FREYA’S POV.
Nagising ako na ang sakit sakit ng ulo ko. Nakipag-away ba ko kagabi? Ang alam ko. Pumunta ako sa birthday ni steph ah. Nakainom bako kagabi? Bakit konti lang naalala ko? Paano ako nakauwi? Hindi naman siguro ako pinakilaman ng mga kumag nayon diba? Wait. Bakit iba na damit ko? Ano ba talaga ang nangyari kagabi.
“Oh. Freya gising ka na pala?” – ranz.
”Freya. Ikaw lang pala nakatira dito?” – owy.
“Buti hindi ka nalulungkot.” – biboy.
“Alam mo freya malapit lang bahay ni cav dito.” – oliver.
“manahimik ka nga ver.” – cav.
“Wait. Anong ginagawa nyo dito?” sabi ko sa kanila na medyo gulat. Sino ba ang hindi magugulat. Natulog ka na wala kang kasama. Pag-gising mo ang dami mo ng kasama.
“Dinadalaw ka.” – dalaw? May sakit bako. Pauso talaga ni ully oh.
“Paano nyo nalaman yung bahay ko at paano kayo nakapasok dito?”
“Dahil sakin.” Don ko lang nalaman na andito din pala si Athena.
“Athena naman kailan ka pa nagkaroon ng bodyguards?” – sabi ko naman.
“Kanina lang. ayaw mo non. Masaya kaya kung marami tayo.”- Athena.
“Kdot.” Yun nalang sinabi ko at dumiretso nako sa cr. Para maligo.
Ang pagkaalam ko sa mismong birthday ni steph. Makikilala ko yung dating leader ng gang. Dumating kaya yon? Wait. Ano nga bang meron at andito sila? Andito din si Athena. Wait. Ibig sabihin alam nya na uminom ako kagabi. Paano naman nya malalaman diba? Papraning ata ako. Bigla ko tuloy naalala yon.
Yung mismong araw na yon. Yung araw na kitang kita ko kung paano mag-alala si Athena, yung araw na yon ..
*FLASHBACK ~
“Freyaaaaa!” naririnig kong umiiyak si Athena.. sakit sa tenga dre.
“FREEEYAAAA! Please gumising ka!” ano bang problema nitong babae na to. gigisingin lang ako with matching iyak pa.
“Freyaaaa! Promise. Hindi na. hindi na natin uulitin yon!” – wait. Ano yung hindi na naming uulitin? Ano ba yung ginawa namin. Kagabi?
“Freya. Pleaseeee!!” – Athena.
“Ano ba Athena. Ang sarap sarap ng tulog ko. Istorbo!” – sabi ko naman habang kinukusot kusot ko pa ung mata ko.
“Freya. Gising ka!” – Athena.
“Hindi tulog.” – don ko lang napansin na nasa ospital ako.
“Athena. Bakit andito ako?” tanong ko. Ano ba nangyari ?
“Freya. Sorry kung napabayaan kita!” – don ko lang napansin na may bandage ung left hand ko. Sa may bandang pulso
.
“anong nangyari kagabi?” tanong ko.
“diba nga nag-inuman tayo kagabi. Pumunta lang ako sa kusina para kumuha ng ice pagbalik ko sa sala. Wala na! wala ka ng malay. Puro dugo na yung kamay mo. Freya ! promise hindi ko mapapatawad yung sarili ko. Sorry freya! Sorry.” – kaya pala sya iyak ng iyak!
“Sorry sa abala Athena.”
“okay lang Freya! Ako naman ang may kasalanan. Promise mo sakin na hindi kana iinom ha? Promise ko din. Hindi na mauulit to!” – freya.
“Promise!”
Sabi nga nila. Pagnag-laslas ka. Mawawala ang sakit na nararamdaman mo. Oo totoo yon. Pero hindi ko na uulitin yon. Handa na kong tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Wag lang ulitin ang salitang pag-lalaslas. Dahil ayoko ng mag-alala sya ng sobra dahil sa kalokohan ko.