Chapter 5- Batangas

8 1 0
                                    

Yesha Pov

"Nak! Si troy nasa baba na" sigaw sakin ni mommy.

Bumaba na ako. Mag babadmenton kasi kami ni bes madalas namin tong gawin tuwing umaga. Habang pababa ako ng hagdan nakita ko si troy nakaupo sa sofa naks naman ang gwapo naman ng bes ko!


"Bes! Let's go!" lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse nya. Pumunta kami sa park na madaming nag jojogging.

Puwesto na kami at nagsimula ng mag badmenton.

"Bansot ang duling mo haha" tawa ni troy ng hindi ko natamaan ang shuttle cock. Sinamaan ko lang sya ng tingin at nag serve na ulit.

Pero ang bilis nga naman ng karma kasi hindi din nya natamaan hahaha

"Oh! Ang bilis talaga ng karma bes no" asar ko sa kanya. Tumawa lang aba hindi napikon

Isang oras na din kaming nag eenjoy at naliligo na din kami sa pawis. Nag serve si bes at tiningnan ko ang shuttle cock kong san ang bagsak. Pero bigla akong na out of balance.

"Yesha!" Rinig kong sigaw ni bes. Pero nakapikit lang ako at hinanda ang sarili na babagsak sa lupa pero


"Sa susunod mag ingat ka. Baka pag natumba ka ulit wala na sayong sumalo" seryosong sabi ni shawn. Oo si shawn lang naman ang sumambot sakin!

Umayos ako ng tayo. At sya naman umalis at nagsimula na ulit mag jogging. Sungit ngayon ni shawn ah. Magpapasalamat pa sana ako kaso badtrip ata

"Okay kalang bansot" sabi ni troy at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Tumango lang ako.

Niyakap ako ni troy at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako bigla alam nyo yung tipong sobra syang sweet. Ang swerte ko rito sa bestfriend ko.

Nagpasya na kaming umuwi. Pagkahatid sakin sa bahay. Umalis narin si troy kasi busy nanaman.

Katatapos ko lang maligo. Nandito ako sa kwarto at nanunuod ng tv biglang nagtunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesa tiningnan kong sinung epal ang nag text.

Cedricpogi: yesha punta kayo sa hideout may pag memeetingan tayo. Now na.

Meeting para san? Tetext ko sana sya kaso wala nga pala akong load -__-

Gumayak na ako at pumunta na sa hideout.

"HELLO GU--" napatigil ako sa pag sigaw ng makita si shawn. Asan sila?

"Hmp shawn asan sila? Nagtext sakin si ced may pag memeetingan daw e" sabi ko kay shawn at umupo sa kaharap nyang sofa. Busy lang to sa kanyang cellphone at parang walang narinig.

"Suplado psh" bulong ko.

Halos lumipas ang 30 minutes pero wala parin ang mga hinayupak kong barkada!! Si shawn? Ayun busy parin sa cellphone nya di manlang nga natingin sakin. Psh sungit

Nangahalumbaba nalang ako sa sobrang inip. Hinihipan ko ang buhok na tumatabon sa mukha ko.

"Pwede ba tigilan mo yan!" Rinig kong sabi ni shawn. Itigil ang ano? Ah baka may kausap sya sa cellphone. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko mga besh!

"At talagang nag papacute ka yesha?!" Sa narinig kong yun bigla akong napatingin kay shawn. Nakakunot ang noo nito ang sama ng tingin sakin na akala mo may ginawa akong masama abat!

"Problema mong hinayupak ka?"

"I said stop!!"

"Stop ka dyan inaano ba kita!!"

CLOSE TO YOUWhere stories live. Discover now