7

264 5 3
                                    

Freya's POV

Naalimpungatan ako sa alarm ng telepono ko. Papikit pikit akong tumungo na sa banyo at buti na lamang di ako nabangga. Mahirap na baka kung mapano pa ang baby ko.

After 20 minutes.....

Natapos na rin ako maligo. Ugali ko na talagang maligo sa umaga lagi pagkagising masarap kasi sa pakiramdaman eh. And yeah, matagal rin akong maligo ano.

Hinila ko palabas sa ilalim ng kama ang maleta ko at kumuha ng damit ko.  Maong jeans at white t-shirt na pinatungan ko ng checkered na jacket ito at pinaresan ko ito ng white rubber shoes and viola! Ayos na ang suot ko ready to go na.

San nga ba ako pupunta?

Sa malamang maghahanap na ako ng matutuluyan ko ayoko namang manatili pa rito kasi stranger pa rin siya para sa akin.

"stranger ba kamo? Eh nakabuo na nga kayo!" sigaw ng utak ko.

"kahit na! Di naman kami close no!" awat ko rito bahala na. Basta aalis na ako rito baka nga may pamilya na tong lalaking to eh!

Napag-pasyahan ko ng lumabas ng kwarto kasama ang maleta ko at bumaba na. Nandito pa lamang ako pababa ng hagdan, nakita ko na si knight na nakaupo na at may nakahain ng pagkain rito. Napansin rin ako ni manang kaya tinawag niya ako.

"oh! Hija, halina't maupo ka na at kumain" pag-aalok nito sa akin. Ngumiti ako rito at napabaling ang tingin sa lalaki. Nakatuon pa rin ito sa binabasa niyang dyaryo.

"hindi na po manang. Aalis na rin po ako habang di pa po masyadong tumitirik ang araw." nahihiya kong sabi rito at ngumiti.

Kumunot naman ang noo niya sabay bumaba ang tingin sa maleta sa tabi ko.

"aalis ka hija?" may bahid na lungkot ang boses na ani to?

"opo eh mauna na po ako pasensya" nakatalikod na ako at palabas na ng kusina nang napatigil ako sa biglang pagsalita ng lalaki.

"And where do you think you're going?" nanigas ako sa pagkakatayo ko nang marinig ko ang malamig na sabi nito.

Wala akong magawa kundi ang humarap dito at nilabanan ang malalamig niyang mata na nakatitig sa akin.

"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin pansamantala pero kailangan ko ng umalis eh. Maghahanap nalang siguro ako ng mauupahang bahay"sinubukan kong tatagan ang loob ko dahil ewan ko ba, nakakaintimidate ang presensya niya

"you think i will allow you to leave this house?" napalunok naman ako at nangunot ang noo sa sinabi niya.

"nakakahiya naman kasi diba kung titira ako dito" may bahid ng inis sa boses ko. Ang dami kasing tanong ng lalaking to eh.

"No. You'll stay here in this house with me" nagulat ako sa huling sinabi niya. Kasama siya? Nahihibang na ba siya?!

"sa malamang bahay niya to!"

"Wag na, maghahanap nalang ako ng apartment ko" hindi niya ako pinansin ako nilipat sa ibang pahina ang diyaryong hawak niya. Bastos tong lalaking to ah!

"still no" matigas na sabi nito na nagpapahiwatig na pinal na ang desisyon nito.

Bakit ba ang kulit niya?! Gusto ko na nga umalis sa bahay na to mabuking pa ako sa sekreto kong to.

Owned By A Billionaire (Suave Series 1) Where stories live. Discover now