part 8 : when you made her feel your love

6 0 0
                                    

Sabado kaya halos tanghali na ng magising si Emma. May nag text sa kanya na may promo daw ngayong hapon sa AirPac kaya dali dali niyang tinawagan si Baste pero di eto sumasagot.

Emma texted: Hey Bash, may promo daw sa Airpac mamaya, mag book na tayo.

Di nagreply si Emma kaya tinawagan nalang niya eto. Nag ring lang pero walang sumasagot.

Pinuntahan ni Emma si Baste sa bahay nila pero wala eto sabi ng helper nila ay pumunta daw sa bahay ni Dave. Dali namang dumerecho si Emma sa bahay nila ni Dave.

Emma: Oy Bash bakit naman di ka sumasagot sa tawag ko?

Baste: Wait, hala where's my phone?

Dave: Hi Emma. Bakit ngayon ka lang?

Emma: Bakit ngayon kung kailan ang aking puso, mayron ng iba?

Dave: Loko. Seryoso bakit ngayon ka lang?

Emma: Anong ngayon lang?

Emma: Hala, yung poster. Diba yan yung binigay mo sakin Bash tapos hiningi mo Dave.

Emma: Eh kasi first time ko nakapasok dito sa room mo.

Emma: Grabe ha.

Dave: Hahahaha

Dave: Tapos sinabi ko, ililibri kita ng ice cream.

Dave: Tapos si Baste yung kumain.

Emma: Those were the days.

Emma: Pero wait, anong ngayon lang?

Baste: I forgot to tell you, pupunta dapat tayo dito para mag book ng ticket, nag text kasi si Dave kanina may promo daw.

Emma: What a coincidence?

Emma: Yun din yung pinunta ko dito.

Emma: So game na?

Dave: Game na.

Dave: Ilang days tayo don?

Baste: 3 days lang oy.

Baste: Camiguin is just a very small island guys, maiikot na siya kahit one day lang.

Emma: Bash?

Baste: Wait.

Baste: Sorry.

Baste: So meaning game ka na din pumunta sa Dad mo?

Dave: Wala namang mawawala sa akin kung yes pupunta tayo don.

Dave: At if balewala sa kanya, mas balewala sa akin.

Ilang oras ang lumipas ay na book na nila ang mga tickets nila.

Emma: Excited na ako guys.

Emma: Pero ang tagal pa naman ng March.

Dave: Malapit na kaya.

Dave: 4 months na lang yan.

Baste: Sinking fund tayo para sa budget natin don.

Baste: Try mo kayang contakin yung Dad mo baka maka stay tayo sa kanila.

Dave: Andami kaya nila.

Emma: Basta Day 1 don, puntahan agad natin siya.

Emma: Malay mo, mansion na pala bahay nila Dave.

Baste: Oy Dave baka gusto mo ng tumira don ha.

Emma: What if nga?

Dave: Walang ganon, baka nakalimutan niyo guys.

Dave: Ilang taon ko siyang di nakikita at nakakausap.

Dave: That does not mean, one day magkita kayo, biglang okay na lahat.

Baste: Emma, pag nagka anak tayo tapos nag aaway tayo, anong gagawin mo?

Emma: Anong pag aawayan natin?

Baste: Malaki.

Baste: Aalis ka at iwan sa akin yung bata, or aalis kayo?

Dave: Syempre dadalhin nya yung anak niya.

Emma: Di pa ako ready Bash, baby agad.

Baste: Hypothetical nga lang eh.

Emma: If maging ina ako, i'll be mother first, always.

Emma: At pag nagloko ka, sos Bash, magtago ka na.

Baste: Pano pag ikaw nag loko.

Emma: Di ko alam.

Emma: Siguro dadalhin ko pa din yung anak ko.

Dave: Sabi ng mama ko, lagi ko daw sinasabi sa kanya na 'Ma, Bakit ka naman di pumayag isama niya ako.'

Dave: Tapos sabi ni Mama 'Anak kasi di ko kayang wala ka.'

Dave: Pero yung totoo, wala naman siyang balak dalhin ako.

Emma: Seryoso?

Emma: You know what?

Emma: Abort mission na.

Emma: That person is not worth our time.

Baste: People change Emma.

Baste: That was a million years ago, malay mo nagbago na siya.

Emma: May point ka.

Dave: Kaya nga guys, tingnan nalang natin.

Dave: Pag okay, okay.

Dave: At pag hindi, life goes on.

Malapit ng dumilim kaya umuwi na si Emma at si Baste sa kanilang mga bahay.

Habang naglalakad pauwi ay nagkwentuhan ang dalawa.

Emma: Can we promise to each other na pag nasimulan na nating magkapamilya, habangbuhay na yon?

Baste: ( smile )

Baste: Can you?

Emma: You know me.

Emma: Of course kaya ko. I mean walang sure na future pero alam ko sa sarili ko, kaya kong tiisin lahat para sa pamilya.

Baste: Then I promise.

Baste: I love you Emma and I don't want us to be like that.

Baste: Do you think Dave is sad?

Emma: ( nods head )

Emma: Emo emo kaya yung mokong na yon.

Emma: Pero I think masaya naman siya ngayon.

Emma: Specially recently.

Emma: Lakas ng awra.

Baste: Tingin mo, suicidal siya?

Emma: Bakit mo natanong?

Emma: May sinabi siya sayo?

Baste: Wala naman.

Baste: Baka kasi darating sa point na di niya makayanan yung pagiging emo nya.

Emma: Then we'll be there for him.

Dear Paper HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon