KABANATA 11

2.7K 11 0
                                    

 Los Baños
Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan Heneral.

Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.

Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin.

Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.

Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo.

Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay dahil sa pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan.

Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing marami raw baril ang mga tulisan.

Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga sandata.

Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang raw ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila.

Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”

“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.

“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.”

Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.

Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito ang nasunod.

Sumunod na pinag-usapan ay ang paraalan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan Heneral.

Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y makakaepekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mga Indiyo.

Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay na iyon.

Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa na ang pagkain.

Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si Juli ay tatlong araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno.

Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Heneral.

EL FILIBUSTERISMO ( BUOD ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon