Sa bayan ng MATAYOG may mag-inang naninirahan. Sina Aling Shala at ang kanyang anak na si Sit.
Si Sit ay isang pasaway na bata at lahat nang gusto nito ay kailangan masusunod. Takaw gulo din ito dahil sa taglay niyang kayabangan.
Kahit saan ay dala-dala niya ang kanyang alagang aso na nag-ngangalang Aw.
Ito ang naging kaibigan niya at kakampi sa lahat ng bagay.
"Ikaw bata! Tumayo ka riyan at pulutin mo ang bag ko." bulyaw nito sa isang batang mataba na palagi niyang inaasar, minsan pa nga inaagawan niya ito ng pagkain.
Hindi na nag-aaral si Sit dahil sa kakulangan nila sa pinasyal pero kapag may oras ang kanyang ina ay siya ay tinuturuan lalo na sa pagbabasa at pagsulat.
"Maawa ka sa akin, Sit. Hindi na ako magrereklamo. Susundin ko lahat ng gusto mo!" sabi ng bata, hindi niya alam na may naiisip na masama sa kanya ang kaharap.
"Kung gayon, halikan mo ang aking paa at tawagin mo akong panginoon." Taas noo nitong sambit sa batang nakasalampak sa lapag.
Dahil sa takot ng bata ay sinunod niya ang inutos ni Sit, kagalakan naman ang naramdaman ni Sit sa kanyang kaibuturan. "Magkakasundo tayo kapag ganiyan ka! Tumayo ka at kuhaan mo ako ng maraming pagkain."
Tumalima naman ang bata at ibinigay ang lahat nang naisin nito. Hindi niya alintana ang ina na galit na galit na dahil sa wala pa siya.
"Tumayo ka na r'yan at ako ay uuwe na. Bukas na bukas puntahan mo ako sa bahay at paliguan mo ang alaga ko." Pagkasabi niya ang salitang iyon ay tinalikuran niya na ang bata. Sumunod naman sa kanya ang alaga niya na tumatahol.
"Pag-uwe natin sa bahay, pwede ka nang kumain Aw." bulong niya sa kanyang alaga. Sa paglalakad niya ay naisipang niyang paglaruan ang isang bote, sinipa-sipa niya ito hanggang sa kanilang bakuran.
"Aw! aw!"
"Huwag kang maingay Aw, baka marinig tayo ni ina." sita niya sa alaga, alam niya kaseng papagalitan siya.
Pigil ang hininga niya habang binubuksan ang pinto at ng ito ay mabuksan ay nagdahan-dahan siyang maglakad papasok kasunod ang kanyang alaga.
"Saan ka galing bata ka!" napasalampak siya sa sahig ng marinig niya ang boses ng ina. "Inutusan lang kitang bumili ng toyo, tanghali ka na nakarating! Ang suwail mo talagang bata ka."
Tumayo siya at pinagpaggan ang kanyang puwetan. "Ina, sarado ang tindahan ni Aling Tonya. Alangan naman na bulabugin ko pa ang tindahan niya para masunod ang nais niyo. Tsaka maging masaya na lamang po kayo dahil ligtas akong nakarating dito."
"Abat't nangangatwiran ka nang bata ka. Baka nakakalimutan mo nanay mo ako!" Namumula na sa galit ang kanyang ina ngunit siya ay parang wala lang ang sinasabe ng ina.
"Huwag mo na akong sermonan Ina tsaka hindi na ako kakain. Nabusog ako sa pagkain na ibinigay sa akin ni Pedring." Bakas sa labi niya ang saya dahil may bago nanaman siyang alipin. Una si Lusyo, pangalawa si Mayi. Pangatlo ngayon si Pedring.
"Bahala ka sa buhay mong bata ka!" maski ang ina ay sumuko sa kanyang katigasan ng ulo. Hindi niya alam kung saang ugali namana ng anak ang ginagawa nito ngayon.
Pumasok si Sit sa kanyang higaan kasama niya ang kanyang alaga. Naupo siya at lumapit naman sa kanya ang alaga. Hinimas niya ang ulo nito kaya nilabas ng alaga niya ang dila animo'y naglalambing
"Ikaw nalang talaga nakakaintindi sa akin Aw." Kausap niya sa alaga ngunit tinitigan lamang siya nito."Mahal ba talaga ako ni Ina?" Tanong nito, tila nalilito siya sa kung bakit ito nagagalit sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama datapwat gumagawa pa siya ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Bed Time Stories: Ang Alamat
AdventureGenre: Oneshot/Short story/Adventure All Rights Reserved 2018 Written by: kuyacris