6

278 8 2
                                    

Freya's

Napaiwas ako ng tingin sa malamig niyang mga mata na nakatitig na ngayon sakin. Ano bang ginagawa ng lalaking to dito? Like what the hell paano niya nalaman na nandito ako at paano niya ako namumukhaan?!

"ah, you're saying something?" patay malisya kong sabi rito at sinubukang tingnan siya sa mga mata niyang kulay abo pero saglit lamang iyon dahil di ko malabanan ang pagkakatitig niya sakin.

Kulang nalang parang malulusaw na ko sa pagkakatitig niya. Geez what's with him? He's so tempting and attractive. Pinilig ko ang ulo ko sa isipan sa naisip ko. Yumuko na lamang ako para mabawasan man lang ang pagkailang ko rito.

"oh come on babe, I know you know me hmm?" prenteng umupo ito sa upuan sa harapan ko.

"Excuse me? Do i know you Mister?" pagtataray ko rito. Nagpanggap na lamang ako na di ko siya natatandaan baka nga may nobya na ito or worst asawa pa mahirap na. Ang gusto ko lang naman ay maubos na ang coffee ko at humanap na ng matitirhan dahil alam kong pagod na rin ang katawan ko para sa araw na ito.

"wag ka ng magmaang-maangan diyan because I still remembered what we have shared last week." nakangising sabi nito sa akin na ikinapula ng pisngi ko.

Ganito ba talaga siya? Walang preno kung magsalita eh. Akala niya ba kami lang ang pwedeng makarinig sa mga sinasabi niya? Sarap batukan  nito. Saka wala siyang karapatang umupo dito fyi lang, table ko kaya to ang daming bakante, dito niya pa talaga naisip na umupo tsk.

"ano bang kailangan mo?" mahina ngunit may diin sa pagkakasabi ko sa kanya. Ewan ko ba at naiinis ako sa pagmumukha niya lalo na sa presensya niya. Ang tahitahimik ko dito tapos mambubulabog lang siya? Kainis!

"mag-order muna tayo bago pag-usapan ang kung anong atin" seryosong sabi nito at tinawag na nga ang waitress. Yeah, waitress at pag sinabi kong waitress, may kasama pang pagpapacute tsk. Di bagay ni ate.

Napairap ako sa kanila bago umalis yung waitres. Napatingin ako sa direksyon niya at nagulat ako nang nakatingin pala ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa gilid para matago ang pamumula ng pisngi ko. Shit what is happening to me?

Maya maya lang ay dumating na ang order niya. Yes order lang niya damot e! Humigop siya sa coffee na inorder niya. Namutawi ang katahimikan sa pwesto namin. Seriously? Ano ba talagang pakay niya? Istorbo masyado eh

"so ano na? May pupuntahan pa kasi ako" inip na inip na ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at napagtantong alas tres na pala ng hapon. Kailangan ko na talagang makahanap ng matitirhan pansamantala. Bakit pa kasi ako pinalayas sa amin bwiset.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin bago tumayo sa inuupuan dahil maghahanap pa ako ng matitirahan. Pagod na ako sa araw na ito ang nasa isip ko na lang ay humiga at matulog nang matulog pero ang lalaking to ay bigla nalang hinablot ang braso nang tinangka kong umalis na.

"What?" pinukaw ko siya ng masasamang tingin pero di man lamang siya natinag sa kinatatayuan niya.

"let's get out of here first babe" walang sabi sabing hinila niya ako palabas ng coffee shop at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Edi siya na mayaman.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at di sumakay sa kotse niya. Alangan namang sasama ako sa kanya ngayon lang naman kami nagkakakilala no.

"ngayon lang ba talaga?" tanong naman ng kung sino sa isip ko.

"Hop in o gusto mong buhatin pa kita at isakay sa loob ng kotse ko?" masungit na sabi nito sa akin. Napairap ako sa naturan. Why so bossy?

Wala akong nagawa kundi ang sumakay na lamang. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang istura niya. Nagkibit balikat lang ako at tumingin na lamang sa bintana at di siya pinansin.

Owned By A Billionaire (Suave Series 1) Where stories live. Discover now