Ang Ibon at ang Langgam

886 6 0
                                    

Sa Gubat Marayag, naroon ang mababangis na hayop na talaga namang kinaiilagan ng mga tao. Takot sila na baka dambain sila ng mga ito.

Kaya napagpasyahan na lagyan ito ng harang upang sa gayon ay hindi magawi ang mababangis na hayop sa mga kabahayan.

Lingid sa kaalaman nila, mapalaiso ang lugar na ito. Dahil sa pangangalaga ng Inang Kalikasan. Lahat ng hayop dito ay kasalungat sa kung ano ang haka-haka nila.

Banayad na naghahabulan ang mga hayop; masayang humuhuni ang mga ibon, maski ang mga unggoy ay masayang naglalambitin sa sanga. Basta kasalungat ito sa sinasabe ng mga tao.

"Langgam, nariyan ka lang naman pala. Tinatawag ka na ni Inang Langgam para sa ating piging." sambit ng isang maliit na langgam sa kanyang nakakatandang kapatid na si Langgam. Magkaiba ang kanilang lahi dahil na rin sa namayapang ama nito dahil sa Ibon na nakatapak dito.

"Susunod ako, kapatid. Nais ko lang sariwain ang ala-ala namin ni ama dito sa Gubat Marayag. Dito sa lugar nawala siya." iginalaw niya ang kanyang ulo, bago bumaling sa kanyang kapatid. Naintindihan naman siya nito bago tumango.

"Kung iyan ang iyong nais, ito ay aking rerespetuhin. Abisuhan ko na lamang si Inang Langgam. Mauna na ako." tipid lang ang sinukli niyang ngiti dito. Bumalik siya sa pagsariwa ng kanilang ala-ala ng kanyang yumaong ama. Hahanapin ko ang gumawa nito sa'yo ama. Gusto ko siyang humingi ng tawad sa nagaqa niya. Iyon ang bulong niya sa hangin.

Pagkatapos niyang sariwain lahat-lahat ay naglakad na siya sa kanilang bahay. Pumasok siya sa loob at nadatnan ang kanyang mga kapatid at kanyang Inang Langgam na magiliw na kumakain. "Narito na po ako, Inang Langgam."

Tumingin sa kanya ang mga ito, "Halika na rito, baka langgamin ang pagkain mo kung hindi mo pa gagalawin." alam niyang nagbibiro ang kanyang Inang Langgam kaya payak lang ang kanyang naging pagtawa.

Lumapit siya sa mga ito at umupo ng tahimik. Ngumiti siya sa kanyang Inang Langgan bago sinumulan ang kanyang pagkain. Marikit lang ang kanilang pagkain, animo'y ninanamnam ang aroma at sarap ng kanilang umagahan ngayon.

"Langgam, alam kong ikaw ay nangungulila pa rin sa iyong ama pero huwag mong hayaang dalahin ka ng kapighatian. Palayain mo na sa iyong puso ang iyong ama." nilingon niya ang kanyang Inang Langgam na nasa tabi niya. Tapos na kase silang kumain at ngayon ay nakatambay siya ngayon sa sanga ng puno.

"Matagal na akong nakalimot Inang Langgam, nais ko lang makilala ang ibong aksidenteng nakapatay sa aking ama. Gusto ko lang sabihin sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng isang magulang." pinilit niyang hindi bumagsak ang luha niya. Maliit lang sila pero may damdamin din. Niyapos siya ng kanyang Inang Langgam.

"Hahayaan kita sa nais mong gawain, Langgam. Basta lagi mong iingatan ang iyong sarili. At huwag kang mahihiyang lumapit sa akin." pagkasabi no'n ng kanyang Inang Langgam, nagpaalam na ito dahil maghahanap pa sila ng makakain.

Tahimik lang si Langgam habang nakatanaw sa kalangitan. Isang Ibon na kulay Puti ang nakita niyang lumilipad. Tila nawawalan ito ng balanse dahil sa paunti-unti itong bumagsak. "A-aray!" huni ng ibon, nakita niyang nahihirapan itong tumayo kaya nagmamadali siyang bumaba sa puno.

"Hindi ko na uusasain ang nangyari. Halika sumama ka sa bahay namin para magamot ka, kaya mo bang makalipad sa taas no'n." Itinuro ni Langgam ang isang puno ng bungkal. Umiling ang ibon dahil nahihirapan din siyang iwagayway ang kanyang pakpak.

"Maaari bang sa ibang lugar na lamang, hindi ko talaga kaya -aray!" daing ni Ibon ng pilitin nitong tumayo. May naisip naman si Langgam na maaari niyang pagdalhan kay Ibon.

Bed Time Stories: Ang AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon