Iniisip ko din kung bakit ko kailangan umiyak
eh hindi ka pa naman patay?
e yung puso ko nga nung wasak,
di ka manlang nakiramay.masyado siguro akong nagpabilog sayo?
akala ko kasi lahat ng sinabi mo totoo
yun pala ikaw ay nakikipaglaro!
kaya ayun! talo ako.di naman ako bola,
pero bat mo kaya ako pinaglaruan?
siguro dyan ka sumasaya,
pag madami kang nasasaktan.di naman ako bola
na kailangan mo pang makipag-agawan
at pag na foul ka
bigla mo nalang bibitawan.kasi ayun,
ayun ang nangyari.
nung ako'y iyong binitawan,
ako yung luhaan.
BINABASA MO ANG
Huli
PoetryHuling patak, Huling gabi. Huling sayaw, Huling Ikaw. Yan ang patunay Na saki'y gumagabay At tapusin ang kwento Na gustong ipamagahi ng aking puso.