HALOS hindi ako makahinga habang nakatitig sa mga mata niya.
Pamilyar ang lugar na iyon.
Nakikita ko siya sa lugar na iyon... tanging sa lugar na iyon lang.
Gusto kong laging lumapit at titigan siya. Bakit?
Dahil hindi nagsisinungaling ang mga mata niya. Naroon ang lahat.
Nakikita ko lahat ng damdaming itinatago niya. Mga damdaming hindi mapakawalan.Sa mga araw at oras na natatagpuan ko siyang naroon ay walang kasinungalingan, walang pagpapangap, walang pagsupil sa mga damdaming hindi niya magawang pakawalan.
Hindi ko matiis na hindi siya lapitan. Hindi ko matiis na hindi siya titigan. Subalit naroon siya, nakakulong...
"MOVE on girl for Prada's sake! Ten years? Wow!Si Sir Marco nga na sobrang nagmamahal, twenty-o-nine iniwan, twenty-eleven nag start na mag-move on, eh. May Patricia na siya after four years! Two-to-five years, mapapatawad pa kita, pero ten years? hindi na kita kinaya!"
"Here, sweets for your tummy! Feed your heart too, pathetic! Tanga mo, eh. Sino'ng may sabing maging dependent ka sa lalaking 'yan? Nasa relationship ka to grow, hello? Wala, hinayaan mo ang sarili mong maging dependent sa boyfriend mo. Hinayaan mong paikutin niya ang mundo mo! Ngayon ano? Nang iniwan ka niya,eh,di isinama na niya ang buong mundo mo? Pati sarili mo, hindi mo makilala! Sige, ten years lang pala, eh. Pakatanga ka nang ten years more, girl. Ikaw na!"
"Punta ka sa condo ko, 'wag na magdala ng foods, okay? 'Bigyan kita blade para sa pulso mo. RIP, hopeless chick!
"Shopping ka, gril. Buy ka ng shoes and bags sa store ko nanh kumita ma lang ako sa katangahan mo!
Pinanood ko ang iba't ibang facial expression ng apat na kaibigan ko. Binasag ng malakas na boses nila ang katahimikan ng hatinggabi. Mga tigress na naman ang peg nila pagkatapos marinig ang diary entry na binasa mo mula ka 'Gaga in Love.'
Naging routine ko na iyon tuwing magkakasama kami, ang basahin and diary entry na sentro ng gagawin kong article para makuha ang kanilang opinyon. Sa bawat article ko na lumalabas dalawang beses sa isang linggo sa Dear Beautiful ay panagsama-sama ko nag opinyon naming magkakaibigan para ilatag sa readers--'yan ay kung nagtatagpo ang mga schedule naming lima tuwing weekend. Kung hindi, ako lang at ang laptop ang magkaramay.
Sa bawat article ay nakapaloob ang sagot ko at payo na rin sa problemang lucky girl na nagpadala ng diary entry at napili ng taong dahilan kung bakit si Venusa ang ngayon. Oo, may tao sa likod ng matagumpay na Love&Life, ang website kung saan ay isa sa mga feature page ang Dear Beautiful by Venusa. Last year lang, inilabas ang Voice of Venus, isang librong compilation ng mga article na hinugot ni Boss sa Dear Beautiful page.
Sino si Boss?
Isang taong hindi ko magawang tanggihan, ang taong anuman ang iutos ay pikit-matang susundin ko, ang taong pinagkakautangan ko ng kung sino at ano ako ngayon.Ang taong hindi ko kailanman matatakasan.
Huwag masyadong excited. Makikilala n'yo rin siya. Hindi nga lang sa unang buklat ng librong ito. Ang mga kaibigan ko muna sa ngayon.Sina Irie, Jessa, Harra, at Vanna ang mga ka-brainstorm ko sa bawat hatinggabing busy kaming lahat sa trabaho o kaya ay sa girls' talk tungkol sa maraming bagay. Tuwing buo kaming lima sa bahay na iyon na minana ko mula sa lolo kong si Jose del Angeles, ang hindi nakilalang biological father ni Tatay kaya hindi hindi rin ako del Angeles. Apelyido ng kinagisnang ama ni Tatay ang dala ko. Hindi ko alam ang kuwento ng pagkakalayo nilang mag-ama. Abogado na lang ang nakaharap ko. Abogado ni late Lolo Jose na nagpalit sa pangalan ko ng lahat ng iniwan ni Lolo para sa akin bilang nag-iisang babaeng apo.
Ang ancestral house na iyon ang nagsisilbing 'hide-out' naming lima tuwing weekend.
YOU ARE READING
Diary ng MAGANDA (Victoria Amor)
Novela JuvenilHere's to a beautiful, YOU. Cheers! NOTE: This story was written at the time of ''The Legal Wife, Frozen, Starting Over Again, season of emoticons in printed book, etc. Lipas na ba ang uso? Sorry. Late lang ang release ng book :-D "Million steps na...