Chapter 3- Meet Again

13 1 0
                                    

SHAWN REO P.O.V

Palinga linga ako sa paligid. Asan na ba ang mga barkada kong ugok? Sa di kalayuan nakita kong kumakaway si cedric at wendell nakangisi ang mga ito sakin. Lumapit ako sa mga gago. Aba tingnan mo nga naman nagwapo din mga tulmok ah. Pero syempre may tatalo paba sa kagwapohan ko? Haha. 

"Long time no see dude" ika ni cedric sabay tapik sa balikan ko.

"Dito kana ba for good bro?" Si wendell at nakipag aper. Tumango ako. Sa di kalayuan nakita ko sina riza mitzi jhean syrah at yesha. Nakaupo ito katabi ng bestfriend nyang si syrah at parang may pinapakita sa cellphone. Napakunot naman si syrah parang hindi nagustuhan ang pinakita ni yesha sa kanya. Agad nitong binatukan si yesha na kinanguso nito habang hinihimas ang batok. So cute


Napaka simple parin nya pero ang lakas ng dating. Naka white t-shirt lang sya na may tatak na MEME. Naka short short at naka vans na sapatos. Nakalugay din ang kulot nitong buhok. Malala pa naka dewatro ang upo nito na parang lalaki.

Lumapit agad sakin sina riza isa isa ko silang niyakap. Nahagip ng mata ko si yesha na nakatayo lang at nakatingin sakin. Oh tamang sabihin na nakatitig sa kagwapuhan ko? Naks naman. Nayakap ko kuna silang lahat pero si yesha nakatayo parin.


Ako na mismo ang lumapit. Hinapit ko ang baywang nya. Agad ko syang pinayakap. Namiss ko ang amoy nya, ang amoy nyang nakaka adik. Naramdaman kong yumakap nadin sya sakin. "I miss you"bulong ko sa kanya


"S-shawn" yung boses nya ang sarap sa pandinig namiss ko sa kanya lahat. Lalo kong hinigpitan ang yakap.


"Oh! Tama na ang yakapan! Tara sa hideout! Epal ni cedric. Takte panira ng moment ang gagong to.



Sumakay kami sa van. Bale katabi ni jhean si yesha tas katabi ko si yesha. Pinag gigitnaan namin si yesha. Amoy na amoy ko ang pabango nyang gamit. Nakakaadik.


"Mahal! wag mo naman akong siksikin ipit na ipit na ako dito utang na loob! Sabi jhean kay yesha. Pero inismidan lang ni yesha si jhean at nag cross arms pa. Hindi din ito natingin sakin. Hmp bitter paba?

Dumaan muna kami sa mcdo bago tuluyan pumunta sa hideout.


Nandito na kami sa hideout. Nagkakasayahan na kwento dito kwento duon. Si wendell puros kalukuhan lang tawa tuloy kami ng tawa. Grabe nakakamiss ang mga to


"Alam mo ba pareng shawn! Si yesha nun nalaman kang uuwi bi--------" hindi na naituloy ang sinabi ni cedric. Lumapit kasi si yesha at sinubuan si cedric ng napakaraming fries sa bibig ppfffttt epic ang itsura si cedric hahahaha. Naka akbay pa si yesha sa kanya. Habang ang katabi naman nitong si wendell pigil pigil ang tawa. Teka ano bang nang yayare naka kunot nalang ako ng noo


"Yan kumain ng kumain kalang ced okay. Dapat pinapasakan ng maraming pagkain ang katulad mong madaldal" ika ni yesha hindi padin inaalis ang pagka akbay dito. Tumango si cedric bilang sagot. Panu makaka imik diba punong puno ang bibig pppffffttt hahahaha


Bumalik ulit si yesha sa pwesto nya. Nagka yayaan uminom. Nasa kalagitnaan ng kasiyahan biglang may nag ring.

Nag sitayuan sila at parang my pinag aagawan na cellphone.

"Oh sinu tumawag?"

"Teka di ko makita"

"Si troy guys!"

Lumapit si yesha sa sa kanila at pinag hahampas sila hahaha amazona.


"Hindi parin kayo nag babago! Mga chismosa at chismoso parin kayo!"
Singhal ni yesha at agad na inagaw ang cellphone. Nagsibalikan ang mga ugok kong barkada sa kani kanilang pwesto.


"Hello! Ah talaga? ,,,,, kelan naman?,,,, tom?,,,, syempre naman pupunta ako,,,,,, ako paba! Ako kaya ang number 1 fan mo! ,,,,, hmp dito sa hideout,,,, may dumating lang na hindi naman importante,,,,,, oh sige na bye na! ,,,, hahaha lovelots din!" At pinatay na nito ang cellphone. Na may ngiti sa labi.

Gabi na at lasing na lasing na mga girls ang liligalig nadin. Ang lalakas uminom tapos ang daling malasing ee


"Dude! I aakyat kona ang mga to sa kwarto nila ikaw nalang bahala ky yesha" sabi ni cedric at inaalalayan ang sina riza ganun si wendell.


Binuhat ko si yesha na parang pang kasal. Nakakapit lang sya sa leeg ko. Nakapikit lang nito. Amoy na amoy ko nanaman ang pabango nito. Ng marating ko ang kwarto ni yesha. Hiniga ko ito sa kama ng dahan dahan


"Ang lakas uminom pero ano di kaya ang sarili tsk" sabi ko ng maihiga kona si yesha sa kama. Nilibot ko ng tingin ang kwarto puro hellokitty. Pati unan at comforter hello kitty din. Para syang kwarto ng bata.

Umupo ako sa tabi ni yesha at pinag masdan ang cute nyang mukha. Ang haba ng pilik, matangos na maliit na ilong. Napatingin ako sa labi nyang masarap halikan. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hinalikan ko sya sa noo bago tumayo pinagmasdan ko sya  mula ulo hanggang paa.

Mapayapa syang natutulog. Tumingin ulit ako sa labi nya agad kong lumapit sa kanya at pinatititigan ang mukha nito. Siguro naman hindi masama ang mag nakaw ng halik. Sabay ngisi



Mabilis kong hinalikan sa labi si yesha at lumabas na ng kwarto nya. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at natulog na din.








Kinabukasan....



Yesha P.O.V


Bumangon ako sa kama na masakit ang ulo. Tsk madami ba akong nainom? Sinu nag dala sakin dito? Hmmmm siguro si wendell oh kaya cedric? Tama tama. Bumaba na ako dumiretsyo sa kusina na hawak ang ulo ko ang shakit talaga mga besh! Ito ata ang tinatawag na hangover.

Naabotan ko silang nakaupo. Lahat sila andito na so ako nalang pala ang kulang? Pare parehas na nakahawak sa ulo si riza jhean mitzi syrah. May hangover din ang mga bruha hahaha. Umupo ako sa bakanteng upuan.

"Oh! Gising na pala ang isa pang lasenggera!" Sabi ni wendell. Tumayo ako at hinampas sa ito sa braso. Ngumiwi naman si wendell at hinimas ang braso.

Nag timpla ako ng gatas tas umupo na ulit. May mga breakfast nadin. May bacon ham egg hotdog. Nakita ko si shawn na nilagay ang sinangag sa lamesa



Kumuha si riza ng pinggan. Isa isa kaming binigyan.

"Ikaw lahat nagluto shawn?" Tanong ko kay shawn. "Yeah" nakangiti nitong sabi at umupo na sa tabi ko. Yun nalang kasi ang bakante mga besh! Wag kayong ano!



"Pwede kanang mag asawa" biro ko. Nakaka limang subo nadin ako.



"Haha saka na pag pumayag na ang magiging asawa ko" sabi ni shawn na kinatahimik namin lahat. Nag sitinginan din sakin ang mga barkada ko. Pero subo lang ako ng subo besh.


Awkward.



"Bakit dude? May naiwanan kabang girlfriend sa UK?"pambasag sa katahimikan si cedric. Lahat kami nag aabang ng sagot.


Pero si shawn biglang tumawa ng pagkalakas lakas. Aba at nababaliw na ata ito? Naki tawa nalang din kami para hindi sya nag iisa hahaha.




"Nah!! Im single" sabi ni shawn sabay kindat sakin. Abat lalandi pa? Tinaasan ko siya ng kilay at pinag patuloy ang pagkain. Narinig ko naman ang hagikgik ng barkada ko. Psh saya nila men saya nila.

CLOSE TO YOUWhere stories live. Discover now