Bruised sent you a friend request.
Scarred accepted your friend request.
Bruised: Hi!
Scarred: Hello.
Bruised: Luh. May tuldok
na 'yung chat niya, galit
ka ba?Scarred: Why would
I be mad at you? I don't
even know you.Scarred: Anyways, what
do you want?Bruised: Ayieee! Ang
haba ng reply niya!
Kinilig naman akez!Scarred: What. Do. You.
Want?Bruised: Is GG. Galit
na nga.Bruised: Simple lang
naman ang gusto ko e.
Hihi. Ikaw. Ikaw ang gusto
ko. Ehe ehe.Scarred: Ang landi mo.
Bruised: Oy! Grabe ka ah!
Pero malandi naman
talaga ako hehehe, pero
at least sa 'yo lang ako
magiging malandi!Scarred: Shut up. Wala
akong oras para sa mga
kalokohan mo.Bruised: Scarred naman
e! Pansinin mo naman
ako, Senpaiii!Scarred: Tumigil ka sa
kalokohan mong walang
kwenta. Mag-a-out na ako.Bruised: Waiiiit! :'(
Scarred is active a minute ago
Bruised: Ang daya mo
naman e! Hindi mo man
lang ako hinintay! (TT)
Pero don't worry, babawi
na lang ako mamaya. Hehehe.
Chat yah later!Bruised: Goodnight, Krasss!
Scarred's P.O.V."Nakakainis. Napakafeeling close!" inis kong sigaw tsaka inilagay ang cellphone ko sa study table.
"Oh? Ano ba ang nangyari sa 'yo, Scarlet? Masyado ka na namang nagiging adik diyan sa cellphone mo," sermon sa akin ni Ate Magenta. Huminga naman ako nang malalim at hindi na lang siya pinansin, nakakawala kasi ng good mood ang lalaking 'yon. Kung alam ko lang talaga ang real account ng lalaki na 'yon, at kung alam ko lang talaga kung saan siya nakatira, matagal ko na siguro siyang pinakain sa aso. "Hoy!"
Nabalik ako sa wisyo dahil sa sigaw ni Ate, mukhang tapos na siyang maglagay ng mga ka-echosan niya sa mukha.
"Ate naman e, ano na naman ba?" tanong ko habang nakakunot ang aking noo, tinaasan niya naman ako ng kilay dahil sa inasal ko.
"Aba, gan'yan ka na ah. Ano ba ang nangyari sa 'yo? Wala ka namang regla ah, kakatapos mo lang last week, ba't ang sungit mo?" Umiling na lang ako at tsaka tinalikuran siya, magkatabi lang ang kama naming dalawa kaya kitang-kita ko ang nakakabwisit na mukha ng kapatid ko.
"Alam mo, Ate, matulog na lang tayo. May klase pa tayo bukas."
"Nako, lalaki ba 'yan? Jusko, pag-ibig nga naman," wika niya.
"Stop na nga, Ate. Isusumbong kita kina Papa at Mama e, sasabihin kong inaasar mo na naman ako," pagbabanta ko sa kan'ya, mahina na lamang siyang natawa kaya hindi na rin naman ako nagsalita.
Nakakapanira talaga ng mood ang lalaking 'yon, ang sarap i-block. Nakakawala ng beauty, my ghad!
BINABASA MO ANG
Bruised and Scarred
Teen Fiction"Sometimes, you have to be bruised and scarred just to appreciate the times when you smiled"