part 11 : when we met again

5 0 0
                                    

Sa school sa Programming class nila since classmate pa din sila, walang kibuan si Dave at si Baste pero nag uusap naman sila. Nagtaka na naman si Emma sa dalawa. Pagkatapos ng klase ay tinanong ni Emma kung bakit sila tahimik.

Emma: Ang tahimik ah.

Emma: Kumusta pala bakasyon niyo guys?

Emma: May naputukan kapitbahay namin.

Dave: So sino bang nagsabing swerte ang paputok?

Dave: Mga negosyante lang sinwerte diyan.

Emma: Tama ka Dave.

Baste: Kumusta si Bruno nung new year Dave?

Emma: Uu nga Dave, diba last year na suffocate siya. Then sa noise also.

Dave: Kakatawa nga kasi pina suot ko siya ng noise cancelling headset.

Emma: Wow ang cute.

Dear Paper Heart,

As expected, awkward nga yung first meeting natin this year. Pero buti pa si Bruno kinumusta mo. Pero bakit parang di ka na masyadong tumatawa? Gusto ko tuloy isipin na dahil nalungkot ka sa nangyari sa atin. But of course not, baka pagod ka lang dahil sa bakasyon at nakulangan ka.

Nasa library sila ni Emma and Dave dahil gumagawa sila ng assignment nila sa Physics.

Emma: Ok lang kayo ni Baste?

Emma: Parang di kayo nag-uusap?

Dave: Grabe siya.

Dave: Nag-uusap nga kami kanina.

Emma: Oh, akala ko may war kayong di ko alam.

Emma: Do you think tatagal kami ni Bash?

Dave: Don't you think?

Emma: Hala, I want your honest opinion.

Dave: Diba sumigaw kayo don sa Love on Top, yun na yun.

Emma: Oy sila ni Gemma at James nga every monthsary pumupunta don.

Emma: Anyare na?

Dave: Eh baka magkikita sila next 3 years again.

Dave: ( singing )

Dave: Then maybe this time, it will be love in the stars.

Emma: Kumanta kapa, mali mali naman lyrics at tono.

Dave: But it changed the topic.

Emma: So you don't think magtatagal kami?

Dave: I think that marami pang mangyayari kasi ang bata niyo pa.

Dave: And I believe you Emma are very strong that no matter what happens next, you can make it.

Dave: And I thank you.

Emma: Uy alam mo bagay sayo maging Ms Gay.

Dave: Loko.

Nagkwentuhan pala kami ni Emma, she asked me if tatagal ba kayo. Di ko alam kung ano ang isasagot ko pero I am sure tatagal kayo. You love her that much you will do everything not to let her slip away. At if gusto mo talagang magka pamilya, abay dapat si Emma na lang. I will hate you talaga if kahit sino na lang yung pakasalan mo.

May mga times sa klase na biglang kumakanta si Baste at nakikinig lang si Dave. Di niya ito inaasar na dati ay ginagawa naman niya.

Baste: ( singing )

Baste: If ever you're in my arms again, this time i love you much better.

Narinig na naman kitang kumanta kanina kaya nasabi ko na naman sa sarili ko na baka pinariringan mo na naman ako. Diba kinanta mo dati yung How Can I Tell Her About You dati, tapos yung lyrics tamang tama. I googled the lyrics of If Ever You're in my Arms Again, and it implies that someone wants you back at this time better na. Gusto ko talagang maniwala na para sakin yun. At saka yung Officially Missing You last week. Naku.

Then nakita ko kayo kanina nung bibili sana ako sa canteen. Umalis nalang ako at pumunta sa library. Ang gulo noh? Gusto ko kayo ni Emma na mag last pero ayoko kayong makitang masaya. Kaya for now, pipikit muna ako.

PS: If Ever Your In My Arms Again is on repeat.

Sincerely yours,

Stone Heart

Valentines day na kaya lumabas na naman ang pagka bitter ni Dave.

Dear Paper Heart,

Another Valentines Day to avoid. Every valentines talaga nasestress ako. Bakit pa kasi may pa ganito pa to. I'm sure it's just a good day for business. Madami kasi mga tindang bulaklak ang magkakaubusan. Mga motel na ang haba ng pila. Mga chokolateng ang papait naman. Halata na tuloy yung pagka bitter ko.

Binitter mo kasi ako.

Na reminded si Dave last Valentines Day dati na hindi pa magsyota sila Baste at Emma, nasa restaurant silang tatlo.

Emma: Guys pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Dave: Ang ganda mo kasi.

Baste: Inggit sila sa threesome natin.

Emma: Well baka next Valentines guys may mga jowa na kayo tapos ako nalang yung mag-isa.

Baste: Mag katol ka nalang para di ka lamokin.

Baste: Pero pwede namang tayo nalang.

Baste: ( smile to Emma )

Dave: ( sad smile )

Kung dati tayo tatlo yung nag lakas loob mag reserve ng table last Valentines, ngayon kayo nalang. Di na kayo pagfifiestahan. Don't worry may plano din naman ako. Pupunta ako sa Love on Top. Isisigaw ko yung name mo don hanggang ma paos ako, diba nag pramis ako? So bukas baka di ako makakapagsalita na.

Flashback sa time na naglalakad silang Dave at Baste pauwi galing school, before last Valentines Day.

Dave: Ang OA lang talaga noh?

Dave: Pa flower flower, tapos chocolates, tapos nalalanta lang naman.

Baste: Alam mo napaka bitter mo talaga.

Baste: Syempre masarap sa pakiramdam yun.

Baste: Yung feeling na importante ka.

Dave: Kung importante, dapat araw araw.

Baste: One day lang yan Dave, one day.

Pero kahit di ako magsasalita, malalaman mo naman kung ano ang gusto kung sabihin. You always know how I think kaya siguro nakakamiss talaga. Wala ng magsasabi sa akin ng 'Smile' kase na halata mo ng naka simangot ako. Wala ng magsasabi sa akin na pangit ako kung may iniisip. Mas pangit ka pa.

Okay lang ba kung i ukit ko name natin doon?

Joke lang. Hahahaha.

Meanwhile si Emma ay excited na sa date nila ni Baste. Ready na ang isusuot niya at yung gift niya para kay Baste. Ready na rin yung card niya na ibibigay para sa bf niya.

Malapit ng dumilim kaya nag ready na din si Dave sa bike niya. Papunta na siya sa Love on Top pero may isang sasakyan na biglang sumulpot habang pa liko siya. Tumilapon si Dave at ang bike niya sa kalsada.

Black screen.

Dear Paper HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon