Alamat ng Kili-kili

1.1K 8 0
                                    

NAKAUPO sa sala ang magkambal habang inaayos ang kanilang mga buhok. Ulila na silang dalawa sa magulang kaya ang kanilang Lola Using nalang ang kanilang kasa-kasama.

Si Lola Using ay may katandaan na mahina ang mga tuhod nito kaya madalas niyang utusan ang kambal na gumawa ng gawaing bahay.

"Kili, tulungan mo ang iyong kakambal sa gawaing bahay." utos nang kanilang lola sa isang kambal. Inirapan siya ng apo at umalis sa sala.

"Suwail talaga ang iyong kakambal, Kili." Sabi nito sa kanyang isang apo na masasabi niyang maasahan niya. Si Kili na kaliwa ang panulat: mabait, malinis, maalaga at mapagmahal.

"Hayaan mo nalang siya lola, balang araw ay malalaman niya ang kahalagahan ng mga pinapagawa mo sa amin." Magalang na sagot ni Kili sa kanyang lola. Tinangunan na lamang siya ng kanyang lola kaya nagpaalam na siya rito. "Tatawagin ko lang po ang aking kakambal, lola."

Tinungo niya ang silid ni Kili na nakabusangot ang mukha na halos hindi na maipinta. "Kili, halika na at tayo ay maglilinis na ng bahay."

"Ikaw ang kumilos mag-isa!" bulyaw sa kanya ng kanyang kakambal habang inaayos ang sariling buhok.

"Hindi pwede, parehas tayong inutusan ni lola." paliwanag niya sa kanyang kakambal ngunit hindi talaga ito nagpatinag. Ang kanyang kakambal kase ay tamad, walang malasakit at maarte.

"Ang daming satsat, umalis ka sa kwarto ko." nagtitimping turan ng kanyang kakambal. Wala na siyang nagawa kundi ang lubayan ito.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paglilinis ng may marinig siyang kalabog sa sala kaya ngali-ngali niyang tinungo ang sala at doon niya nakita ang kanyang lolang nakasalampak sa sahig.

"Lola. Gising!" pag-alog niya sa kanyang lola ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakapikit. "Kili, ang lola!"

Narinig naman siya ng kakambal ngunit umarte itong walang narinig.

Binalingan nito ang kanyang lola at ipinatong ang ulo sa kanyang hita. "Lola, pawang awa mo na. Gumising ka na. Kailangan ka pa namin ni Kili."

Sa pagbuhos ng kanyang luha ay ang pagpatak ng malakas na buhos ng ulan—kumulog at kumidlat.

Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya iniwan niya muna ang kanyang lola sa sahig at lumabas ng bahay para humingi ng tulong sa kanilang kapit-bahay. "Tulong! Tulungan niyo po ang lola ko."

"Nene, bakit anong nangyare sa iyong lola. Halika muna sa loob." Pinapasok siya ng isang ginang at siya ay binigyan ng pamunas.

"Ang lola ko kailangan niya pong madala sa pagamutan." tumatangis man ay pinapatatag niya ang kanyang sarili, magiging okay din ang lola.

"Maghintay ka rito. Kukuha lamang ako ng gamot sa aking kwarto." ani ng ginang. Nangangatog ang kanyang tuhod dahil sa lamig pero wala doon ang isip niya kundi nasa kakambal.

"Halika na!" hindi niya namalayan ang pagdating ng ginang kaya hinawakan siya nito at hinila palabas. Muli niyang naramdaman ang lamig sa kanyang katawan lalo na hindi sapat ang payong na dala nila.

Pagkapasok namin sa bahay ay agad nilang tinungo ang sala ngunit wala rito ang lola niya. "Andito lamang si Lola."

"Baka nagkamalay na siya at pumunta nalang sa kwarto niya." saad ng ginang kaya dali-dali niyang tinungo ang kwarto ng lola ngunit ganoon nalang ang kanyang pag-aalala ng hindi niya makita ito sa loob. Pumunta rin siya sa banyo, kusina at  likod bahay ngunit wala ito.

"Asan ang lola ko." nanghihina nitong sa kawalan. Paano nawalang bigla ang kanyang lola.

"Baka nasa kwarto niyo."

Bed Time Stories: Ang AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon