Abigail POV
Umaga..
"Abigail Gising na! Baka malate ka sa 1st day mo."
"Hmm. Ma, anong oras na ba?"
"7:30 na. 8:00 pasok mo diba?!"
"Ay! Onga pala. Ma!" Agad na akong nag ayos para saking 1st day.
By the way. Ako nga pala si Abigail Garcia simpleng babae lang ako. Palaban akong babae. Mabait din ako sa mabait. Hindi kami ganong kayaman pero masaya ako dahil magkakasama kami ng pamilya ko.
"Ma Alis na po ako." Sabay Hug at Kiss kay mama.
Nang naka rating ako dito sa Northville University na-amaze ako sa nakita ko! Ang ganda ng school nato.
*o*
Nakita ko din ang ibang students ang poporma nila. Mga mukhang mayaman. May naka dress, naka- shorts kahit isa wala akong nakikita na simpleng naka pants at t shirt lang. Psh.
Nag ikot ikot muna ako sa buong campus hanggang sa...
"Uy! Abigail?! Namiss kita!"
O.O
Napatingin ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya at pagtingin ko...
Si... si... Sarah! Woaaah! Ang ganda na niya at ang sexy! :O
"Ikaw nga!" Sigaw ni Sarah.
"Si.. Sarah?"
"Oo ako to Abigail! Gulat ka no? Hihi!"
Hanggang ngayon hindi parin nagbabago si Sarah. Ganun padin tawa nya. hahaha ^___^ Si Sarah nga pala ang bestfriend ko simula elementary pero nagkahiwalay kami nung 1st - 3rd year highschool. Pero ngayong 4th year highschool, nagkita ulit kami at miss na miss ko na siya! Wala nadin kasi kami communication simula nung naghiwalay kami.
"Sarah namiss kita! Tagal na nating hindi nag kikita at wala tayong communication."
"Onga e. Pero okay lang yon kase magkasama na ulit tayo. ^__^"
"Hahahahahaha.."
" Tara. Tignan natin yung section natin sa bulletin board." Yaya ko sakanya.
Pumunta na agad kami sa bulletin board at alam nyo nakita namin? Parehas kaming section A! Magkaklase kame! ^__^
Pumunta na agad kami sa classroom namin As usual magkatabi kami. ^^
Maya maya dumating na ang adviser namin.
"Goodmorning Ma'am"
"Goodmorning, You may take your sit."
Bigla ako nakaramdam ng kaba nung nakita ko adviser namin. Mukhang masungit kasi. Tsaka first day ngayon paniguradong magpapakilala kami isa isa sa harap.
"Class, I'm Nicka Santos"
Napangiti naman ako kasi pagkasalita nya ang hinhin. Hihihi. Mali yung inaakala ko kanina. ^^ Nagulat nalang ako nakatingin sakin si Ma'am at tinuro ako... Shocks!
"Stand up, Please introduce yourself."
"I'm Abigail Garcia , 16 years old."
"Ok thank you, you may take your sit."
"Thanks Ms. Santos"
"Next."
Umupo na ulit ako. Haaaay! Medyo kinabahan ako dun. Onga pala, English teacher namin siya at Adviser narin namin. ^^