⚜️ CHAPTER 1⚜️

2.9K 45 1
                                    

Zechariah's POV

"Kapag hindi ka pa magbabayad sa buwang ito mapipilitan talaga akong kasuhan ka!"

Okay, nabasag na yung eardrums ko. Paano ba naman kasi, etong si Aling Tessa pinapaalis na ako dito sa tinitirhan kong apartment.

"Aling Tessa, wala pa po kasi akong trabaho... bigyan niyo nalang po ako ng isang linggo at kapag nakahanap na po ako ng trabaho magbabayad po kaagad ako! Promise po!" sabi ko sakanya

"At kapag natapos na ang isang linggo at hindi ka pa nakakabayad kakasuhan na talaga kita!" tumango kaagad ako

"Hmp!" umalis kaagad siya sa harap ko, hay salamat!

Bumalik kaagad ako sa loob ng bahay at nagluto na ng breakfast ko. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho as soon as possible. Pero may part time jobs naman kasi ako. 10 nga lahat yun eh.

Wala akong pasok ngayon sa pinapasukan kong convenience store, hindi din naman ako tinawag ng boss ko sa pizza store kaya rest day ko na ngayon.

Wala akong ginawa buong araw kundi ang maglinis, magbasa, at bilangin ang natitira kong pera na inipon ko sa bank book ko sa loob ng 4 na taon.

Nagtataka ba kayo kung bakit ang sipag ko? Wala lang, para sa future ko to eh. At yung parents ko? Wala na yung mama ko at yung papa ko naman ay wala na yung pake sakin.

Nakatira ako noon sa bahay ng tita ko pero wala naman silang ibang ginawa kundi ang palipasin ako ng gutom at palinisin sa buong bahay nila at saktan ako.

Yung anak naman ng tita ko which is ang pinsan ko ay... hindi kami on good terms. Yung asawa naman ng tita ko ay isang drug addict, palagi lang yung nanghihingi ng pera sakin, hindi ko naman binibigyan kaya ako sinasaktan.

Eh sa ayoko siyang bigyan! Sakin yung pera! Pinaghirapan ko yun tapos ibibigay ko lang sa isang tao na wala naman ibang ginawa kundi ang suminghot ng drugs at saktan ako.

Kaya nung nakatakas ako sa bahay nila ang saya saya ko, dahil sa wakas! I'm free. Pero dapat pa nga akong magpasalamat sakanila dahil pinatuloy nila ako sa bahay nila. Pero sinasaktan naman ako. Ano bang gianawa ko sakanila?

So para lang akong si Cinderella, pero wala lang stepmother at stepsisters. Pero may impakta naman akong mga tita at tito.

Nang gumabi na nagluto kaagad ako for dinner. Pagod na pagod ako kaya gusto ko ng matulog. Pagkatapos kong magluto kumain kaagad ako naghugas. Dederetso na sana ako sa kwarto ko ng may biglang kumatok sa pinto ko. Sino naman kaya to?

Wala naman ibang pumupunta dito sa bahay ko, except kay Aling Tessa na nanghihingi ng pambayad!

Lumapot kaagad ako sa pinto at hinawakan ang door handle para buksan iyon.

"Sino ya—" natahimik ako bigla ng makita kung sino ang nasa harap ko.

"D-dad..." bulong ko

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now