Chapter 16

27 2 0
                                    

Ngayon araw masaya akong nagising. Hehe

Inusog ko ng unti si Dylan kung makayakap wagas. Kagabi wala kaming ginawa kung di mag laro ng baraha. Ang matalo dra-drawingan sa mukha.

Napatingin ako sa digital clock nya 05:45 na ng umaga pag ganito kasing oras nag hahanda na ko. Nakahanda na ang uniform namin. Napatingin ako kay Dylan na tulog na tulog pangalawang beses na magkatabi kaming natulog. Naka pajama lang sya pero Walang pang itaas kaya nawili ang mata ko sa pagpapantasya sa katawan nya.

Iling-iling. >_<

Tumayo ako lumabas ng kwarto nya. Medyo malawak din dito compare sa tinutuluyan ko ngayon

Buti nalang nahanap ko kaagad yung hagdanan pababa. Pagbaba ko dumeretso agad ako sa kusina. Nakita ko na busy sa pagluluto yung cook nila

"Ay! Ma'am maaga pa po" Sabi ng isa sa kanila. Sumenyas ako sa kanila na okay lang "Hmm ano po yang niluluto nyo" Tanong ko sa kanila

"Ahh eto po ba... Eto po kasi lagi ang almusal ni master dylan" Master? Talaga haist! Di bale na nga.

"May gusto po ba kayong kainin"

"Kahit Gatas nalang" Tumungo naman sya at pinagtimpla pa ko ng gatas. Umupo ako sa kitchen table at pinagmasdan sila na sobrang busy sa pinaggawa nila di ko maiwasan isipin kung gaano sila kayaman. Sa bahay naman kuya di naman ganto karami ang mga maid sakto lang

Habang umiinom ng gatas. Biglang nagkagulo yung mga tao dito pati tuloy ako nag panic.

"Ano po bang nangyayari" Tanong ko sa cook na nagmamadali magluto

"Gising na po si master tiyak na magagalit po yun dahil hindi pa nakahanda ang pagkain nya" Agad din bumalik sa ginagawa nya ..

Grabe naman pala si Master Dylan halos lahat ng tao di takot sa kanya. Iling-iling

"Take your time po ako bahala kay Master" Sabi ko "Baka matanggal kami" Sabi pa nila " Edi pag tinanggal kayo sabihin nyo sakin uupakan natin sya"

Lumabas na ko ng kusina. Bumalik ako sa kwarto wala na ang mokong nasaan na kaya yun. Bumaba ulit ako hanggang sa may narinig akong parang nabasag na bagay

May mga maid na nasa gilid lang lahat "Nasaan po si Dylan" Tinuro nila sakin ang isang pasilyo. Dumeretso lang ako hanggang sa nakita ko siyang nakaupo at inip na inip

"Master Dylan...Malapit na po ang iyong umagahan hindi naman po namin alam na magigising kayo ng ala sais ng umaga kadalasan kasing ala syete o---" Di na natapos na matanda ang sinasabi nya ng sigawan sya ni dylan "UMALIS KA SA HARAPAN KO" 

Nag-init ang ulo ko sa lalaking to'  ang sama ng ugali nya.

Pagkapasok ko agad ko siyang binatukan "Arayyy" Daing nya

"Bakit mo sinisagawan ang matanda" Tanong ko. Nagsalubong lang ang kilay nya

"Eh sa nagugutom na ko eh" Binatukan ko ulit sya. "Edi ikaw kaya magluto dun...Ikaw na nga lang kakain tapos makapagreklamo ka" Nag cross arm lang sya at tumingin sa malayo

Maya-maya dumating nasi kuyang Cook. "YOU'RE FIRED" Sigaw nya sa Cook .

"Naku kayong maniwala dito" Sabat ko sa kanila. Sinamaan ako ng tingin ni Dylan "Sige Subukan mong tanggalin sya..sinasabi ko sayo" Ngumisi sya at parang hinihintay yung sunod na sasabihin ko.

"Paki dala nalang sa kwarto" Sabay lapit sakin at hinila ako palabas ng Dining area at umakyat sa taas

"So bakit ka concern sa mga maids and cooks"

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now