Huling Ikaw

78 6 2
                                    

Pwede ba kitang makausap?
Kahit saglit,
gusto ko lang mangarap
na ikaw yan ulit.

Gusto ko lang balikan
yung nakaraan
na baka sakali
hindi yun mawaksi.

Gusto kong malaman mo
na saakin, lahat yun totoo.
Sana pati sayo,
Dahil baka mas madurog ang puso ko.

Patuloy akong nauuhaw
ngunit di ko kayang maisigaw
gusto kong bumalik ang dati nating ilaw
Muli akong hihiyaw.

Pwede ko ba uling madama?
Ang pag-ibig mo, sinta?
Pwede ko bang maranasang muli ang yong galaw?
At muling makapiling ang Huling Ikaw?

HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon