Chapter 3: The Reason

21 1 0
                                    

After the videoke day with my girls wala na ulit kameng naging gala. 

We're too busy accomplishing what is needed cause we're graduating. 

Yes, ilang araw na lang graduation na namen.  

HRM ang course namen nila Julia, Sophie at Carrey. 

Plano namen na magsama sama sa iisang bahay na lang pag nagwowork na kame. 

Mula first year hanggang ngayon magkakasama na kame. At hanggang tumanda kame gusto pa rin naming magkakasama.  

Ganyan namen kamahal ang isa't isa.

Buti na lang ang mga kaibigan pangmatagalan.  

Masaya pa din ako dahil sa mga kaibigan ko.

"Ma alis na ko.", paalam ko sa mama ko. Baccalaureate mass namen ngayon e.

Okay naman ang mga naging araw ko kapag nasa university. 

Siguro kasi hindi ko sya nakikita.  

Sana nga hindi ko na sya makita pa.  

After the break up wala na kameng communication. Hindi ko na sya nakita pati barkada nya.  

Mabuti naman.  

Hindi ko kasi alam ang gagawin ko pag nakita ko sya.

Andito na ko sa labas ng simbahan.

"Nice Yumi you look good on that dress", Sophie

I'm wearing a Chinese collar lavender sleeveless dress that is above the knee na may manipis na belt sa bewang then goes A-line ang shape sa skirt nito. Then I matched it with a beige wedge heels na may strap.

"Uy nagpapaganda! Boys single na yung kaibigan ko. Single and ready to mingle!", bulyaw ni Carrey sa mga katabi naming lalaki. 

"Gaga! Ano ka ba?! Matagal na kong maganda.", sagot ko  

"Wow ang confidence eto oh! Taas! Haha", Julia 

Nagtatawanan na lang kame. 

"O dun na tayo andun na mga kaklase natin. Nagkakalokohan na dito eh.", Julia

Pumasok na kames a loob ng simbahan. 

Makalipas ang ilang minuto nagstart na ang misa.  

Tahimik ang lahat habang nakikinig sa sermon ng pari.

Nang nasa part na na magppeace be with you, nagbeso beso kame nila Julia, Carrey at Sophie. 

Ito ang part na medyo umingay sa misa dahil lahat ay nagbabatian. 

Bukod sa mga kaibigan ko pineace be with you ko rin ang iba pa naming katabi. 

Yung mga nakaupo sa harap at nakaupo sa....

Oh my gosh!

Paglingon ko sa likod nafreeze ako.

Di ko alam kung pano ako magrereact.

Shete naman oh bakit andito ka.

Si Andi at mga kaibigan nya sa likod lang namen nakaupo.

Nakasmile sa'kin yung mga kaibigan nya.

Pero sya nakatingin lang ng diretso walang reaksyon.

"Peace be with you", mabilis ko na lang silang binati para makaiwas na.

Ano ba naman to?! 

Ang bilis ng tibok ng puso ko.  

Nararamdaman ko nanginginig na din ang kamay ko. 

My Perfect Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon