Chapter 4-Jealous

13 1 0
                                    

YESHA POV

Bat kaylangan pang kumindat. Tss paki ko naman kong single sya. Dapat ba akong matuwa? Bakit naman? Pakindat kindat pang nalalaman akala mo naman ikakagwapo nya yun.

"Whoaa, shawn swerte pala nitong si yesha kasi ma---"

"Cedric manahimik ka! Ibabato ko sayo tong kutsara!" Pigil kong sabi sa kanya. Baka kong ano nanaman lumabas sa bibig. Kalalaking tao ang daldal pucha.

"Swerte mo kasi maganda ka hehe. High blood agad" inismidan ko lang sya. Napatingin ako kay shawn na nakatingin din pala sakin. Nakahalumbaba ito tapos tinititigan akong mabuti.

"Gandang ganda ka naman sakin? Pwede ba shawn kumain kana hindi yung tititigan mo lang ako!" At pinagpatuloy ang pagkain. Naiilang na kasi ako. Ikaw ba naman tititigan ng gwapong nilalang diba!

"Matagal na akong gandang ganda sayo ms. Dela cruz" pinanlakihan ako ng mata. Tumingin ako kay shawn na nakangisi sabay kinindatan nanaman ako -______- nakakagwapo ba ang pag kindat!

"Yown!! Bumabanat si pareng shawn haha!"

Sinamaan ko lang ni wendell ng tingin. Yun iba tumawa nalang. "Puro kayo kalukuhan! At ikaw shawn kulang kalang sa kain! Kumain kana"

"Oh kain lang daw ng kain bakla! Haha concern sayo si yow eh" pang aasar ni riza

"Nakaka touch naman yesha pa hug nga" akmang yayakap na sakin si shawn pero hinarang ko ang kamay ko sa mukha nya at inilayo. Napakamot nalang ito sa ulo

Nang matapos kami kumain. Dumiretsyo na kami dito sa sala kanya kanyang mga pwesto mga besh. Habang nag fafacebook biglang nagtext si troy.

TroyBes: Bansot! Sunduin kita mamaya sa inyo.

Sunduin? Bakit ano bang meron ngayon? Ay sheettt! kakanta nga pala si troy. Dali dali akong nag reply kay troy

Me: Sige bes:) 1pm right? Pwede manuod ang barkada?

Ting!!

Ay ang bilis magreply ni bes! Hindi sya busy ngayon.

TroyBes: Yeah 1pm :)

TroyBes: Sure bansot. Finally makikilala kona din ang barkada mo. Oh sige later nalang bye I love you :*

Me: Lovelots bes :*

Nilagay kona sa bulsa ko ang cellphone. Nagtataka ba kayo kung bakit nag I love you si troy? Di ko din alam hehe ^___^ lagi naman ganun yun nakasanayan kona. Sweet lang talaga sya at sobrang maalagang boybestfriend konting konti na nga lang mafafall na ako sa kanya. Pero pinigilan ko kasi diba baka masira ang friendship.

"Guys! Sama kayo sakin mamaya 1pm. Kakanta si troy"

Nag thumbs up naman sila para iparating na okay.

Nakita ko si shawn na papalapit samin na may hawak na gitara. Umupo ito sa sofa sa tapat namin.

"Isang kanta naman dyan bakla" sabi ni riza at umupo sa pwesto nya.

Nagsimulang tumipa si shawn.

Show you by Shawn Mendes.

Verse 1]
You can't walk the streets at night
You're way too short to get on this ride
No I'm not, no I'm not, they're tryna tell me that I
I gotta be home when the street lights glow?
You can't watch your TV show
I will watch what I wanna watch
No, I won't listen to you, do what I wanna do

CLOSE TO YOUWhere stories live. Discover now