⚜️Chapter 14⚜️

1K 30 0
                                    

Zechariah's POV

Nakaalis na kami ng Manila at papunta na kami ng Negros Oriental.

Sakay namin ang private plane na pagmamay-ari ni Tito Zack—I mean papa pala.

Tahimik ang buong plane dahil natutulog silang lahat. Ako lang yata ang gising.

Katabi ko si Ezekiel na natutulog. Ako naman ay nakadungaw lang sa bintana.

Ang ganda talaga dito sa taas. Nakikita mo halos lahat nang nasa baba, at ang ganda din panoorin.

Biglang nagsalita ang captain. Maglaland na daw ang plane. Naramdaman ko ang pagbaba ng eroplano sa lupa. Ginising ko kaagad si Ezekiel na mahimbing na natutulog.

"Umm...Ezekiel, nakababa na yung eroplano...labas na tayo" sabi ko, our eyes met as he opens his eyes

God! Bakit ba ang gwapo ng lalaking to?

"Hey" pabulong niyang sabi

"Tumayo ka na diyan!" sabi ko at bumaba

Nakalipas ang ilang minuto, nakalabas na din kami ng airport.

"Sabi ni Cyrus kukunin daw tayo ni Ace" sabi ni mama

Who the heck is Ace?

"Si Ace? Oh my god!" biglang sabi ni Zephaniah at humarap sakin

"Zechariah! I'm warning you already! Wag na wag kang lalapit kay Ace! Get that?" naguguluhan ko siyang tinignan

"Bakit ko naman siya iiwasan?" tanong ko

"He's a freaking—" naputol ang sasabihin niya ng may biglang pumarada na van sa harap namin

"Oh my god! He's here!" pabulong na sabi ni Zephaniah

I'm really confused right now!

May isang gwapong lalaki na nakasuot ng aviators ang bumaba mula sa front seat. All I can say is he's... Hot?

Bigla akong tinalikod ni Zephaniah at hinarap sakanya.

"Don't look at him! You might fall for his blue eyes!" sabi ni Zephaniah, tumango nalang ako

"Tita! Tito!" bati niya kina mama at papa

"Ace! How are you?" masayang bati ni mama

"I'm okay Tita!" sagot ni Ace

"How's the business going Ace?" tanong naman ni papa

"Well, so far so good" rinig kong sagot niya

"Hey! Zephaniah! How are you?" tanong ni Ace at lumapit samin, si Zephaniah naman ay parang wala lang

"Tss...still mad at me? Come on! Hindi ko naman kasi sinasadya yun! And it was your friend who did the first move! So what choice do I have?" sabi niya na may ngiti sa labi

"Whatever!" sabi naman ni Zephaniah, ako naman ay nakikinig lang sakanila, bigla siyang napatingin sakin...umiwas kaagad ako nang tingin... Zephaniah's right! Maganda tignan ang mga mata ni Ace!

"Umm...mind introducing me Zephaniah?" sabi niya, nakita ko sa gilid ng nga mata ko na nakatingin parin siya sakin

"Don't want to—" naputol ang sasabihin ni Zephaniah nang hinila ako ni Ace paharap sakanya

"Hi! I'm Ace Lopez! You are?" tanong niya at naglahad ng kamay sakin

"Uhhh... I'm Zechariah Santiago " sabi ko at tinanggap ang kamay niya, ngumiti naman siya sakin, may bigla nalang pumulupot na braso sa bewang ko kaya napatingin kaagad ako kung sino yun

"Soon to be Lopez!" nakangiti sabi ni Ezekiel pero yung mata niya parang galit? Ewan!

Casanova's PreyWhere stories live. Discover now