Chapter 18

26 4 0
                                    

Kalat sa buong paligid yung. Election ng SSG officers sa Friday.

Maraming nagbago kagaya ng dapat si Kuya ang Pres. ng SSG dahil dumating nga si Jaeden. Nakipag change si Dylan ng position kay kuya biglang pres. Hayss

Kinabukasan...Naglalakad ako papasok ngayon sa next subject ko.

Nang may biglang may tumisod ako. Dahilan para masubsob ako sa sahig. "O my gosh sorry" Napaangat ako ng tingin si Cora-Shells

Tumayo at pinagpagan ang sarili "Okay lang next time mag-iingat ka" Sabi ko at naglakad palayo. Naiinis lang ako alam ko naman sinadya nya yun eh'

Pagpasok ko sa room umupo lang ako. Napatingin ako sa tuhod ko na dumudugo binaba ko ang Stockings ko. Maliit lang ang sugat. Gasgas lang pero masakit.

"Anong nangyari sa tuhod mo"

"Wala yan.. Connor" Lumuhod sya at tinignan ng mabuti ang sugat ko

"Sinong may gawa niyan" Nagkibit balikat ako "Psh. Pag nalaman ko lang kung sino may gawa niyan" Umupo sya sa tabi ko.

"So..Kamusta na kayo ni Gianna" Tanong ko "Okay lang"

"Sabay ako ulit sa inyo mag lunch" 

"Sure" Napaharap na ko sa harap ng dumating na yung teacher namin.

After 3hours breaktime na. Nag text sakin kanina si dylan na inaasikaso nya yung mga files na nasunog.

"Sa Friday na pala ang botohan" Sabi ni Connor "Oo nga eh' vote mo ko ah" Ngumiti sya at tumungo

"Oo naman..Kami ni Gia boboto ka namin" Napangiti ako at dumeretso kami sa cafeteria para dun nalang antayin si Gianna.

"Kamusta na kayo ni Gab" Pag-iiba nya ng usapan "Okay lang naman" Sagot ko

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Gianna.

"Allyx..ikaw pala yan" Ngumiti ako at umupo sya sa tabi ko. "Con.. Alam mo na sakin ah" Tumungo si Connor "Ikaw, Allyx"

"Kahit ano ..alam mo naman ang mga gusto ko" Tumungo din sya at tsaka tumayo. Kaming dalawa nalang ni Gianna dito.

May pinag-usapan kami. Girls talk

"Free ka bukas" Tanong sakin ni Gianna. "Oo" Ngumiti sya ng bahagya "Sakto. Mall tayo tom"

"Sure" Tsaka naman dumating si Connor bitbit yung food namin.

Nagsimula na kami kumain "Con, may pupuntahan kami bukas ni Allyx bukas"

"Saan naman" Habang ngumunguya "Kahit Saan..Bonding parang ganun"

"Di pwede sumama" Umiling si Gianna. Napabuntong hininga si Connor. Natutuwa ako sa kanilang dalawa. Ang sweet

"Kaya ko naman ang sarili ko..i te-text naman kita kapag pauwi na kami"

After namin mag lunch. Pumasok na kami sa kanya-kanyang next class.

Pagpasok ko sinalubong ako agad ni Erica

"Hello Allyx" Bungad nya sakin. Umupo ako sa upuan at inihanda ang gamit

"Good luck sa Friday"

"Thank you" Ngumiti sya at umupo sa tabi ko. Dumating na yung teacher namin. At nag discuss na

After ng class. Lumabas na ko at sakto andun si dylan nakatayo sa gilid.

"Kanina ka pa dyan" Tanong ko at usually poker face ang sagot nya

Nauna syang naglakad habang ako nakasunod sa kanya. Dire-Diretso kami sa sasakyan nya.

"Saan tayo pupunta"

"Kahit saan" Nagkibit balikat ako. May topak nanaman ata sya. -__-

Bumaba kami sa isang bakery. Ang ganda dito. Ang ganda ng theme ng lugar.

Syempre pumasok kami. Umupo kami sa bandang dulo. Lumapit samin yung waiter at inabutan ng menu. Namili ako sa mga nakalagay kaso wala akong maintindihan. Hayss!

Sinabi ko nalang kung ano yung matipuhan ko. "Ano pong drinks..Coffee or Juice"

"Coffee nalang" Sagot ko. Tumungo naman yung waiter tsaka kinuha yung mga order namin then umalis.

"Muka kang tanga" Napatigil ako sa paglibot ng mata sa paligid nang magsalita ang kasama ko

"Ows sorry nandyan ka pala" Sarcastic na sabi ko. Napailing sya habang naka-cross arms.

"You like the place" Napatungo ako sa sinabi nya. "Oo naman kahit saan mo ko dalhin..napapamanga ako" Nakita ko siyang napangisi

"This is my place but pag akin ka na..sayo na din to" Napatigil ako at naramdaman ko ang bilis ng puso ko

'Pag akin ka na'

Shocks! Bat ba kinikilig ako sa kanya. Nakatitig pa din sya sakin at nag-aantay ng sasabihin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hehe Tignan mo ang ganda nun" Turo ko sa malayo kahit wala naman Hehe.

"Tss" Maya-maya dumating na si kuyang waiter. Inilapag nya na yung mga order namin. Kinuha ko ang bread knife at sinimulang hatiin. Nakita ko pang umuusok ang chocolate filling ng tinapay

Yum. Yum. Yum

Ang sarap naubos ko kaagad yung anim na tinapay na may iba't ibang lasa.

Napatingin ako sa kaharap ko na pabebe kumain. Nag-angat sya ng tingin at nakatitig lang sya sakin.

"Bat ganyan ka makatingin" Di nya ko sinagot bagkus lumapit sya sakin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nakakatulala. Napahawak ako sa dibdib ko na may party sa loob.






Lumabas na kami ng Café Bakery. Sumakay kami sasakyan nya at huminto nanaman kami sa unfamiliar place. Para siyang Bay side pero parang park din. May malaking fountain sa gitna then may mga bench sa paligid. Tas may puno din may mga stall din. May nakita akong cotton candy. Kaya hinila ko sya papalapit.

"Anong gusto mong flavor" Tanong ko kay dylan "I hate sweets" Kumunoot ang noo ko.

"Kuya may ampalaya ba dyan" Natawa si kuya at umiling "Dalawang strawberry nalang po"

Nagsimula na si kuyang gumawa ng cotton candy after 3 minutes natapos na. Inabot sakin ni kuya yung dalawang stick na makakapal na cotton candy. Then binayaran ko

"Ayaw" Sabi nya ng iabot ko sa kanya "Ang Arte" Pagkasabi ko nun padabog siyang kinuha at kinain. Biglang may naisip ako.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan sya. Natawa ako sa itsura nya parang bata. Nagulat ako bigla ng agawin sakin ang phone ko. Inakbayan na ko at sinubuan ng cotton candy. Then Click..Flash

Marami pa kaming kuha. Yung iba stolen ko at yung pinahiran nya ko ng ice cream sa mukha











Nandito kami sa sasakyan at natatawa pa rin ako sa mga pictures namin. Pag ka-slide ko napatitig ako sa picture namin.

Na parang..


Parang...


Mag ka-relasyon..




Nakahawak sya waist ko habang ako nakayakap sa kanya.

Sana totoo nalang ang lahat. T_T

_____________________

Don't forget to VOTE!

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now