C

8 0 0
                                    

"Ano ba? Pwede magfocus ka naman?" sita ko kay Fajardo.

Nandito kami ngayon sa bahay ko para sa case study namin. Kanina pa ako bwisit na bwisit sa kanya.

Kung ako busy sa pagbabasa, siya naman busy sa kakakalikot ng kung anu-anong bagay na mahawakan niya. Minsan cellphone, iPod, photoalbum, at kung anu-ano pa! Halos wala na  nga syang naaambag sa gagawin namin eh. Grr!

After ng ilang days matapos maibigay ni Mam Gonzales, ngayon pa lang kami magsisimula. Tuwing tatanungin ko kasi siya ay laging practice ng basketball ang reason niya. Pero nung minsan nakita ko ang team captain nila ay nalaman kong tapos na lahat ng trainings nila. Tinatakasan lang talaga niya ako. Kaya nang magpaalam siya kanina na may practice ay di ko na siya pinayagan.

Pero eto naman ang kapalit. Nandito nga siya pero wala pa ding silbi. Kahit elan talaga walang mapapala dito kay Fajardo eh. Husto lang sa porma.

Hindi na ako nakapagpigil kaya inagaw ko yung iPhone niya.

"Ano ba?! Ibalik mo nga sa akin yan!" sigaw niya sa akin.

"Not unless makipagcoorperate ka sa akin. We're already few days delayed dahil sayo tapos ganto pa gagawin mo!"

Hindi ko na din nakontrol ang temper ko kaya nasigawan ko na siya.

"No! You cannot make me obey you nor follow your orders!"

Aba't nagmamatigas pa tong isang ito.

"Ah ganon?" I stood up habang dala ang iPhone niya at dumeretso sa cr. Itinapat ko sa bowl yyung iPhone niya.

"As if you can do that." panghahamon niya sa akin.

"Don't you dare provoke me. You don't know what I'm capable of." pagbabanta ko sa kanya.

Wala naman talaga akong balak ihulog itong iPhone niya, pero kapag hinamon pa niya ako gagawin ko talaga.

Mas ibinaba ko pa yung iPhone niya palapit sa bowl. Hindi pa rin siya natitinag kaya unti-unti ko pang ibinaba ang pagkakahawak ko dito.

About 2 inches na lang ang layo nito sa tubig nang magsalita siya.

"OK! I give up! Baka mamaya ituloy mo pa yan. Baliw ka pa naman." sabi niya.

"Anong sabi mo? Hihirit ka pa ha!" ibinaba ko lalo yung iPhone sa bowl. It almost touched the water.

"Joke lang ok? Akin na nga yan." 

"Nope. Let's have a deal first." sabi ko sa kanya.

Mas mabuti nang magkaroon kami ng agreement bago ko ibalik sa kanya itong iPhone niya.

"Ano nanaman yon?" nakasimangot na tanong niya.

"Makikipagcooperate ka na sa akin. At kapag hindi ka pa rin nakipagcooperate, isusumbong kita kay Ma'am Gonzales. Dapat din na magkasundo tayo para madali tayong matapos."

A Thin Line Between Hate and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon