CHAPTER 2- THE PAST.

787 11 3
                                    

FREYA’S POV.

Medyo gabi nako nakauwi. Ayos lang wala naman mag-aalala sakin. Tumambay muna ako sa may terrace at nagstargazing. Hmm. Ang lamig magpapasko na nga pala. Kaya malamig talaga pag-gabi na .. paskooo .. naalala ko na naman ung araw na yon. Ung araw na natanggap ko ang salitang SAKIT na hanggang ngayon e dala ko padin.

FLASHBACK*

Mamayang madaling araw na ang pasko. Excited ako kasi gusto ko ngayon ko sasabihin sa kanya. Sa araw na ito. Importante kasi sakin tong araw nato. Eto ang araw ng kaarawan ko at mamaya si Jesus na. Yay !

“Sigurado ka ba talaga freya” tanong ni Athena.

“Oo. Sigurado ako promise” sabi ko habang inaayos ung salamin ko at nagpupulbo ng madami para hindi mahalata ung tumpok kong pimples.

”AH. Eh bakit ang dami mo atang nilalagay na pulbo sa mukha mo” tanong nya ulet.

’Syempre. Para hindi Makita ung pimples ko dba” Sabay ngiti ko sa kanya.

“Ung braces mo. Bakit anjan padin?”  Napansin nya ata.

“Hm. Hindi pa pinapatanggal ng doctor e” Sabi ko habang inaayos ung buhok ko. Simple lang naman ung ayos. Nakatrintas ung buhok ko side by side.

“Ready ka naba”

“Yup. Reding Ready na ko” Ang suot ko? Simple lang. nakamahaba akong palda na lagpas tuhod at naka longsleeves. Ayos na rin naman ung buhok ko.

“O—KAY?” Sabi nya. Nakita ko naman din sya kagad.

”Hi Cav” Bati ko sa kanya.

”Hello?” Ang weird naman ng hello nya ..

”Cav. May sasabihin pala ako”  sabi ko.

“Ah. Ano yun? Pwede pakibilisan ?” may gagawin ata sya kaya nag-mamadali.

”Cav. Mah-“ Hindi natuloy yung sasabihin ko ng may narinig akong tumawag sa kanya.

”Cav. Pre” Sabi nung lalaking hindi ko kilala.

”Wui. Ngayon ko lang nalaman na nag-palit ka na pala ng taste sa babae” sabi nung isa pang lalaki.

”Girlfriend mo?” Sabi nung isa pa nilang kasama. Kaso hindi ko talaga inaasahan ung sinabi ni cav.

”Sino eto? Hindi no? ano ba kayo mga pre namamalimos lang sya. Kahit kailan hindi ako napatol sa mga pulubi. Eto manang oh. Barya po. Tara na nga mga pre.”  Sabay umalis na sila na nagtatawanan at ako naramdaman ko na tumutulo na ung luha ko.

END OF FLASHBACK

Naramdaman ko nalang na biglang tumulo ung luha ko. Kahit kailan hindi mawawala ang sakit. Akala ko mabait sya. Akala ko! Pero ngayon gusto ko ipamukha sa kanya na hindi dapat nilalait ang itsura ng isang tao. Malaking pasasalamat ko talaga na kaibigan ko si Athena at natulungan nya ko. Binago nya ko at binago ko din ang sarili ko. Ayoko na inaapi api ako. Matagal ng kinuha ng mga alien ang dating FREYA VALDEZ. Ang dating nilalait, inaapi, at laging tinutokso. Sumali ako sa isang gang. Hanggang sa ako na ang namumuno don. Wala na ung dating freya na laging present sa school freya na laging top 1. wala na. . .

------

Maaga ako nagising. May oras pa para mag-ayos para pumasok. Pero papasok nga ba ako? Tinatamad ako e. pero hindi ko alam kung bakit pero ginanahan akong pumasok ngayon. Bumangon nako at nag-ayos na. nakarating naman ako sa school on time. Matagal tagal na din na mangyari ulit to. ang ganahan ako pumasok. Pumunta na ko sa pwesto ko at nilapag ung gamit ko ng may mga grupo ng mga babae ang lumapit sakin.

“Hey!” Sabi nung babae na mukhang clown sa kapal ng make up.

”Baket?” Sabi ko.

”Pakidampot naman yung handkerchief ko oh!” sabi nya sabay turo sa baba. Tinalikuran ko lang sya sabay upo sa upuan ko.

”Bakit hindi mo kunin?” sabi ko. Nakakairita yung pagsasalita nya.  Ang sakit sa tenga.

“BWISET!” sabi nya na parang inis na inis. Haha nakakatuwa sya. Sarap nyang bwisiten.

Nag PE kami ngayon. Volleyball ang laro. Ang pinaka-ayokong laro. Pero wala magagawa kailangan kasali ka. Hiwalay naman ung boys sa girls kaya puro girls lang ang naglalaro ng volleyball at ang boys andon naglalaro ng basketball.

”Cav!” Narinig kong may sumigaw sa pangalan nya. Hindi ko alam kung bakit pero napatingin ako sa direksyon nila.

”FREYAAAA!” narinig kong may sumigaw pero pagtingin ko ..

”BOOGGGSSSHHH!” tumama ung bola sa ilong ko. Napansin ko din na naglalapitan na ung mga classmate ko. Medyo na hihilo na ko non.

”Ayos ka lang?” un nalang ang huli kong narinig..

------------------------------------------------------------------------------------

Pag-gising ko ang sakit at sobrang sakit ng ulo ko lalo na ung ilong ko. Pagkabangon ko. Kinabahan ako bigla . dug.dug.dug.dug.dug.

Matagal ko ng hindi naramdaman to.

“Ayos ka lang ba?” Tanong nya. Iniisip ko talaga bakit sya andito.

”Asan ako?”

”Nasa clinic ka. Tinamaan ka ng bola kanina e.” sabi nya.

”Ah. Okay”

“Masakit pa ba?” masakit ? oo at ikaw ang may gawa non!

”Pag nasaktan ba ang isang tao. Tingin mo ilang araw bago mawala ung sakit?” tanong ko sa kanya.

”Ah. Tingin ko ilang araw lang yan. Siguro by Friday wala na yan” sabi nya

”Oh. Talaga? Bakit yung akin matagal na pero andito padin!!” tumayo nako at lalabas nasana kaso my humila sa kamay ko ..

”San ka pupunta”

”babalik na sa classroom. Kung gusto maiwan jan. ikaw bahala” at lumakad na ko palabas. Lecheng puso to. makatibok wagas! Pinalo palo ko ung dibdib ko sa may bandang puso.

”Masakit ba?” Nagulat ako. May mga tao pala sa labas at ung mga barkada pa ni cav. Ang nandon ang chicser.

“Hindi!” at umalis na talaga ako.

Pagbalik ko sa classroom. Ang daming nakasulat sa blackboard. FREYYAAA IS FLIRT ! puro ganyan. Problema ng mga tao dito? Sabay nagsalita ung babaeng maarte mag-salita.

”Andito napala ang malandi?” sabay tawa sila ng tawa ..

”Malandi?” sabi ko. Malamang naman ako sino nilalandi ko?

”Oo. Ang landi landi mo kabago bago mo palang. May nilalandi ka kagad!” uso pala ngayon ang magbintang. Ngayon ko lang nalaman.

”ALAM NYO BA GUYS! ANAK NG POKPOK SI FREYAAA ! DIBA FREYA BABY. YOUR MOTHER IS A SLUT!” sama sinabi nya. Ngayon palang ako makakapatol sa isang babae. Sinampal ko sya kagad at hinila ung buhok nya.

“SLUT? NAGHAHANAP KA PALA NG SAKIT NG KATAWAN E!” Sabi ko sa kanya habang sinasabunutan sya.

”SUBUKAN NYONG MANGILAM DITO! MALILINTIKAN KAYO ISA ISA SAKIN. G@GO KAYO!” sabi ko pa. talagang gigil na gigil ako sa mga babaeng katulad nya.

”HEY! OUCCHHH! AHHH! GUYS HELP ME!” sigaw nya. Nabitawan ko lang sya ng may bumuhat sakin.

”STOP !!” sigaw ni cav.

”Kabago bago mo lang dito. Gumagawa ka na ng gulo.” Nice one ako pa ang mali ngayon.

”HIN-“ mag-sasalita na sana ako kaso ..

PROPERTY OF TRYNEWTHINGS.

A/N : guys comment like vote naman po kayo :DD

ayun lang. thanks ^____^

UNTOLD FEELiNGS - CHICSER FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon