Chapter 25

100 2 0
                                    

Kailey's POV

Thank God! Maganda na ang panahon ngayon, siguro naman may pasok na! Ginawa ko na lahat ang daily routine ko sa umaga then bumaba na ako para kumain ng almusal

"GOOODDD MORNINGGGGGGGGG" masayang bati ko sakanila, Wow anong meron kumpleto yata kami ngayon ah hehehe, Umupo na ako sa tabi ni Kuya

"What's good in the morning? " Broken Pa din siguro itong kumag na ito hayst.

"BITTER AMP" natatawang sabi ko na ikinangisi lang niya

"I lost my apetite," walang ganang sabi ni Lucky bago umalis

"Oh what's wrong with Him?" Nagkibit balikat lang si Mama at Kuya. Si Mama naman halatang mugto ang mata umiyak siya kagabi malamang

"Mom Is their anything Wrong? What happened to your Eyes, Did you cry?"nag aalalang tanong ko, ngumiti siya saakin pero alam ko namang pilit at saka niya hinawi ang buhok ko.

"Nothing my dear, Kumain na kayo baka ma late pa kayo ng kuya mo" Okay, naalala ko na naman yung kagabi, Sana nga wala lang 'yon, Hindi ko na talaga alam ang gawin ko. Pagkatapos naming kumain nagpunta na kami agad sa school, Sakto namang nakita ni Kuya si Ate Sam ayon nagsabay sila ayoko namang sumabay baka maging third Wheeler lang ako Psh!

"BOOOOOM!"

"Ay putaragis kang hinayupak ka!" Nagulat ako nung biglang may manggulat saakin Jusko mamatay ako sa gulat dahil kay Zach na ito eh. Tinignan ko siya ng masama pero siya tawa lang tawa. Anong nakakatawa dun ha?

"Your Face HAHAHAHAHAH" halos maluha na siya sa kakatawa siguro ako kapag nakaharap ako sa salamin pulang pula ang muka ko dahil sa inis, Iniwan ko na siya don bahala siya!

"Hey Kailey Wait!" Wait your face nigga! Mas binilisan ko pang maglakad pero magaling talaga 'tong kupal na ito hinarangan nya ako ng mga kamay niya

"What do you want? " seryosong sabi ko huta naiinis na talaga ako.

"You" pakiramdam ko nag init ang mga pisngi ko pati puso ko hindi na mapakali, Umaasa na naman ba ako?

"W-What?" Utal pa more.

"Kailangan kita mamaya" What does it mean?

"anong kailangan?" Nagtataka kong tanong

"I have a bright idea, Gusto kong pag selosin si Elise gamit ka, gusto kong malaman kung magseselos siya kasi pag nag selos ang isang babae puwedeng may feelings din siya and Part of a plan" Napanganga nalang ako sa sinabi niya, Wew

"Hay tigil tigilan mo ko sa mga plano mo Zach ha" tinabig ko and mga kamay nyang nakaharang sakin. Pero hinawakan nya ang kamay ko na nakapagpatigil saakin. Fuck Stop this Zach Lalong bumibilis tibok ng puso ko

"Please" Pano pa ba ako makakatanggi dito? Bumuntong hininga muna bago humarap sakaniya

"Fine" Niyakap na naman niya ako, I hug him Back.

"Sabay tayong mag lunch ako bahala Sa plano ko" Tumango nalang ako pagkatapos ay dumiretso kami sa classroom ng hindi nawawala ang ngiti sa labi niya ako naman nasasaktan na naman. Lagi nalang akong ginagamit. Nakarating ako ng classroom namin na lutang pa din ang isip ko, nakasalubong ko si Jazmin pero iniiwasan lang niya ako,  What's wrong with her?
Dumating na agad ang first Lecturer namin.

Halos wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng apat na Sunod sunod na Lecturers namin Damn that Zachary!

"Ready?" Bulong niya sa may kabilang tenga ko. Tang ina Zachary

"Yeah,  siguraduhin mo lang na hindi aabot ito sa seryosohan ah, baka mawala pa sayo si Elise" Pananakot ko.

"Hell no!" bulalas niya.

Love At First Sight Where stories live. Discover now