Ayesha's POV
Minsan kailangan mong I remind ang sarili mo na sa isang relationship kailangan ng pagtitiwala, oo alam mo ng kailangan ng tiwala sa isang relasyon pero minsan nakakalimutan natin dala na rin ng ating emosyon at sa sitwasyon
Hello hon sagot ko nong tumawag siya
Hon, sorry hindi kita masasamahan ngayon sa church may lakad kami ni daddy paumanhin niya
Okay lang magpapasama na lang ako sa mga reapers
Okay, nasabihan ko na si Gino he will be with you, okay?
Okay, sige- sige mag-aayos na muna ako paalam ko sa kanya
Hon wag ka ng mag-ayos dahil si Gino lang naman makakasama mo hindi naman ako..
My gosh! Inform ba tong nobyo ko na kasal yong dadaluhan ko? Hon, kasal yong pupuntahan ko at abay ako kailangan kong mag-ayos paliwanag ko sa kanya
Okay, pero wag yong masiyadong maganda huh.. napa-praning na si Theo
Sige, na ibababa ko na paalam ko
Okay, bye love you!! lambing na sabi niya
Okay bye..
Yong I lov----- di ko na siya pinansin eh sa nainis ako pinatayan ko na siya
Tok!
Tok!
Tok!
Hi, Pearl! Good morning, are you ready? Masigla at nakangiting bati sakin ni Gino matapos ko siyang pagbuksan ng pinto
Yes! Magsusuot na lang ako ng sandal at agad na nga akong nagsuot Ng sandal at sabay na kaming bumaba ng Sala
Wow! Ang gwapo at ang ganda natin ah! Puna Sa amin ni Patrick
Saan date nati---- I mean lakad natin? Agad na pag-iiba ni Jeffrey matapos siyang sikuhin ni Trixy
A-attend kami ng kasal nila kuya Junnez at ate Ann. ako na ang sumagot sa kanila
Infearnes huh mukhang kayo yong ikakasal dagdag pa ni Dave na nginitian ko na lang
So paano mauna na kami baka ma late pa si Pearl abay pa naman to
Okay, ingat alagaan mo si Pearl! Chorus pa nilang lahat
Grabe, talaga manukso eh..well, hindi naman sila nanunukso pag andyan si Theo siguro nasanay lang talaga sila na lagi nila akong tinutukso kay Gino before naging kami ni Theo
Pearl! salubong kaagad nong mga kaibigan ko oo Pearl na rin tawag nila sakin siguro nasanay na rin kasi halos lahat Pearl na ang tawag sakin except kay Ryan at Nica
Ang ganda natin ah!! puna kaagad ni Candice
Matagal na! Ngayon mulang napansin?
hahaha tawa naming dalawa
Aye, kayo na pala? tanong ni Nica sabay turo kay Gino na agad pa talagang yumakap sakin
Nicccaaa!!!!! ganti ko ng yakap sa kanya
Na miss kita!!! Sabay pa naming dalawa at sabay din kaming natawa
so kayo-kayo Lang? singit ni Candice kaya sinama na rin namin siya sa yakap na miss ko talaga si Nica Ang tagal na kasi naming di nagkikita
BINABASA MO ANG
The Youngest Mafia Heir
General Fictionsinong mag aakala na ang pinakabunsong tagapagmana ng mafia ay isang super duper kabaliktaran ang paninindigan sa buhay well active lang naman ako sa church namin tapos malalaman ko na lang bigla na ako pala ay isang tagapagmana ng mafia diba ang sa...