Napakasaya ng gising ni Jace kinabukasan dahil hindi parin mawaglit waglit sa isipan niya ang nanaganap sa loob ng CR ng canteen kahapon.Parang panaginip lang ang lahat na nakaulayaw niya ang napaka gwapong lalaki na nakita niya sa university.
Nag unat unat siya ng mga kamay ng mapatda.
Nakita niya ang isang puting bulaklak na nakalagay sa vase at nakapatong sa tokador malapit sa kanyang kama.
Bumangon siya at kinuha ang bulaklak na hindi ito common na nakikita lang sa kung saan.
Sinamyo niya iyon ay napakabango kaya napapikit siya.
Napadilat lamang siya ng maalalang sino na naman kaya ang naglagay ng bulaklak sa kanyang silid.
Tinahak niya ang pintuan ngunit nakalock parin iyon.
Sino ang pumasok sa kanyang silid ngayong sirado ang pintuan?
Walang susi si Manang Menang sa kwarto niya kaya imposibleng nakapasok ito doon.
Lumabas siya at hinanap si Manang na natagpuan niya sa kusina.
"Gising kana pala.Pinagluto kita ng paborito mo."Nakangiting sabi nito." Gusto mo ng kape?Ipagtitimpla kita."
"Sige po." Sabi niya at umupo sa isang stool ."Manang kayo po ba ang naglagay ng bulaklak sa kwarto ko?"
"Bulaklak? Aba hindi naman ako napasok diyan sa silid mo kung hindi mo ipag uutos na maglinis ako dun." Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito.
Sino ba ang naglagay ng bulaklak sa kanyang silid?
Imposibleng may pumasok doon na ibang tao.
"May naglagay ng bulaklak? Baka naman may maligno nagkakagusto sayo." Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito.
Takot na takot pa naman siya sa mga multo.
"Manang naman eh.Huwag niyo naman akong takutin." Wika niya dahil nanindig ang kanyang mga balahibo.
"Iyon naman kasi ang paniniwala ng mga matatanda eh." Sabi nito.
Agad niyang iwinaglit sa kanyang isipan ang tungkol sa bulaklak,agad siyang naligo at kumain pagkatapos ay pumasok na sa school.
Diritso siyang nagtungo sa library sapagkat may gagawin siyang research para sa kanyang report sa susunod na mga araw.
Konti lang ang tao sa loob ng library kaya agad niyang hinanap ang libro na kakailanganin niya.
Agad niyang nakita ang kanyang hinahanap at akmang kukunin na iyon ay isang kamay din ang kumuha niyon dahilan upang magkatitigan sila ng lalaki na nasa tabi niya.
Ang libro din palang iyon ang kunin nito kaya nagkasalingan ang kanilang mga kamay.
Hindi alam ni Jace kung binibiro ba siya ng panahon sapagkat ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang lalaking nakaukayaw niya sa CR ng canteen.
Ngumiti ito sa kanya na mas lalong nagpalitaw sa kagwapuhan nito.
"You again." Sabi nito na nasa mga labi ang kapilyuhan.
Bigla siyang namumula dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Sige sayo nalang." Wika niya na ang tinutukoy ay ang libro.
"Hindi,share nalang tayo.Let's find a place." Sabi nito at bigla nalang siyang hinawakan sa kamay at iginiya sa isang sulok.
Walang katao tao sa kanilang kinaroroonan dahil maaga pa at konti palang ang mga studyanteng naroon.
![](https://img.wattpad.com/cover/158601994-288-k454089.jpg)
BINABASA MO ANG
DEAD ROMANCE
RomancePaano kung ang taong kaulayaw mo gabi gabi ay matagal na palang pumanaw sa mundong ibabaw? Mananatili pa kaya ang pagmamahal kung malaman mong ang taong siyang buhay mo ay matagal ng patay?