Waiting Shed with Wi-Fi

9 0 0
                                    

“Happy first hoursary, baby. I love you so much! Hindi ko kakayaning mabuhay nang wala ka. Huwag mo akong iiwan, ha?”

Putanginang 'yan. HOURSARY tapos hindi-kayang-mabuhay-nang-wala-ka agad ang peg?! Nahiya naman ako sa parents ko na tatlumpung taon nang nagsasama, eh, nagbabatuhan pa ng electric fan with extension! Ano 'yan?? Naranasan na ba nilang mangilid ang mga luha habang sabay na pinapanood si Landon na ngumawa sa tatay niya dahil mamamatay na ang girlfriend niyang si Jamie?! Nag-HHWW na ba sila sa gitna ng EDSA at sabay na hinarap ang mga sasakyang sumusubok sa katatagan ng kanilang pagsasama?! Naranasan na ba nilang sumakay sa wrecking ball no’ng minsang naghiwalay sila dahil hindi Directioner si boypren?! Sumakay sila sa Titanic at magpakalunod silang dalawa, walang Rose na matitira sa ending para magkuwento; baka maniwala pa ako!

Pigilan n’yo ko, pigilan n’yo ko. Hutaenang 'yan! Ang aga-aga—mga two thirty-three PM--binubuwisit ako ng mga hinayupak na 'to! Nandito ako ngayon sa waiting shed na may Wi-Fi sa EDSA na imbento ng kung sinong henyo na kapag naglabas ka ng cell phone, eh, para kang namigay sa hold upper na ibebenta sa kapitbahay n’yo ang nanenok niya na siya namang bibilhin mo dahil tanga ka. De, joke pero medyo totoo. May mag-jowa kasi dito sa tabi ko at sa hindi ko malamang dahilan, eh, dito pa yata nagse-celebrate ng hoursary. Like, emenggard! Ang poor, ha! Like, duh! So dukha!

“Hoy, Laya. Wala nang Flappy Bird. Hindi na kinaya ng developer kaya p-in-ull out sa Playstore. Bakit ba mukhang bad trip ka na naman? Ganyan ka lang naman kapag hindi mo ma-beat 'yong score mong 3 sa Flappy Bird, ah? Huwag mong sabihing nakakita ka na naman ng lalaki?”

Kahit kailan talaga 'tong si Jojo, napakaatribida! Oo, atribida agad! Best friend ko siya. Wala, eh. No choice.

“Puwede ba? Kada sisimangot ako, Flappy Bird agad? Gusto mong gawin kong flat 'yang joga mong parang likod na may dalawang munggo?” I said seductively.  Charot. I said lang.

“Por que ba parang plastic balloon na hinipan ni Batista 'yang joga mo, maangas ka na? Tandaan mo, Laya: lollipop ako, hipon ka lang,” sabi ni Jojo na haggard na haggard. (Babae si Jojo. Joselie, for long).

“Ang lollipop, dinidilaan lang. Ang hipon, unti-unting binabalatan; sabik na sabik ka nang kainin pero babalatan mo with gigil para lang makain. PINAGHIHIRAPAN. Tapon-ulo? Think again. Dahil ako, kapag kumakain ng hipon, kasama pati buhok,” sabi ko with passion habang nakataas ang kilay, puwede na ngang gawing shed.

Hipon daw ako?! Ay, Pucca featuring Tweety Bird! MAGANDA. AKO. Nothing follows.

“I love you too so very major much, baby. Hindi kita iiwan puwera na lang kung hindi mo isuko ang Bataan. JOKE! Hahahahalabyu, baby!” narinig kong sabi n’ong pesteng lalaki na nagse-celebrate ng hoursary with his jowabels under this sosyal waiting shed. Two thirty-six PM na. Paki-compute nga kung ilang minuto na ang lumipas. Hindi na valid ang hoursary nila. Baka magbatian na 'to ng “happy hoursary and six minute-sary, baby.”

Hindi na tuloy nakasagot si Jojo kasi nasa mag-jowa na ang atensiyon ko with gigil. Kahit naman sumagot si Jojo, hindi ko naman na papansinin. Pustahan, isang linggo 'yang mag-iisip ng panopla sa theory ko tungkol sa pagiging hipon ko.

So much for that, lumapit ako sa mag-jowaboom-boom pow. Nakangiti sila with cavities nang lingunin ako. Siyempre, nginitian ko rin sila nang pagkalawak-lawak---malawak pa sa C3 road. Pumipintig ang cornea ko dahil nahihiklat na ng bibig ko sa sobrang lawak ng pagkakangiti ko.

“Yes?” tanong sa 'kin n’ong girlash. Namumungay pa ang kanyang mga matang kakikitaan ng sintomas ng sore eyes. Ang sarap bakbakin with passion using kalaykay.

“Happy one hour and seven minute-sary. Heart-heart,” sabi ko habang nakangiti ang mga mata pero nagngangalit ang mga ngipin.

“Oh, no problem. No sweat,” nakakakilabot na sabi ng pawis na pawis na guy jowawers. Hanodaw?? No problem? Wala akong matandaang nagpasalamat ako dahil nag-e-exist ang katulad niya sa mundong 'to! At, no sweat? Ano’ng tawag niya sa butil-butil na pawis niya sa ilong at sa hairline? BEANS?!

Can't Be TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon