A

22 0 0
                                    

"Oh ang sama nanaman ng mukha mo dyan." tanong sa akin ni Liz.


Papunta kami ngayon sa canteen dahil lunch time na.


"As if hindi mo naman alam kung bakit." mataray kong sagot dito.


"Ok. wag mo kong idamay sa init ng ulo mo ha?"


"Kasi naman nagtatanong ka pa eh alam mo naman."


"Chill lang. talagang di kayo magkasundo ni Clyde ano?"


"NEVER! Napakayabang kaya niya. Akala mo kung sinong gwapo eh saksakan

naman ng sama ng mukha." iritable kong sagot.


"Naku Sis, hinay-hinay ka sa mga iniimik mo, baka marinig ka ng mga fan girls niya."


"Wala akong pakialam okay?"


Pumunta na kami sa usual spot namin dito sa canteen. Iniwan lang namin bags namin then pumila na kami.


"Pag minamalas ka nga naman oh!" sambit ko. Nakita ko kasi sa pila ang hambog na si Fajardo. As usual, nagpapacute na naman sa mga fangirls niya.


"Kalma lang Sis. Dedmahin mo na lang siya." payo sa akin ni Liz.


"I know." Wala din naman talaga akong balak pag-aksayahan pa siya ng laway at oras ko. He's not worth it!


"Hi Reiko." bulong niya sa akin pagtapat ko sa kanya.


Sinamaan ko na lang siya ng tingin tapos nilampasan ko siya.


Napaka-feeler kasi niya masyado. Feel na feel niyang pinagkakaguluhan siya ng mga babae dito sa school. As if naman napakagwapo niya.


"Pare oh, tinarayan ka? Hahaha siya lang talaga ang di mo kayang paamuhin dito!" narinig kong kantyaw sa kanya ni Lloyd.


"Ulol! Mapapaamo ko din sya. Maghintay ka lang." sagot naman ni Fajardo. Kung makaimik akala mo wala ako dito oh.


Lumingon ako sa kanila. "We'll see. *evil grin*" sabi ko sa kanila sabay deretso ng lakad papunta sa counter. They already wasted so much of my time.


I'm Reiko Sano, a Senior student in Pascal's International School (PIS). My father is a Japanese while my mom is a Filipina. As of now, I'm living on my own. Both of my parents are in Japan dahil sa business. I'm used to it na din naman. Everytime naman na may  special occassion, it's either ako ang pupunta sa Japan or sila ang umuuwi dito.


Si Liz naman ang nag-iisang kaibigan ko dito sa school. Marami kasing galit sa akin dahil inaaway ko daw si Fajardo. Although may mga mababait pa rin naman sa akin lalo na pag meron silang kailangan. Pero the hell I care about them! Wala naman akong balak i-please silang lahat. Liz is already enough for me. Hindi ko na kakayanin pang pakisamahan ang isa pang loka-lokang kagaya niya. But seriously, I love her to bits, I just don't tell her.

A Thin Line Between Hate and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon