Chapter 6: Crush

11 1 0
                                    

“Thanks for coming. Tuloy kayo, andun sila oh” , bati ni Emily sa’ming apat.

“Happy birthday. Sorry late ata kami”, Julia

Binati din naming tatlo si Emily at bineso beso.

“Okay lang. Kararating lang din ng iba nating kaklase. Tsaka mahaba pa ang gabi noh”, Emily

Pumasok na kami sa loob ng clubhouse at nilapitan namin yung iba naming kaklase.

“Hi Kevin!”, si Carrey na nagpapacute pa.

“Hello! Kadarating nyo lang?”, Kevin

“Yup! Ikaw? Kasama mo si Nicole?”, Carrey. Si Nicole yung girlfriend nito na taga-ibang section.

“Hindi eh. May out of town trip sila ng family nya. Sa isang araw pa uwi nila dito.”, Kevin

“Ah ganun ba? Gusto mo alis tayo bukas?”, Carrey

Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin ng masama sa kanya. Anong balak nito?

“I mean let’s go out, have fun. Para di ka naman masyadong malungkot. Wala pa naman akong pinagkakaabalahan kaya bored din ako sa bahay. Kung gusto mo lang naman”, explain ni Carrey.

Niyayaya nya ng date tong si Kevin? Lakas ng loob ah. E may girlfriend yan eh.

“O sige. I’ll text you tomorrow”, Kevin

Aba at pumayag naman! Mga lalaki talaga.

“Upo kayo”, Kevin na ginalaw yung apat na tiffany chairs sa table para makaupo kami.

Kitang kita ang tuwa sa mukha ni Carrey. Landi!

Habang naghihintay sa pag-uumpisa ng party nagpicture picture muna kami.

Then ready na yung buffet.

So pila kami agad. Gutom na din ako eh.

“So Yumi, totoo ba na hiwalay na kayo ni Andi?”, si Ella, kaklase namin.

Natigilan ako sa tanong nya. Alam ko naman crush nya si Andi eh.

Tumango na lang ako bilang pagsagot.

“Bakit?”, Ella

Yung mga kasama namin sa lamesa nag-aabang din ng sagot ko.

“Kunyari ka pa! May gusto ka sa boyfriend nya di ba?! I mean sa ex-boyfriend nya”, Sophie

Hindi na ko nakasagot dahil nag-asaran na silang dalawa.

Pasalamat ako kay Sophie.

Ayoko na kasing pag-usapan yun e. Mahirap i-explain.

Natapos ang party ng ala-una.

Yung iba nag-uwian na, yung iba mag-oover night sa bahay nila Emily.

Kaming tatlo sa bahay ni Carrey mag-oover night.

Sa aming apat, sa kanya pinakamalapit yung pinagdausan ng party eh kaya dito kami.

Ayaw naman namin makisiksik sa bahay ni Emily.

Ate at kuya nya lang ang kasama nya dito.

Nung graduation sila lang din ang kasama nya dahil busy ang parents nila sa kanilang business sa Japan.

Mahimbing na natutulog na ang lahat dito sa bahay nila Carrey.

Kasama ko sa kwarto si Julia.

Si Sophie at Carrey magkasama sa kabilang kwarto.

Bumangon ako dahil naramdaman kong naiihi ako.

Si Julia tulog na tulog na. Daming nainom nito kanina kaya bagsak sya nagyon.

My Perfect Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon