5

413 8 3
                                    

Freya's Point of View

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at ang una kong nakita ay ang puting kisame nito at ang puding pader ng silid. Kulay palang nito ay malalaman mo ng Hospital ito.

Bumangon ako sa pagakakahiga at umupo sa higaan ng hospital na ito.
Nakita kong nakaupo sa sofa si Daddy habang may binabasang dyaryo at si Thea naman ay nakaupo katabi ng hinihigaan ko at nakadukmo ito

Gumalaw ito sa pagkakadukmo at nagising

"Bes! Gising ka na. Okay ka lang ba?"
Natatarantang sabi nito at umayos ng upo

"Anong nangyari ?" Tanong ko rito imbis na sagutin ang tanong nito.

"You're awake now Freya" malamig na sabi nito at tumayo at naglakad papunta sa pwesto namin ni Thea

Kinabahan naman ako at yumuko lang habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Napaangat lang ako ng tingin nang bigla nitong binagsak ang dyaryo sa paanan ko na kanina pa nito binabasa.

"Freya! What happened to you!? Ganyan ba kita pinalaki ha?" Kumunot ang noo ko sa pagsumbat ni Dad sa akin. Ano bang sinasabi nito?

"What? Ano na naman bang ginawa ko!?" Pati ako ay naiinis na dahil sa panununbat sa akin ni Dad. May mali na naman ba akong nagawa? Napatingin ako kay Thea na naluluha na rin. May alam ba siya rito?

"You are such a--" naputol ang sasabihin ni Dad nang dumating ang Doctor at sinara niya ang pinto nang makapasok na ito. Ngumiti ito sa amin at lumapit sa pwesto ko

"Freya, how are you? Are you feeling well?" Nakangiting tanong nito sa akin at sinuklian ko naman ito ng ngiti

"Yes Doc. May problema po ba?" Tanong ko rito at ngumiti muna siya bago sumagot

"Wala naman. May iilang payo lang ako sayo Freya lalo na sa kondisyon mo ngayon" nakangiting sabi pa rin nito sa akin at napatingin kay Dad

"Akala ko po ba magaling na ako? Ano po ba talagang problema?" Naguguluhan kong sabi at tumingin ako sa dereksyon ni Thea na nagtatanong rin ang itsura ko pero yumuko lamg ito

"Dederetsuhin na kita Freya. You are 2 weeks pregrant Freya and-" pinutol ko ang dapat na sasabihin ni Doc

"Pakiulit nga po Doc. Ano nga po ulit yun?" Pagtatanong ko ukit sa kanya just to make sure kung mali lang ba ang nadinig ko

"You are 2 weeks pregnant Freya and avoid too much stress okay? You should eat fruit and vegetables. Lagi mong iinumin ang irereseta ko sayong gamot okay? Para healthy kayo ni baby. Maliwanag?" Payo nito sa akin.

Napatingin ako kay Thea at nakayuko lang ito at parang kinakabahan. Tiningnan ko rin si Daddy at nagtiim bagang ito na konti nalang ay manunutok na ito ng tao.

"Ako? Buntis!?" Tanong sa sarili ko in my mind. Di ako makapaniwala. Tiyak na disappointed si Daddy sa akin. Lalo na naman dadagdag ang galit nito sa akin. But this baby is a blessing in disguised

"Ah doc can leave us for a sec.?" Sabi ni Daddy habang nakatingin ng masama sa akin. Tumango lang si Doc at lumabas na

"Who's the father Freya?" Maikling tanong nito sa akin habang ganun pa rin ang tingin nito sa akin

"I-i don't know D-dad" nakayukong sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko sa kaba.

"You don't know? Then why? Bakit ganito Freya? Ganyan ba ang pagsukli mo sa lahat ng ginawa ko para sayo?" Tila nanlulumo ito at malapit ng maiyak. Di ko naman ginusto to eh

Napaiyak na rin ako at sinubukang hawakan ang kamay nito pero tinabig niya lang

"I have no daughter like you! I am very disappointed Freya!" Sigaw nito sa galit at napahawak sa noo nito.

"I'm so sorry Dad" paghihingi ko rito ng tawad

"Sorry?! Sorry?! Akala mo ba madaling tanggapin yan? Bastardo yan paglaki Freya!" Sabay turo nito aa impis kong tiyan. Napahaplos naman ako rito. Baby don't worry I am here.

"Dad! I know you're mad at me. Yes i can take that. But to my Baby?! You can't. Kung ayaw mo samin, ayaw ka rin namin!" Nagulat ako ng sinampal ako nito. Agad namang lumapit sa akin si Thea at niyakap ako habang umiiyak na rin siya

"Tito tama na. Mabuti pa, umuwi muna tayo" pagiiba nito ng topic at wala namang nagawa si Dad kundi ang naunang lumabas ng pinto

"Are you okay Freya? Don't worry nandito lang ako di ko kayo pababayaan ng inaanak ko" pagaassure nito sa akin at hinalikan ang ulo ko.

"Inaanak? Bakit sinabi ko bang magiging ninang ka nito?" Pagbibiro rito at tinaasan ng kilay

"Ouch ah. Grabe ka no. Sa ayaw at sa gusto mo ninang niya ko hmp!" Sabi nito at may pakunwari pa itong nakahawak sa dibdib nito na prang nasasaktan talaga. Napangiti naman ako rito

"Oo na. Thankyou bes ah kasi nandito ka lang lagi para sa akin" nakangiting sabi ko rito at niyakap siya

"Walang anuman bes. O siya, tara na at nang makapag pahinga ka na" sabi nito at inalalayan akong tumayo

~~~

Nakauwi na ako ng bahay namin at wala si Thea ngayon dahil may emergency sa bahay nila. Naiintindihan ko naman ito at kaya ko naman ito ng magisa

Pumasok na ako ng bahay at paakyat na ko ng hagdan ng biglang nagsalita si Dad sa likod ko. Napaharap ako rito

"Get out of my house! I don't have a daughter like you!" Nandidiri itong tumingin sa akin at tinataboy nito gamit ang kamay nito.

"Dad dahan dahan naman! May bata sa sinapupunan ko!" Sigaw rito at iwinaksi ang kamay niya sa braso ko

"If you can't bring the father of that baby here, you can't come back here anymore. Understand?!" Galit itong nakakuyom ang mga kamay habang hinahatid ako nito papalabas ng bahay

"Kahit na makita ko man tatay nitong dinadala ko. Di ko na babalaking bumalik pa rito sa bahay niyo! Because I cannot stand it anymore!!" Sigaw ko rito sa pagmumukha niya. Tinulak naman ako nito at buti nalang ay nakabalanse ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pake kung nagmumukha na kong masamang anak.

"It's okay then, you are such a disgrace of this family!" Huling sabi nito at pumasok ng bahay.

Naiwan ako ritong luhaan at nagsimula nang maglakad. Tumawag si Thea sa akin at kinapa ko ang pantalon ko at kinuha ang Cellphone ko para sagutin. Huminga muna ako ng malalim bago ito kinausap

"Hello?" Sagot ko rito ito at pinunasan ang mga luha ko

"Bes! Okay ka na ba? Nasa bahay ka na ba?" Sunod sunod na tanong nito. Napangiti naman ako ng pilit

"Oo naman bes. Okay na ako. Magpapahinga na ako bes ah?" Tumango ako rito kahit di niya nakikita

"Sigurado ka? O sige pahinga ka na wag mong pababayaan yang sarili mo at ang inaanak ko" paala nito at tumawa pa.

" oo na haha sige bye" binaba ko na ang telepono ko at namalayan ko nalang na dinala ako ng mga paa ko sa maliit na coffee shop. Pumasok ako rito at umupo.

"May I take your order ma'am?" Tanong ng waitress sa akin nang nakangiti

Ngumiti ako rito ng pilit bago ito sinagot

"Coffee lang akin" sabi ko rito at umalis naman ito. Maya maya lang ay dumating na ang order ko at sinimulan ko ng inumin ito

Malapit na akong matapos sa iniinom ko nang napansin kong may mga pares ng sapatos ang nakatayo sa harapan ko

"Finally, i have found you" napaangat ako ng ulo sa nagsalita. A baritone voice na nagpatindig ng balahibo ko. Those voice....

Nagulat ako sa kung sino ang nakatayo sa harapan ko ngayon. No, it can't be

"Miss me babe?" Nakangising sabi nito at napalunok naman ako ng laway. I'm doomed

Owned By A Billionaire (Suave Series 1) Where stories live. Discover now