My name is Maria, single and happy, simple and beautiful. And now, my beautiful friends. Itutok ang spotlight sa kanila...
Si Irie ay isa syang Model at fashionista. Commercial at ramp model ang maganda kong kaibigang ito. Ilang linggo pa lang nang mag-break sila ng boyfriend niyang mahilig mag-selfie. Hanggang sa Pluto ang tuwa naming apat nang natapos ang relasyon nila. Paano namang hindi? Selfie lang ang alam gawin ng lalaking iyon. Walang substance ang pagkatao.
Si Irie, single and happy, slim and beautiful.
Si Jessa ang magandang reyna ng kusina sa aming lima. Ibulong mo sa kanya ang kahit anong gusto mong kainin, alam nya lahat. Ang misyon nya dati ay gawin ang lahat para makitang gumagapang pabalik sa kanya nang luhaan ang manloloko niyang ex-boyfriend. Dati iyon, naka-move on na siya ngayon.
Si Jessa, single and happy, morena and beautiful.
Si Harra ang magandang genius sa grupo. IT specialist siya at parang mga tauhan sa computer games lang na pinaiikot niya sa mga palad ang mga lalaki dati rin iyon. Good girl with a mission na siya ngayon.
Si Harra, single and happy, short-haired and beautiful.
Si Vanna ang pinakamayaman sa grupo dahil mayaman ang pamilya. Businesswoman siya. Pamilya niya ang may-ari ng isa sa pinakamalaking pagawaan ng sapatos at bag sa Pilipinas.
Si Vanna, single and happy, chubby and beautiful.
At ang lalaki sa kuwentong ito? Ah, hindi ang tipo ng lalaki sa pantasya ng isang pangit na mura nang mura at nanlalait pa ang babae. Ang mga ganoong lalaki ay tinatakong ng mga magaganda. Ha ha ha!
Hindi kasi uso sa magaganda ang magpantasya, lalo na sa isang balahurang lalaki na mayaman kuno. At lalong hindi kami nag-iilusyon ng isang lalaking bagsak sa chacklist namin ng 'deserving man.'
Sorry, choosy lang. Maganda, eh. HEHEHE.
Sandali lang, kung ikaw ay pangit at nasasaktan sa parte na ito, mag-isip-isip, hija. Nangangarap ka ba ng happy ending sa piling ng isang gwapo at mayamang lalaki?
At maniniwala kang posible 'yon?
Seriously?
Ano, nanalo sa lotto ang peg mo, ineng? Hindi 'yan ang totoong mundo. Ilusyon 'yan. I-L-U-S-Y-O-N.
Darn, yes! Hindi ito isang fairy-tale story sa ilusyon ng babaeng pangit (ang tingin sa sarili pero ilusyunada ang peg). Ito ay 'Dora the Explorer' journey ng mga babaeng maganda at walang panahon sa ilusyon. Kami ay mula sa realidad na ang mundo ay hindi isang bahagi ng ilusyon.Wala kaming panahong magpantasya. Sorry, busy kami. HAHAHA. This 'hahaha' is annoying, really. But then again, more 'hahaha' to add an effect. LOL with s. So, ewww langs!
Pero sino nga ba ang lalaki sa kuwentong ito? Makikilala n'yo rin siya. Huwak masyadong mainip.
At kaninong kuwento ito?
Sa akin, at sa magagandang babae sa paligid ko.
Sino ba ako?
Isang babae na gugustuhin ng kapwa niya babae na kilalanin.
Bakit?
Buklatin na ang mga susunod na pahina para malaman ang sagot.Handa ka na ba, hija? Nakapili ka na ba ng panig na gusto mong maging kaisa ka? Kung sa tingin mo ay pangit ka, ihanda na ang puso. Sa pantasya lang ang happy ending ng pangit. HEHEHE. *Dagdag smiley pa, mga tatlo.*
Kung sa palagay mo naman ay maganda ka at isa ka sa amin, halika, pumasok ka at buklatin ang mga susunod na pahina. Ito ang kuwento NATIN na ilalahad ko, ng mga babaeng tulad ko, at mga tulad mo.
Ito ang Diary natin. Ito ang Diary Ng Maganda.
YOU ARE READING
Diary ng MAGANDA (Victoria Amor)
Teen FictionHere's to a beautiful, YOU. Cheers! NOTE: This story was written at the time of ''The Legal Wife, Frozen, Starting Over Again, season of emoticons in printed book, etc. Lipas na ba ang uso? Sorry. Late lang ang release ng book :-D "Million steps na...