Melody: Deceitful Mistake

4.9K 24 1
                                    

Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.

"Napilitan akong magtrabaho sa isang kabaret gawa ng matinding pangangailangan,
ngunit sadyang malupit ang kapalaran dahil kahit gabi-gabi na akong nagpapakantot sa iba't-ibang klase ng lalaki ay hindi parin sapat ang aking kinikita.

Hanggang sa makilala ko si Danny, isang maperang security guard na naging boyfriend ko at nagpahinto sa akin sa pagtatrabaho sa videoke bar.

Hindi ko naman talaga siya gusto,
nagawa ko lang naman ito dahil sa hirap ng buhay at kakapusan ng salapi,
kaya kahit katawan ko pa ay handa kong ipuhunan matustusan ko lang ang pangangailangan ng aking anak.

Ngunit tila pinaglalaruan ako ng tadhana,
dahil nagising nalang ako isang araw na mahal na mahal ko na si Danny."

-Melody

This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in the story to an actual living or non-living is purely coincidental. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.

Disi-siete anyos ako nang mapilitang mag-asawa dahil nabuntis ako ng boyfriend ko. Syempre mahirap dahil mga bata pa kami, lalo na't hindi parin nagsasawa sa buhay-binata ang asawa ko, may mga punto ring pinag-bubuhatan niya ako ng kamay at ginugulpi.

Sa madaling salita, walang kwenta ang kinakasama kong asawa, at sa madaling salita ay iniwan ko siya.

Hindi naman naging mahirap ang hiwalayan namin at parang gustong-gusto pa niya. Dinala ko ang anak ko at ako ang magpapalaki. Ako ngayo'y isang single mom.

Nang umabot ako sa edad na biente ay kinuha ako ng tita ko para magtinda sa sari-sari store nila. Iniwan ko ang anak ko kay mama tutal tatlong taong gulang na siya at lumuwas na agad ako sa maynila, kina tita.

Sa kakurampot na sahod ay tiniis ko ang pagtitinda, kulang na kulang pa ang sahod ko na pambayad sa mga utang ko, sa pangaraw-araw na gastusin ni baby at sa akin.

Napilitan akong magtrabaho sa isang kabaret gawa ng matinding pangangailangan, Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na magagawi ako sa ganitong klase ng kalakalan. Syempre sa ganitong klase ng trabaho, pang-engganyo lang ang videoke bar, ang totoong kinikita dito ay nasa VIP Private rooms, kung saan palihim ang bentahan ng laman.

Ganito ang naging ikot ng buhay ko, sa umaga ay tindera ako ng sari-saring paninda, at sa gabi naman ay tindera ako ng laman.

Nung una, nagdadalawang isip pa akong magpakantot sa lalaking lubusang hindi ko kilala, na minsan ay kahit pangalan ay hindi ko pa nakukuha.

Sa katagalan ay nakasanayan ko na rin.
Paulit-ulit na pakikipagtalik, salamat nalang sa tulong ng condom at kahit papa'no'y hindi ako nabubuntis, at malinis pa rin. Ngunit ang hindi ko masikmura ay sa twing may customer ako na pilit na nagpapa-blowjob sa akin, wala naman akong magawa kundi sumunod, at kung minsan, may mga customer din na nagkakamali ng butas na pinapasok, walang awa nila akong kinakantot sa puwet.

Dinadaan ko nalang ang lahat sa pag-iyak.
Kung anu-ano ang pinaggagawa nila sa katawan ko, puro kababuyan at kalaswaan.

Ang mahirap pa nito, wala man lang akong naiipon at hindi man lang nababawasan ang mga utang ko.
Sadyang malupit ang kapalaran dahil kahit gabi-gabi na akong nagpapakantot sa iba't-ibang klase ng lalaki ay hindi parin sapat ang aking kinikita.

Umabot din ako ng isang taon sa ganitong klase ng trabaho. Wala akong ibang hinangad para sa anak ko kundi ang mabigyan siya ng magandang buhay.

Isang araw, nakatunganga ako sa tindahan, nagmumuni-muni ako nang biglang may isang lalaki na bumibili ng candy.

Tatak Ficfac TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon