D

2 0 0
                                    

Natapos ang klase na hindi pa rin kami nagpapansinan ni Clyde. Bago ako lumabas ng classroom naisip kong lapitan sya.

"Clyde, can we talk?"

Lumingon sya saken at tiningnan ako na parang bored na bored.

"About what?" tanong niya.

"If it's about the research, wag kang mag-alala. Pupunta ako sa inyo. Hindi mo ko kelangan iremind lagi." dagdag pa niya.

"O-ok..." yun lang ang naisagot ko. Napakacold niya sa akin. Sabagay, hindi ko naman maeexpect na maging warm ang pakikipag-usap niya sa akin.

"If you'll excuse me" tumayo na sya at dumaan sa harap ko para umalis.

Napatitig na lang ako habang naglalakad sya palayo.

Then I realized. Fine! Ba't ko pa nga naman ipipilit na makipagfriends sa kanya kung ayaw niya? I can live without him. I don't know what has gotten into me para maisip ko yun. Argh!

Umuwi muna ako sa bahay. Hindi ko na nakita si Liz kaya mag-isa ako naglakad pauwi.

Pagdating ko sa bahay pumunta agad ako sa kwarto para magpahinga. Mas mabuti nang may lakas para sa research mamaya. Siguradong ako na naman ang gagawa halos lahat eh.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Magising ako sa katok sa pinto.

-Knock! Knock! Knock!

"Sino yan?" pupungas-pungas akong lumapit sa pinto para buksan iyon.

"Iha may naghahanap sa'yo. Si Clyde daw," sagot ni yaya.

Napatingin ako sa orasan. 5pm na pala.

"Sige po yaya pasabi po bababa na rin ako. Salamat"

Nagbihis agad ako at inayos ang sarili. Pagbaba ko nakita ko siyang nakaupo sa sofa at may hawak na folder.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya. Baka kasi kanina pa sya naghihitay eh masumbatan pa ako.

"Hindi. Kakarating ko lang." Tumayo siya at iniabot sa akin ang hawak na folder.

"Ano to?"

"Yan yung pinapagawa mo sa akin. Nandyan na lahat ng kelangan. Dagdagan mo na lang kung gusto mo."

Napatunganga na lang ako sa kanya.

"Siguro naman ok na yan para masabi mong nakipagcooperate ako sayo diba?"

"Ikaw gumawa ng lahat ng to?" tanong ko habang ini-scan ang ginawa nya.

"Tingin mo ba hindi ko kayang gawin yan mag-isa? Kung pwede nga lang kahit hindi na ako makipagpair sa'yo ginawa ko na." walang gana niyang sagot.

"Ang yabang mo."

"So pano? I'll go ahead. Iupdate mo na lang ako kung kelan natin gagawin yung second part."

"Si-sige." yun lang ang nasabi ko.

Umakyat ulit ako sa kwarto para basahin lahat ng ginawa niya.

Lahat ng nakalagay doon ay tama. Kumpleto na lahat. Wala na kong kailangang idagdag pa.

Ganoon ba ang inis niya sa akin para gawin niya lahat to nang mag-isa? I mean, pwede naman naming gawin ito together pero he chose to do it all alone. Baka ayaw niya lang talagang makipagclose sa akin. But it's alright. Kahit ako hindi ko sya gustong makaclose! Hmp!

---

Kinabukasan ay ipinasa ko na ang first part ng case study namin. Inedit ko lang yung ilang parts sa ginawa ni Fajardo.

"Wow ha! Ang bilis niyo naman natapos sa 1st part niyo." ani Liz.

"Mukhang nagmamadali si Fajardo kaya ginawa na niya lahat. Inedit ko lang. Daming grammatical errors eh."

"Hmm, parang ayaw mo naman na sya gumawa lahat? Bakit? Gusto mo siguro kayo dalawa sabay na gagawa ano?" pang-aasar pa niya sa akin.

"Duh! Stop it Elizabeth! Ayoko lang na magkautang na loob sa mokong nay un!"

"Okay! Okay! Hahaha. No need to call me by my name. It's so old school you know? Hahaha."

"Psh." Nababaliw na yata bestfriend ko.

"So kelan niyo naman gagawin yung second part?" tanong niya.

"Hmm, still thinking bout it." tipid kong sagot.

"Hello, January na kaya! 4th quarter na next month."

"Bakit kayo ba ni Lloyd meron na?"

"Well... Wala pa rin, hehehe."

"Gaga ka talaga. Hmm.. Siguro by the end of January gagawin na namin yun."

"Eh san naman?"

"Dun sa isang home for the aged. For sure magandang gawing case study yun." sagot ko.

"Oww.. Well good luck Sis. Remember ha, si Clyde ang kasama mo. And knowing the two of you, at sa lagay niyo ngayon, malamang lagi lang kayong magbabangayan." paalala niya sa akin. Well, she has a point.

"I know. Basta ako gagawin ko na lang yung dapat kong gawin. Hindi ko na lang siya papansinin o papatulan."

---

Natapos ang buong araw na hindi pa rin kami nagpapansinan. Aaminin ko, nakakapanibago. Kung dati hindi natatapos ang araw na hind niya pinepeste ang buhay ko, ngayon naman halos hangin na yata ang turing niya sa akin. Mukhang kahit ang sistema ko natanggap at nasanay na sa araw-araw na pangbubulabog niya sa buhay ko.

"Hoy!" nagulat ako nang hampasin ako ni Liz sa braso.

"Ano ba? Kelan ka pa naging brutal?"

"Hala! Eh kanina pa kaya kita kinakausap hindi ka naman pala nakikinig. Lutang ka ba?"

"Ano na nga ba sinasabi mo?"

"Ang sabi ko po nan nandito na tayo sa tapat ng bahay ninyo."

Napatingin naman ako sa paligid. Saka ko lang napansin na nandito na nga kami.

"Ehehe.. Sorry." Nagpeace sign pa ako sa kanya.

"Sige na uuwi na ko ha? Bye Sis.. See you tomorrow!" nagpaalam na sya sa akin. Mukha ngang nagmamadali eh.

Kumain lang ako at saka humiga na. Nakakapagod ang araw na to kahit wala naman akong ginawa.


Hindi ko na namalayan nang makatulog ako.


---


Short update. :)



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thin Line Between Hate and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon