Part 2

364 21 0
                                    

"He's Frinze Hartford. He's 25 years old, three years older than me. The unico hijo of Hartford Enterprising Company, as Mr. Principal said. He likes to play lego pieces, alone. He loves listening to music, particularly, love songs. Don't make an argument with him when he opens the fridge. He's playing lawn tennis."

Those are some characteristics of Frinze as Mrs. Hartford said, his mother.

Napatango tango na lang ako sa harap niya. Syempre, natandaan ko naman ang lahat ng iyon. For the sake na rin ng pagkikisama ko sa kanya.

"Just take care of him. Naiintindihan ka niya. Don't make a baby talk with him, tatawanan ka lang niya."

Hindi ko alam kung paalala ba yun o babala? Basta, napatango na lang ulit ako.

Paalis na sana siya nang may pahabol pa siyang bilin na medyo... ikinapagtaka ko.

"Oh nga pala, he loves to touch someone's cheeks. Take care," saka siya tuluyang lumabas ng kwartong ito kung saan kami na lang ang naiwan.

Yeah. I am here, with him.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya ng take care. Take care na ingatan ko ang unico hijo niya o take care na mag ingat ako?

I think the first one.

Then, I took my breath. I sighed. Pinapawala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ano ka ba! Kaya mo yan! You can do it! Andito ka na e! Wala nang atrasan ito! Go! Go!

Saka ako umikot at tumingin sa estudyante ko. But the time I laid my eyes on him... I was... froze at umatras na rin ata ang lakas ng loob ko at biglang dumagundong ang dibdib ko... sa kaba.

Our eyes met.

Hindi ko alam ang sasabihin ko nang magtama ang mga mata namin. His eyes. His brown-tanned eyes. His pointed nose. His plain, impassive face is looking at me. This fully, handsome man is staring at me.

Napalunok ako nang wala sa oras. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Ano na?! Ano na?! Hindi ako kumikibo. Pero sa loob loob ko, natalo ako! Natalo ako ng mga tingin niya.

Hanggang sa ibalik na niya ang pansin sa nilalarong lego pieces. Pinagpapatong niya ulit ang mga iyon at sa huli guguho lang ang toreng binubuo niya.

No! You can't quit! This is your job. To teach. You are a teacher. You must teach him! Now or never!

I composed myself. Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka umupo sa sahig, kaharap niya. Pero wala pa rin siyang respond sa ginawa kong paglapit sa kanya.

Hay naku! Hindi ako pwedeng pangunahan ng kaba. I need to do this or else sayang ang malaking sahod!

"H-hi, Frinze?" medyo bulol ko pang bati sa kanya. Hinintay ko siyang tumingin sa akin pero dedma. Wala. Na-hearzoned ako. "Ako nga pala s-si... Maki. You can call me Teacher Maki or else just Maki na lang," binigay ko ang pinakamalawak kong ngiti sa kanya.

Hanggang sa napatingin na siya sa akin. Yes! Nakuha ko rin ang atensyon niya! This is just the first step, Maki.

"Teacher Maki."

Yes! He said that! He called me! Step two! Then, let us know his likes.

"Frin----."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumunod niyang ginawa.

"Teacher Maki," as he cupped my face. Yeah. Hinawakan niya ako sa pisngi! Ano ba naman ito, kung hindi ko lang alam na autistic siya, baka mainlove ako nang wala sa oras sa ginawa niya. Noone does it before him. Eto pa! He smiled at me! His dimples deepen when he smiled at me! Ano ba naman to! Estudyante mo siya! Okay. Estudyante mo siya!

"D-do you want something, Frinze?" I tried myself not to look obvious that I'm nervous.

"Frinze wants to play lego with you?" sabay baba ng kamay niya sa pisngi ko at bawi na rin ng tingin. Napansin kong napatingin siya sa bintana tapos sa may pinto tapos sa may lamesa.

Teka nga? Ano ba talaga tinitingnan niya?!

"Do you want to play lego with me?" Ulit ko. Baka nagkakamali lang ng dinig. Sabi kasi ni Mrs. Hartford, hilig ni Frinze maglaro ng lego, mag isa? E bakit parang gusto niya akong isama?

"Yes, Teacher Maki," sabay tango niya habang nagpapatong ng mga lego pieces. Gumagawa na naman siya ng tore. "Ayaw mo bang makipaglaro kay Frinze, Teacher Maki?" sabay tingin sa may bintana ulit. "Okay lang kay Frinze, Teacher Maki, kung ayaw mo. Si Frinze na lang." Hanggang sa pinagpatong ulit niya yung natumbang tore.

Napangiti ako. "Hindi. Okay lang sa akin. Ano bang gusto mong gawin sa lego pieces mo?"

"Alam mo kasi, Teacher Maki, kanina pa dito si Frinze," aniya sabay kamot sa kanyang ulo at tumingin na naman siya sa may bintana. Ano ba meron doon? "Pero hindi magawa ni Frinze na pagpatung-patungin ang mga ito. Tutulungan mo ba si Frinze, Teacher Maki?"

Hinawakan ko ang iba niyang lego pieces. "Hindi ka ba kumportable kapag bukas ang bintana?" Naitanong ko. Kanina ko pa kasi napapansing panay ang tingin niya sa may bintana ng kwarto.

"Naku, Teacher Maki, hindi, hindi," sabay kaway-kaway pa ng kamay niya na nagsasabing hindi. "Okay lang kay Frinze na bukas yung... yung bintana," sabay turo niya sa may bintana.

Napangiti ako. "Akala ko kasi ayaw mong bukas yung bintana." Kinuha ko ang ilang lego pieces niya at pinagdikit dikit iyon sa harap niya. "Ganito yan, Frinze, dapat hindi mo lang pinagpapatong ang mga ito, dapat pinagdidikit mo."

Medyo natawa ako nang magkamot na naman siya. At parang disappointed siya sa sarili niya. "Ibig sabihin, Teacher Maki, mali si Frinze? Mali ang ginagawa ni Frinze? Kanina pa si Frinze dito pero hindi niya pa rin magawa e? Mali si Frinze? Mali?" aniya sabay tingin sa bintana, lingon sa may pinto at sulyap sa may lamesa. Para siyang balisa na hindi alam ang gagawin. Parang kasalanan ko pa tuloy kung bakit siya nagkakaganyan?!

Hinawakan ko siya sa balikat na ikinatingin niya sa akin pero binawi niya agad. "Hindi, Frinze, okay lang yan. Tuturuan kitang gawin ito."

"Talaga, Teacher Maki?" Nakita kong lumuwag ang kanyang ngiti pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakangiti siya sa may bintana. "Tuturuan mo si Frinze? Alam mo kasi, Teacher Maki, nahihirapan na si Frinze. Lagi na lang siyang nasisira."

Tumango tango ako. "Gayahin mo yung gagawin ko ha. Madali lang naman yan e."

Ngumiti na siya, sa akin. "Madali lang naman ako matuto e, Teacher Maki, promise!" Tinaas taas pa niya ang kanang kamay na para bang nanunumpa.

"O, sige, sige."

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon