Chapter 1

49 5 2
                                    

Part I
—  Kimchi, get out of my way!


Part II
— Tae Queen


• • •


"Maaaaaa! Nakita mo ba yung sapatos ko?"


Naku, lagot na ko kay Demi neto.


"Saan mo ba kasi tinabi last saturday?" tanong ni Mama.


Errr... saan nga ba?


Ang alam ko hinubad ko pagkapasok ng bahay, tapos buhat buhat ko hanggang dito sa kwarto, tapos... huh? Dito ba o doon sa isa?


Argh! Nagulo ko ng di oras buhok ko


"Di ko po maalala." sagot ko.


"Naku Autumn anak, 18 years old ka palang daig mo na si Inang." sabi niya habang kinakalkal yung mga sapatos sa shoe rack.


*roll eyes*


"Inang ka diyan Ma! Ikaw nga yung mga panty mo nilagay mo sa lalagyanan ng brief ni papa kaya ilang araw ka po kasi nun kumukuha sa cabinet ko? 3 o 4? ..." kwento ko habang nagme-medyas


"Wala kang tinamaan nak. O! Ayan sapatos mo, sa susunod kasi gamitin yung mata sa paghahanap hindi yung bunganga." sabay balibag ng sneakers sa mukha ko.


"Pwede naman ilapag sa sahig ma diba?" sarcastic kong sagot.


"Share mo lang?" Aybaaa.


"Yikes ma! Di mo bagay! Bye na nga at umuusok na ilong ni Demi sa studio. Muwaah." at sa wakas makaka-alis na rin.


"Osya ingat nak. By the way 5 days yun." sabay sarado ng pinto.


Talagang sinabi, kahiya sa mga readers. Hahahaha.







Ako si Autumn Morielle Fhezril, so complicated name *sigh*


I'm a dancer sa shool kaya naman sa studio ako pupunta ngayon dahil may event na sasayawan namin, yes "namin" co'z I belong to a group.


7 kami sa grupo pero nabawasan ng isa dahil sa "Family Matters" ba reason nun? Ewan ko ba, wala naman akong kiber sa mga kasama ko basta sumasayaw lang ako. Magulo? Oo, ganyan kagulo isip ko ngayon.


Haler! Late na ko ng 2 hours sa rehearsal namin, sure ako na hindi lang umuusok ilong ng choreo namin ngayon, bumubuga na ng apoy. K, SKL...







*peep peep peep*



Kiber...



*peep peep peep*



Aigoo...



*peep peep peep*



Nu problema neto?



Ako ba binubusinaan niya?



Duh! Nasa tamang lane naman ako no, sobrang tabi ko na at wala ng itatabi pa. Basagin ko kotseng to eh.



"Hey you! Are you deaf? Didn't you hear my car? Magpa-park ako at ang laki mong impluwensiya!" sigaw ng babaeng mukhang kimchi sa dami ng kalorete sa mukha



Excuse me! Sexy ako at hindi malaking impluwensiya



Isa pa, nagsasalita ba yung kotse? Hindi naman diba? Mapapadefense akong di oras neto.



Dance The MessageWhere stories live. Discover now