Chapter 9

29 2 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw at pilit kinalimutan yung sinabi sakin ni Dylan na magkalimutan na kami. Sobrang sakit pero wala e choice ko yun I accept the fact na nasaktan ko sya

"Are you okay kanina ka pa tulala" Andito kami ngayon ni Connor sa shopping district. Parang Friendly Date lang yung set-up namin

"Oo naman may naalala lang ako" Lumipas din ang araw na di ko na sya nakikita. Sabi ng mga teachers namin bihira nalang daw din sya pumasok

"Tara sa Amusement park" Aya sakin ni Connor at sa loob din ng ilang araw mas napalapit kami ni Connor sa isa't isa.

Nagsimula na kaming maglakad. Lahat ng dinadaanan naming stall napapabili kami

Puro tawanan at kwentuhan ang ginagawa namin.

Pagdating namin sa amusement park. Maraming tao dito mga couple mga mag babarkda

"Sakay tayo dun..sa tingin ko kita yung buong Shinami City" Sumang ayon ako kay Connor

Bumili muna sya ng tickets bago kami pumila. Pagkasakay namin kaming dalawa lang. Nagsimula nang umandar mabagal lang ang andar. Nang huminto kami sa pinakatuktok tama nga sya kita yung buong Shinami City Kita yung St.Harvard at yung matatayog na pader neto. Napakasaya ko pero Alam ko sa bawat ngiti kapalit ay luha chos'

"Ang ganda dito" Sabi ko at di ko mapigilang mamangha "Yeah you're right" Sagot nya

Biglang umuga yung Ferris Wheel dahilan para ma-out balance ako at mapayakap kay Connor

God, Ang sarap nya yakapin chos'

Ilang minuto pa nanatili kami Ganon. "Sorry hehe" Sabi ko tsaka kumalas sa pagkakayakap sa kanya

"Haha it's okay" Ngumiti lang ako at bumalik ulit ang tingin sa lavas pababa na pala kami.

Pagdating sa baba. Halos lumandag ang puso ko sa kaba ng makita si Dylan na may kasamang iba. Napahinto ako ngunit nilagpasan nya lang kami

"Tara na nagutom ako bigla" Naglakad na kami at pumasok sa isang Chinese restaurant.

"Kahit ano nalang Basta yung masarap ah" Ngumiti lang sya at pinisil ang pisngi ko

May sinabi sya sa waiter at nag antay "Okay ka lang ba talaga bigla bigla ka kasing natutulala" Nabalik ako sa sarili nang pinitik nya ang noo ko

"Aray naman makapitik ang sakit kaya" Tumawa lang sya at lumapit at hinalikan ako sa noo.

Dub. Dub. Dub

"Okay na di na masakit" Tumungo ako kasabay ng pagdating ng in order nya. May kung ano-anong nakalagay sa table namin.

Napatingin ako sa harap ng makita ko si Dylan sa katabi ng table namin sa harapan ko kaya kita ko yung ginagawa nila nakatalikod yung girl kaya di ko kita yung mukha

Kumain nalang ako ng kumain "Wait Allyx" Huli na dahil may nakain akong sili sobrang anghang

"Here" Dali-dali ako uminom ng kung ano man ang tawag nila. Jusko mga exotic pa yung mga tao dito

"Painom pa" Binigay nya sakin yung inumin nya tsaka ininom 

"Haha mukha kang kamatis kanina sa pula" Tawa sya ng tawa

"Tse. Di ka nakakatawa" Pagtataray ko "Sorry na"

Napatingin ako sa harap at nagsusubuan sila. Eww

Kumain nalang ako ng Ice Cream at padabog na binagsak ang kutsara dahilan para mapatingin sakin si Dylan di rin naman nagtagal bumalik ulit sila sa pagkain

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now