Chapter 55 (Ending)

64 6 4
                                    

Jasper's POV

Nakatulala at nakaharap ako ngayon sa isang puntod habang binabasa ang nakasulat sa lapida

Monte Claro


ang daming nagbago mula nong dumating siya sa buhay namin naging liwanag siya sa madilim naming mundo. Ipinakita niya samin na kaya pa naming magbago na kaya naming bitawan ang Mafia at gawin ang tama pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa namin napag-isipang magbago gayong huli na ang lahat. Masakit lang isipin na siya ang nagbayad sa mga kasalanang nagawa namin

Mahal na mahal namin si Pearl kung pwedi ko lang sanang ibalik ang lahat napayuko ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko















LOLO sorry po pero pag nabuhay po si Pearl iiwan na po namin ang gawaing ito alam ko po pamana niyo po ito kina papa at tito pero lo alam ko pong maiiintindihan niyo po kami alam niyo po kung gaano namin kamahal si Pearl at alam ko pong kong buhay pa kayo ay ganoon din kayo.

Pasensya na po lolo kung ngayon ka lang namin nadalaw singit ni Onyx.


Ang dami ho kasing nangyari lo hindi nga namin alam kung kailan magigising si Pearl umiiyak na sabi ni Jade


Oo si Pearl nasa Hospital siya ngayon she's laying there comatose  isang buwan na siyang coma at hindi namin alam kung kailan siya magigising.

*******
Alexis Monte Claro's POV

Nakita kong taimtim na nagdadasal ang asawa ko sa loob ng maliit na chapel sa loob ng hospital hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiyang pumasok but still in the end pumasok ako at tumabi sa asawa ko saka ipinikit ang mga mata


Panginoon alam ko pong ang laki ng mga kasalanan ko wala po akong karapatang lumapit sa inyo pero nagmamakaawa po ako sa inyo buhayin niyo po ang anak ko..

Naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ng asawa ko dahil humahagulhol na pala ako

******
Pearl's POV

Babe wake up! Diba magpapakasal pa tayo! Naririnig ko yong boses niya naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko



dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and there I saw him the person that I love ang lalaking pakakasalan ko napangiti ako ng makita siya kung panaginip man ito ay ayoko ng magising pa



B-babe sa wakas ay nasabi ko

nanlaki ang mga mata niya ng makitang gising na ako kaya agad siyang tumawag ng doctor pati ang lahat tinawag niya


Matapos ang ilang pinag gagawa ng doctor sakin humarap siya sa lahat


Stable na po ang anak niyo Mr. and Mrs. Monte Claro

Thank God! umiiyak na sabi ni mama at agad naman siyang niyakap ni mama pero kahit nasaksihan ko na ang lahat at nasiguro kong gising at buhay na ako hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko kay Gino totoo bang buhay siya? Paano?

Halos isang Linggo pa akong namalagi sa hospital bago tuluyang nakalabas nalaman ko na one month na pala akong coma. And about sa mga kalaban ng pamilya namin yong babaeng nagpahirap sakin ay patay na at yong iba naman nakakulong na at si Candice nailigtas din siya ng gabing yon



And sa lahat ng nagtataka kagaya ko kung paano nabuhay tong si Gino ay dahil pagkatapos ng aksidente ay na coma rin siya gaya ko kaya masasabi kong meant to be nga kami habang hindi pa ako nagigising non sa hospital, pansin ko lang second house ko na ang hospital aahh!! Pabalik-balik na lang ako dito. So yon nga balik tayo sa topic itinago siya ng pamilya ko kasi pag nalaman ng mga kalaban namin na buhay pa siya ay hindi siya titigilan ng mga yon dahil alam nilang kahinaan ko si Gino at yon na po yon.

Hey, Gino I love you! Tawag ko sa kanya ang seryoso kasi ehh.. Nakaharap sa TV ipagpalit ba naman ako sa TV tapos yong pinapanood Showtime napalingon siya sakin saka ngumiti



I Love you too. Pakasal na tayo! Nakangiting sabi niya yong ngiting nakalabas talaga ang dimple




Ngayon na?? Sabay ko sa kalokohan niya

Tara!! sagot niya at nagtawanan na kami


Nalaman ko rin pala na itinigil na ng pamilya namin ang illegal na business namin at sa katunayan tumutulong na sila sa government para tuluyan ng mawala ang mga ganitong klase business dito sa bansa. Nakakatuwa at nakakataba lang ng puso na yong pinakabatang Monte Claro na tagapagmana ng Mafia pa ang dahilan kung bakit ito nahinto

*******
---- 1 Year Later -----

at yon po ang kwento ng pag-iibigan  nina Gino at Pearl!

nakangiti ang lahat habang nakatingin kay Theo na nag k-kwento sa LOVE STORY namin  ng kapatid niya

But don't worry guys no hard feelings they have my blessings! at saka nagtawanan ang lahat I know I am better for Pearl but Gino is the best for her. Kaya bro alagaan mo asawa mo kundi aagawin ko yan ayon tawanan na naman ang lahat si Theo talaga siya kasi ang naatasan ng Wedding Coordinator namin na mag kwento ng Love Story namin ni Gino paglatapos ng reception ng kasal namin dumiretso na kami ni Gino ng Airport aalis kami papuntang Israel para sa honeymoon namin.
*****

Ang daming nangyari sa buhay ko from poor to rich patunay lang ito na hindi natin hawak ang mga mangyayari sa buhay natin kaya pahalagahan natin kung anong meron tayo ngayon kasi di natin alam kinabukasan o sa makalawa biglang magbago ang buhay natin. Sa buhay din natin may mga taong darating at aalis din, hindi upang habang buhay na mag-iiwan ng sakit sa puso natin   kundi turuan tayo ng mga bagay sa mundo na dapat nating matutunan kagaya na lang kay Theo akala ko talaga siya na pero isa lang pala siya sa mga taong darating at aalis din sa buhay ko oo minahal ko siya pero tandaan, hindi lahat ng minamahal natin ay mananatiling atin kasi may taong darating na mas mamahalin natin at handang manatili para satin kagaya na lang kay Gino akala ko hanggang magkaibigan lang kami but in the end siya pala ang nakatadhana para sakin. Life is full of surprises so be ready di mo alam yong bestfriend mo lang pala ang meant to be mo, o di kaya nakatabi mo na sa jeep ang nakalaan para sayo di mo lang napansin kasi busy ka sa taong akala mo ay laan na para sayo. Hope na nag enjoy ka sa kwento ng buhay ko 😍

This is AYESHA PEARL MONTE CLARO PATTERSON now signing off!

"The End"

-----+++++-----++++++-----+++++-----+++++
Hindi ko alam kung nagustuhan niyo ba yong ending ng story but Hope po mag-iwan kayo ng MESSAGE for me about the story at para na rin sakin. Sana after you read this story kahit silent reader ka pa hope na malaanan mo ng time to make a message sa comment box para malaman ko naman ilan na yong nakatapos magbasa ng storyang ito at para malaman ko rin yong mga reaction niyo sa story. Thank You all!! God bless!!

ALAB YOU ALL!!

The Youngest Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon