Chapter 2: Always With You
Warning: SPG/R18+
Read at your own risk.Marahan kong minulat ang mga mata nang marinig ang alarm clock. Agad akong napangiwi nang maramdaman ang sakit sa ulo.
"Amica mea..." namamaos kong sabi.
Bahagya akong natigilan sa narinig. Napabuntong hininga ako bago dahan-dahan na bumangon.
Napanaginipan ko ulit siya kagabi. Maybe because I was drunk last night, that's why. Yeah. Maybe.
"Good morning, Aislinn Zesa Quevara. How's your head?"
Bumaling ako kay Crosette na nakatayo sa bukana ng pinto habang hawak ang tray na may laman na isang baso ng tubig at aspirin.
Umirap siya bago lumapit sa 'kin at umupo sa gilid ng kama. "Here. 'Yan kasi naglalasing dahil sa cute guy na 'yon."
Cute guy?
Agad kong ininom ang gamot, huminga ako ng malalim bago magsalita. "Thank you."
"Yah yah." Tumayo siya. "Bebs, wanna come with me tonight—"
"No." Pagputol ko sa kaniya. Baka sa bar na naman siya pupunta. I've had enough of the liquor. I don't want another headache.
"It's not what you think. Family dinner lang. You want to come?" muli niyang sabi.
Tumayo ako. Sandali akong napapikit bago tinupi ang kumot at inayos ang unan. "No. I have work today, and my head is pounding nonstop."
Kinuha ko ang bathrobe at towel bago nagtungo sa banyo. Narinig ko ang yabag niya na sumunod sa 'kin.
"My cousin wants to see you there. He wants to meet you since nakita niya 'yong pictures mo na nasa beach. 'Yung outing natin with our blockmates last year. Remember? I bet he wants to bang you in bed," ani ni Crosette bago tumili.
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya, bigla ko rin naalala ang nilalang sa panaginip ko.
Hinilot ko ang batok bago sumulyap sa kanya. "Next time. And please, tigilan mo na pagiging matchmaker sa love life ko. It's not working, Sette. 'Saka 'yang bibig mo, magtigil ka nga. Pinagsasabi mo puro kahalayan. Aga-aga eh."
Impit siyang tumawa. Tumingala siya bago humalakhak. Tinaasan ko siya ng kilay bago sinara ang pinto ng banyo. Hinubad ko ang damit at sinabit sa steel.
I heard her horrible laughter outside. I rolled my eyes, then turned on the shower. Maligamgam na tubig ang dumampi sa balat ko. Nakakagaan sa pakiramdam.
"Bebs, nagbibiro lang ako." She giggled. "Well, anyway! I baked cupcakes. I'm so good at baking already. Have a bite before you go to work, 'kay? Pwede rin magdala ka sa work."
Hindi ako nagsalita. Nag shampoo ako at marahan na minamasahe ang anit ng buhok ko habang nakapikit.
"Bebs!"
"Oo na. Make sure it's edible to eat! Make sure it's not poisonous, 'kay?" Ginaya ko ang tono ng boses niya.
Narinig ko ang kanyang pagsinghap. "Poisonous?! How dare you?"
Napatawa ako. Narinig ko na lang ang padabog niyang yabag paalis. Nakakatuwa talagang asarin si Crosette.
Ilang sandali pa ay natapos ako sa pagligo. Sinuot ko ang bathrobe bago pinulupot ang towel sa buhok. I wore my black skirt and formal sleeves. Tumingin ako sa salamin habang binoblower ang buhok ko.
Naningkit ang mga mata ko sa repleksyon. Bakit kaya napanaginip ko ang gano'n? Parang totoo at parang sasaktan niya ako, pero tila siya 'yung nasasaktan... na parang may pinipigilan siya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
CAMBION (R-18 | COMPLETED)
Paranormal📌 WattysPH2018 SHORTLIST "Angel of God. My Guardian dear. To whom God's love commits me here. Ever this day or night be at my side, to light and guard, to rule and guide. In Jesus name... Amen." At matapos bigkasin ang panalangin na iyon... ay nata...