Ako si Maria.
Sino si Maria?
Two words. Two big words (sa tono at accent ni Sarah Geronimo sa movie niya no'ng sinabi niya ang "trust") hahaha. Seryoso ako sa 'hahaha' at 'hehehe' dito, maniwala kayo. Uso.
Makiuso tayo, people! HEHEHE.
Ang two big words: Maganda at simple. Oo, maganda ako. Oo rin, simple ako. Pwede bang magsama ang dalawang ito? P'wede. Ako ang buhay na patunay.
Hindi ako seventeen years old, hehehe. 'Kala n'yo, ah. Minor ang edad na 'yon, sa rules ng ninuno ko, bawal pang maglandi.
*Insert wicked grin here.* Twenty-two na ako, two months ago lang.
Writer ako ng isang sikat na online column, ang Dear Beautiful. Kilala ako ng readers ko bilang si Venusa. Confession ng magaganda ang bumubuhay sa Dear Beautiful.
Feature dito ang mga diary enties ng magagandang babae at ang word wisdom ko. Dagdag effect lang ang 'word of wisdom' simpleng payo lang ang ibig kong sabihin diyan.
Sa dalawang taon ko bilang Venusa, hindi ako nawala kahit minsan ng mga diary entries galing sa mga tagasubaybay ng culomn ko. Iba't ibang kwento ng kagandahan, ng pagiging babae, ng mga matatag at lumalaban na mga babae.
Lumalaban para sa sarili, sa pamilya, sa mga kaibigan, at sa mga pinaniniwalaan nilang tama.Ang magaganda ba ay nawawasak din ang mga puso? Of course!
Marami din akong tinanggap na diary entries tungkol sa emotional pains, wounded pride, struggles sa iba't ibang aspects, stories of losing and of coure, ang paborito ko: Stories of victory. Bakit paborito ko ito? Gusto ko at hangad ko ang tagumpay ng bawat babae sa mundo.
Ikaw, babae ka bang naniniwala na nakadependesa ibang tao ang kaligayahan mo? Point out ko na para mas malinaw sa isang lalaki? Huwag kang mag-alala at hindi ka mag-isa diyan. Kahit ang mga tulad naming magaganda ay may mga ganyanh sentiments din. Pinatunayan iyan ng mga diary entries na tinanggap kosa column ko.
Magaganda man ay may weakness din. Pero kaming lima, kami ang magagandang inapakan at inilibing na sa hukay ang weakness na 'yan. Kami ang mga 'renewed beauties.' Kami anhmga babaeng hindi naghahanap ng saya sa outside world. Bakit? Dahil sa loob nagmumula ang sayang makikita sa amin. Beauty that glows from within. *Happy HEHEHE here.*
Putulin na ang deskripsiyon sa sarili bago ko pa ilantad ang lihim ko. Tama, may misteryo ang pagkatao ko na iilan lang ang nakakaalam.
YOU ARE READING
Diary ng MAGANDA (Victoria Amor)
Teen FictionHere's to a beautiful, YOU. Cheers! NOTE: This story was written at the time of ''The Legal Wife, Frozen, Starting Over Again, season of emoticons in printed book, etc. Lipas na ba ang uso? Sorry. Late lang ang release ng book :-D "Million steps na...