Kinaumagahan...
Abigail POV
O_-
-_O
O__O
Shit. Late nako!
Tumayo na agad ako sa kama ko para mag ayos. Pagkatapos lumabas nako ng kwarto.
"Anak, bat ngayon ka pa lang papasok? Anong oras na oh."
Napatingin ako sa nagsalita, si mama pala. -__-
"Papasok narin po ako ma. Sige ma late nako alis nako ah. Iloveyou." Sabi ko kay mama bago umalis.
Sumagot pa si mama pero hindi ko na nasagot sa pamamadali ko. Sumakay nako ng taxi papuntang school.
After a minute....
Nandito nako sa harap ng Northville University. Papasok nako nang may...
"AWW!" Kase naman may bumangga saken nagmamadali na nga ako e.
"Ay. Sorry miss." Sabi sakin at inalalayan akong tumayo.
"Sa susunod kase tumingin ka sa dinadaan mo." Pagmamataray ko at tsaka tumalikod na.
"Opo miss. Sorry ah! Ako nga pala si Jake! Nice to meet you!" Sigaw niya.
Psh.
Hindi ko nalang pinansin tsaka dumeretso na classroom namin. Buti nalang wala pang prof. Pumunta nako sa upuan ako at naupo na, napansin kong wala si Sarah. Psh. Wala tuloy akong kausap. Ma-text nga.
To: Sarah
Sarah bat hindi ka pumasok? May problema ba?
Sent!
Usually kasi pag hindi siya napasok may family problem or may sakit siya. Napatingin ako sa tabi ko nang biglang may tumabi sakin na lalaki at
O_O
"Hi miss." Nakangiting sabi niya.
Aba aba talaga! Siya yung bumangga saken! Tandang tanda ko yang pagmumukhang yan! Psh.
"Bat ka nandito?!" Galit na tanong ko.
"Wag ka agad highblood miss. Dito din yung classroom ko." Sabi niya.
Naknang oh.
"Eeh bat ka nasa tabi ko? Alam mo bang may nakaupo dyan?"
"Bawal bang maki upo muna?"
"Bawal." Naka pout na sabi ko.
"Wag kang mag pout baka hindi ko mapigilan sarili ko na halikan ka." Nangaasar na sabi niya.
Sa totoo lang sinusubukan bako ng lalaking yan? Masyadong siyang FC ah! F-C means "Feeling close" Tsaka anong sabi niya? Wag daw akong mag pout baka hindi niya mapigilan sarili niya na halikan ako? The hell.
"Sunusubukan mo talaga ako no?!" Sabi ko habang naka eye to eye contact sakanya.
"Sorry na miss. Wala akong laban." Sagot niya.
"Buti alam mo tsaka wag mo nga akong tawaging miss!" Sigaw ko.
"Anong gusto mo? Babe? Boo? Baby? Ahhhmmm. Wait isip pako."
"Grrrr! Ano ba?!"
"Excited?" Nakangiting sabi niya. Psh.
Hindi ko nalang siya sinagot tsaka tinignan siya ng masama.
"Sorry na miss. Gusto lang naman kita makilala at maging kaibigan e."
"Pwede naman sa maayos na way diba?"