Nina just give me a sorrowful smile. Then tears start to swell in her eyes.
"He. He was called Emerald because he had this Green hair green eyes ang green nails."
"Indeed?"
"Yes indeed. When I work there he was the last man who saw me and I never thought that he will be that intimate with me. I thought that he is just being nice to me." A tear fall from her eyes but she quickly shove it away.
"Then one day he told me that his room needs to cleaned. So I enter his room then he locked i-it t-then-" I immediately pat her shoulders. She's bursting in tears. I can see the horror passing her eyes.
"After that, I escaped from the mansion and directly went to the officials to resign. When I finally got out of there thats when I knew that I was pregnant. I stayed with my parents. But after 4 years he is still hunting me."
"How?"
"He has connections. He blocked mailed me and my parents if I dont bring our children. Of course at first who am I to believe his threats but a lot incidents happen to my family and I exectly know why. I tried to go far away from my family but he. Whoever I met he kills. So I came up with the decision to go there and face him. I will go there to stop the killings and let him meet his children."
"Pero paano kung kunin siya sayo ng ama nila?"
"Mamatay muna ako Dette bago nila magawa yun."
"Pero sabi mo nga hindi sila mga ordinaryong tao. Kaya nilang gawin yun Nina."
Hindi siya naka pag salita at nakita kong bumalot sakanya ang takot. Pero agad din yung nawala.
"No Dette hindi niya yun magagawa."
"Paano ka naman nakaka sigurado?"
"He only dont want his children but also me."
*:*:*:*:*
Maka lipas ng ilang oras ay naka tulog na rin si Nina kasama ng mga anak niya pero ako hindi maka tulog. Iniisip ko ang mga tao sa mansyon na ngayon ay siguradong nag hahanap na sa akin. Pero ang isa pang ikanabagabag ng dibdib ko ay ang lugar na pupuntahan ko. Anong mangyayari sakin doon. Naka tingin ako sa papasikat na araw. Umaga na pala. Natatanaw ko na ang dagat mula rito.
Mayamaya ay naramdaman kong may nakaka titig sakin. Napalingon ako sa batang may yellow green na buhok. Sa pag kakatanda ko ay Nephrite ang pangalan niya. Naka titig lang siya saakin. Humarap ako sakanya at nginitian siya.
"Hello!" Malambing kong bati. Pero tinitigan niya lang ako.
"Ilan taon ka na?" Tinaas niya lang ang kamay niya. So five years old na pala siya."Anong pangalan mo?"
"Nephrite" tipid nitong sagot. Tiningnan kong mabuti yung bata kasi titig na titig talaga siya sakin.
"May problema ka ba Nephrite?" Malumanay kong tanong.
"Wala po. Pero nag tataka lang po ako kung bakit ang ganda niyo."
Napangiti ako ng matamis. Well... Hindi marunong mag sinungaling ang mga bata hahahahahha gusto ko na tong batang to.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?" Di ko pa rin mapigilan ang ngumiti.
"Hindi po dahil maganda po si mama pero kakaiba po kasi kayo eh... Parang nakita ko na po kayo kung saan."
Doon nag laho ang ngiti ko. Nakita niya na ako?
"Kailan?"
"Hindi ko matandaan pero alam ko pong nakita ko na kayo."
"Baka naman nasa panaginip mo siya Nep." Napatingin kami kay Jadeite na ngayon ay gising na.
"Oo nga Jade parang nasa panaginip ko siya." Sang ayon naman ng kapatid niya. Nang mapansin ni Jadeite ang pag ka kunot ng noo ko ay nag salita ito.
"Nakakita po kasi ng mga pangitain si Nephrite tuwing nanaginip siya. Pero bawal po yun ipag sabi dahil malilihis ang pangyayari."
Namangha ako sa kambal dahil kung maka pag salita sila ay akala mo ay matanda na ang mga kausap mo. At namamangha rin ako sa kakayahan ni Nephrite na makakita ng isang pangitain.
"Pero di ko po matandaan kung sino kayo sa panaginip ko." Sabi ni Nephrite.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Naka sakay na pala kami sa isang ferry. Hindi ko maintindihan pero sinimulan na akong kabahan. Napaisip ako, ano ba ang kahahantungan ko sa pag dating ko sa kulungang iyon. Dahil sa ikinuwento sakin ni Nina ay mas lalo akong kinabahan. Paano na lang pag nangyari sakin ang nangyari sakanya? Sana lang hindi.....
Damang dama ko ang ugong ng makina ng barkong kinasasakyan namin. Pasin kong hindi lang kami ang bus na nakasakay dito. Marahil ay galing ito sa ibat ibang lugar. Katulad ng saamin ay kaunti lamang ang laman ng bawat isa. Kung bibilangin kaming lahat ay mga nasa walo kaming pupunta sa Prisonville.
Makalipas ang dalawang oras ay dumaong na ang barko. Isa isa ng bumaba ang mga bus sa barko. Ngayon ay naka tambad sakin ang isang sobrang taas na pader. Ni hindi matitingala kung gaano ito kataas. Sobrang taas nito at marahil rin ay sobrang tibay. Gawa ito sa...... Teka anong klaseng bato ito? May mga barbwire din na naka palibot sa buong lugar. The air is so dense. Kahit sikat na sikat ang araw ay ramdam ko ang kadilimang namumuo sa buong lugar. Wala kang ibang maririnig kundi ang ugong ng mga sasakyan na kahit ang mga ibon ay hindi man lang humuhuni. Yun ay dahil walang mga ibon. Walang hayop kang makikita.
Kung meron man ay marahil naka kulong din sila sa mataas na pader na ito. Sa aking mga nasaksihan ay parang gusto ko ng umatras. Tama lang ba talaga na umalis ako ng mansyon?
Napatingin ako kay Nina na unti unting tinatakasan ng kulay. Naka imprenta sa mukha niya ang takot. Kahit ang mga kamay niya ay nanginginig na at nakakasigurado ako na nanlalamig na rin. Para naman sa dalawang bata, parang wala lang sakanila ang mga pangyayari.
Tumigil ang bus sa harap ng isang gate. Kasabay noon ang pag sikip ng dibdib ko at panginginig ng tuhod ko. Im scared. My fingers start to quiver. Bumukas ang gate at pumasok ang bus.
YOU ARE READING
Behind The Bars
RandomLagi akong nag tatanong Lagi akong may hinahanap Lagi akong umiiyak Parang lagi na lang may kulang........... Parang may nakalimutan ako na mahalaga Pero bakit di ko matandaan Ano ba kasi yun? Ano ba kasing nangyari? Sino ba siya?????? Sino ka ba...