Ayesha's POV
Pagkababa na pagkababa ko ng Jeep na sinasakyan ko ay gulat na gulat ako ng lumapit sakin si Nica na umiiyak
Nica bakit? nag-aalala kong tanong pero wala pa rin akong sagot na makuha sa kanya and right now gumagawa na kami ng eksena ni Nica Sa harap ng Precious School but I don't care si Nica kaya to kaya hinayaan ko na lang muna siyang umiyak ng umiyak hanggang sa kumalma na siya
bakit? tanong ko nong medyo kalmado na siya
Si Ryan.... Nag unahan na naman sa pagtulo yong mga luha niya Bigla naman akong kinabahan nong banggitin niya ang name ni Ryan
bakit? natatakot ko ng tanong
M-may sakit s-siya aying and t-tatlong buwan na lang yong natitira Sa kanya paputol-putol na sabi ni Nica at ako eto parang binagsakan ng Mundo after kong narinig yon...
nasan siya? Wala Sa sariling tanong ko
nasa hospital Aying... at pareho na nga kaming umiiyak ngayon si Ryan na matalik kong kaibigan, yong taong minsan ko na ring minahal Ng higit Sa kaibigan, yong taong naging sandigan ko noon maski ngayon 3 buwan ko na lang makakasama nawalan na nga ako ng mga magulang ngayon pati ba naman si Ryan
Ngayon nga ay andito ako sa harap ng kwarto niya sa hospital hindi ko alam anong sasabihin, kung paano ako mag r-react tatlong buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako kumatok
Bukas Yan! rinig Kong sagot niya mula Sa loob Kaya pumasok na ako
Hi... Umpisa ko
Aye.... namumutla nga si Ryan Ang sakit di ko matanggap na mawawala siya samin lumapit na ako sa kanya at naupo sa gilid ng kama niya
Si Nica? tanong niya
nasa labas kausap sina tita
masaya akong makasama ka ngayon aye lalong sumikip yong dibdib ko dahil sa sinabi niya dalangin ko na sana matagal pa tayong magsama di ko na talaga napigilan yong mga luha ko
Ryan, wag mong sabihin yan matagal pa tayong magkakasama okay..
umiling-iling lang siya kaya naman ito at napahagulhol na ako ng iyak
Ryan naman eh... Wag ganito please..
Hinawakan niya yong kamay ko kahit na konting oras na lang Ang meron ako masaya ako na sa buhay ko nakilala ko kayo ng Panginoon aye.. isa ka Sa mga magagandang nangyari at dumating sa buhay ko.. naalala mo nong elementary pa lang tayo sinabi ko talaga Sa sarili kong ikaw ang babaeng pakakasalan ko at ang saya ko nong nasabi ko sayo Yong nararamdaman ko, Sabi niya pa sabay ng mga ngiti niyang nagpapawala Ng mga mata Niya pero di ko akalaing sandaling kaligayahan lang pala yong mararamdaman ko dahil Hindi ka pala para sakin
nasasaktan ako oo nasasaktan talaga akong makita si Ryan Sa ganitong sitwasyon nasasaktan akong makita siya Sa harapan kong umiiyak ngayon
Aye, Sana kahit sa mga natitirang oras ko sana kasama kita lagi
Agad naman akong napatango upang sumang ayon Sa kahilingan niya
Aye, mahal pa rin kita!! Sandali akong natulala Sa sinabi niya Aye, di ko naman hihilinging mahalin mo rin ako ang gusto ko lang ay hayaan mo akong mahalin ka Sa mga oras na natitira sakin
Hinawakan ko yong mukha niya saka pinahid yong mga luhang dumaloy Sa pisngi niya magpahinga ka muna dito lang ako sa tabi mo bawal sayo ang umiyak ng umiyak okay...
tumango lang siya saka hinigpitan ang pagkakahawak ng mga kamay ko at ngayon para akong timang na nakatulala sa harap ng natutulog na si Ryan
Bakit feeling ko ngayon sobrang kawawa ako wala na nga akong parents, may Michelle pang galit na galit sakin at ngayon mawawala pa yong matalik kong kaibigan at dahil sa kahilingan niya masasaktan ko na naman yong isa naming kaibigan ang hirap Lord help me!
Naplingon naman ako nong may tumapik sa balikat ko
Pearl, kumain ka muna ako na muna ang magbabantay Kay Ryan, andon din si Nica sabay na kayong kumain
Sige, po tita akmang tatayo na sana ako ng bigla akong yakapin ni tita
Pearl thank you!! Kasi pinagbigyan mo si Ryan... ginantihan ko naman ng yakap si tita
Mahalaga po sakin si Ryan tita kaya gagawin ko po ang lahat para sa kanya
Salamat Pearl umiiyak na sagot ni tita saka ako lumabas
Naabutan ko sa labas si Nica nakayuko at alam kong umiiyak na naman siya
Nica,
Ayeeee!!! Humahagulhol na iyak Niya sabay lapit at yakap sakin at it nga kami nagyayakapan at nag-iiyakan hanggang sa pareho na kaming nakaupo at nakatulala yong feeling na pagod na pagod ka na pero ayaw pa ring tumigil ng mga luha mo sa pag-agos and to tell you honestly hindi kami kumain ni Nica Sino pa ba kasi ang may ganang kakain sa sitwasyon namin ngayon
Aye, alam ko at nararamdaman kong ikaw pa rin ang Mahal ni Ryan kaya aye, please stay with until his last breath
Paano ka?
Okay lang ako ang mahalaga masaya si Ryan... Pinahid ko yong mga luha Sa pisngi niya Nica pareho nating pasasayahin si Ryan okay?
tumango-tango lang siya
Nicz! Aying!!! nag-uunahan at halatang hinihingal na salubong sa amin nila kuya Junnez
SI RYAN!!?? chorus nilang lahat at si Candice agad na yumakap samin Ni Nica at nagsimula na ring umiyak itinuro lang namin yong kwarto Ni Ryan at pumasok na sila sa loob
Gabi na at pinauwi na muna kami ni tita pero ayokong umuwi at nagpumilit talaga akong wag umuwi ayokong iwan si Ryan total mag-isa lang naman ako sa bahay pero dahil mga totoong kaibigan kami lahat kaya kaming lahat ay andito at nagpaiwan
riiinnnggg!!!!!!!
kinuha at sinagot ko agad yong phone ko
Hello mahina Kong sagot
Finally! You answer it Pearl asan k-------- di na natapos ni Mitch yong sasabihin niya
Hon, asan ka? Halatang nag-aalalang tanong ni Theo
nasa ospital ako
WHY!?
si Ryan na ospital kasi mahinahon Kong sagot
We've been trying to call you since morning pero di mo sinasagot nag-aalala na kami
Sorry talaga emergency masiyado sorry hinging paumanhin ko
it's okay uuwi ka na ba susunduin na kita diyan?
Wag muna dito muna ako kasama ko naman sina kuya Junnez
Are you sure? Samahan na Kita diyan napangiti naman ako sa tinuran niya
Wag na!!! Magpahinga ka na lang diyan okay lang ako
Okay just call me if you need something okay?
Okay, salamat Kay Theo dahil sa tawag niya gumaan kahit konti yong pakiramdam ko
Bye I love you!
I love you too.. saka ko pinatay yong call
Andito kaming lahat sa room ni Ryan natutulog silang lahat si Nica ayon natutulog habang nakaupo Sa tabi ni Ryan si kuya Junnez, ate Ann, Candice, John, Bryan at Mike ayon nakahilata sa sahig at mamaya tatabi rin ako sa kanila si tita naman nasa sofa tumulo na naman yong luha ko di ko in-expect na mararanasan namin ang ganito ang sakit hindi pa nga nawala si Ryan masakit na paano na lang pag Wala na talaga siya....
Lord, please wag po muna..
---------+++++++++********----------
Ayan I really tried my best na maka update salamat po talaga Sa lahat na nagbasa at nag comment at nag vote God bless po!!!
Naaawa na ba kayo Kay Pearl kapit lang guys makakabangon din ang ating bida!!! :) :) :)
BINABASA MO ANG
The Youngest Mafia Heir
General Fictionsinong mag aakala na ang pinakabunsong tagapagmana ng mafia ay isang super duper kabaliktaran ang paninindigan sa buhay well active lang naman ako sa church namin tapos malalaman ko na lang bigla na ako pala ay isang tagapagmana ng mafia diba ang sa...