito.
"Bakit naduduwag ka na ba?" Panunuya ni B1
"Akala mo naman siya di naduduwag manahimik ka nga Bradly! Pag pasensyahan niyo na tong kapatid ko ah." Hinging paumanhin ni B2
"Ok lang. Nakakatakot naman kasi talaga dito. Di naman kasi kami ininform ng agency na ganito pala dito." Sagot ni Anna.
"Bakit ano bang sadya niyo rito?" Tanong ni B2
"Mga maids kami" sagot naman ni Agnes.
"Kami naman carrier lang kami ni Bradly. Isang buwan lang ang kontrata namin dito." B2 replied
"Buti pa kayo........" Sabat naman nung isang lalaking hindi ko pa alam ang pangalan.
"Ikaw ba anong sadya mo dito?" Tanong ni B1
"Technician ako. Tsk! Tsk! Pinadala nila ako dito kasi magaling daw ako kaya ayun eto ako. Hayyyyyy!" Buntonghininga nito.
"Anong pangalan mo?" Nagulat kami ng mag salita si Agatha. Parang lahat kami ay aatakihin sa puso. Ang lamig ng boses niya akala mo robot. Nakita kong napangiwi yung lalaki bago sumagot.
"R-raynald. Raynald Bernardo."
*Stares*
*Silence*Shit nakakatakot si Agatha. Kung maka tingin kasi siya kay Raynald.........wagas. Nag butil butil naman ang pawis sa noo ni Raynald na mapapansin mong naiilang na.
"Ikaw." 0_0 muntik na akong mastroke ng bigla akong lingunin ni Agatha. As in yung ulo lang niya ang gumalaw. Hindi gumalaw yung katawan niya at yung mata niya inshort ulo at labi lang ang gumalaw. Creepy....... °_° .
"A-ako?" Nag aalinlangan kong tanong sabay turo sa sarili ko.
*Nods*
Shit hindi man lang siya kumurap. Nag titigan kami ng ilang sandali bago ako naka pag salita."Ber-n-nadette San J-juan." Nauutal kong sagot. Takte parang pusa yung mga mata niya. Titig na titig siya sakin.
"A--a--ahh Agatha dear tara tingnan natin yung flowers dun oh!" Hinila ni Agnes si Agatha sa pinaka malayong vase na nakita nila. Para namang robot na sumunod sakanya si Agatha pero yung ulo niya ay nakaharap pa rin samin at nag mamasid. Napangiwi ako. Wala na bang mas ikaka weird pa to?
"Pag pasensyahan niyo na si Agatha ahh. Ganun talaga yun. Pero harmless naman siya well wag lang susumpungin." Kinilabutan naman ako sa sinabi ni Anna.
"Ahhhhh....." Napa sangayon na lang kaming lahat kahit sa loob loob namin ay gusto na naming tumakbo.
Hindi rin nag tagal at lumabas na din si Nina sa silid. Tiningnan ko siya at mukha naman siyang maayos. Pero di ko inaasahan yung sinabi niya.
"Dette gusto ka daw makita ng head." What?
Napatulala lang ako sandali bago ako narauhan at pumasok sa malaking pintuan na iyon.
Pag pasok ko...... Tumambad saakin ang isang magarang office table isang upuan at isang swivel chair kung saan nakaupo ang head. Malaki ang buong kwarto pero ang mga binanggit ko lang ang nandoon.
Napalingon ako ng umikot ang swivel chair at natanaw ko ang isang lalaking may edad na. Mataman itong naka tingin sakin. Itinuro niya ang upuan sa harap ng table at nag lakad naman ako papunta doon. Habang nag lalakad ay pakiramdam ko ay mabubuwal ako. Buti na lang at naka upo na ako bago pa ako mabuwal.
Nang makaupo na ako ay may inabot siya saking brown envelope. Napatingin muna ako sakanya na may kyuryosidad bago ko binuksan ang envelope. Sa loob ng envelope ay may mga papeles na may nakalagay na 'Contract'.
"Uhmmmm.... Para saan po ito?" Nagugulumihanan kong tanong.
"You came here without any advisory. We dont even know you. So to keep you stay Nina suggest that we give you a Employment Contract."
Na gets ko naman ang punto nila. Oo nga naman bigla na lang ako susulpot dito.
"Ahh sige po. Nasaan po ba ang pipirmahan dito?" Tinuro niya ang guhit sa bandang ibaba at doon ako pumirma gamit ang fountain pen sa magarbong lamesa. Nang maka tapos rin akong pumirma ay lumabas na rin ako ng silid na yun.
"Saan na tayo Nina?" Tanong ko pag kalabas na pag kalabas ko.
"Sa mansyon."
YOU ARE READING
Behind The Bars
RandomLagi akong nag tatanong Lagi akong may hinahanap Lagi akong umiiyak Parang lagi na lang may kulang........... Parang may nakalimutan ako na mahalaga Pero bakit di ko matandaan Ano ba kasi yun? Ano ba kasing nangyari? Sino ba siya?????? Sino ka ba...