Chapter 5: Tuliro

13 1 0
                                    

Graduation Day!

Everyone’s so excited.

My mom, my dad, my titas, my titos, my lolas, my lolos, my cousins and even Kelly and Charie.

But me?

I don’t know.

Happy but sad.

Its so ironic that I dreamed of this and pursued for this and now that its here I feel like a part of me is not ready for it.

I mean, hello?! Leaving the life that I used to live.

Bye student world and hello real world!

“Yumi andito na yung mag-aayos sa’yo.” Tawag ni Mama sa’kin.

Tumawag na lang kami sa isang salon malapit sa’min para ayusan ako dito sa bahay namin. Hassle kung ako pa pupunta sa salon.

Bumaba na ‘ko na suot na ang dress na gagamitin ko mamaya.

“Sya yung anak ko yung ggraduate ngayon.” Pakilala sa’kin ni Mama sa mag-aayos sa’kin.

“Ah hello…. I’m Claire.” Pakilala nya sa’kin na nakalahad ang palad na parang makikipagshake hands.  Ang pormal naman nito.

“Yumi” ako na inabot ko ang kamay nya at nagshake hands kami.” Pagandahin mo ko te ha. Yung bongga.” Biro ko sa kanya. Alam ko naman maganda na’ko onting ayos na lang. Bwahaha.

“Oo ba. Maganda ka na naman eh. I-aaccentuate na lang natin yung assets mo.” Claire

Sabi na eh. Alam ko na yan. Haha.

Dito nya ko minemake-up-an sa sala. May hinanda si Mama na high stool na nakaharap sa whole body mirror na galing pa sa kwarto nila. Ang effort ng Mama ko noh? Tapos sya nakaupo sa sofa habang nanonood sa’min at nagtetext sa mga kamag-anak namin na ininvite nya sa kainan pagkatapos ng graduation ceremony ko mamaya.

Tahimik lang ako habang minemake-up-an nya.

“Tingin sa taas…… Tingin sa baba…… Say ah…” Claire

Ako naman si sunod sa instructions nya.

Maya maya pa tapos na nya kong make-up-an.

Nagulat ako pagtingin ko sa salamin.

Ako bat oh?!

WOW!

Ang ganda ng pagkakalagay nya ng kulay sa mukha ko.

Na-emphasize nga ang kagandahan ko. Bwahahaha!

Sana matutunan ko din to. Di kasi ako marunong sa make-up eh.

Yung buhok ko naman ang inayos nya.

Kinulot nya ito. Inipitan ng kung ano ano. Spray dito spray dun.

Ang outcome?

Sobrang ganda. Para akong prinsesa.

Yung pagkakulot katulad ng kay Taylor Swift. Tapos naka-half pony tail ang style na may nakalabas na onting buhok sa dalawang gilid ng mukha ko.

“Ang ganda naman ng anak ko. Pa, tingnan mo oh.” Mama na tinawag pa si Papa sa kwarto nila sa taas.

“Wow ate ang ganda! Ako din.” Kelly, yung sumunod sa’kin na kapatid ko. Tres Marias kami e.

“Ako din!” Charie, yung bunso namin.

“Graduation nyo din?” ako

Nung okay na kami ay umalis na kami nila Mama at Papa.

My Perfect Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon