Pagdating ni Jace sa university ay kaagad niyang iniparada ang scooter niya sa parking lot.
Hinubad niya ang kanyang helmet at ipinatong sa upuan.
Ilang sandali ay binabagtas na niya ang kahabaan ng Unibersidad.
Malayo na kapag liliko pa siya at sa pasilyo dadaan kaya naisipan niyang dumaan sa field upang mas madali niyang marating ang klasrum ng unang subject niya.
Nakikita niya ang ilang mga kalalakihan na naglalaro ng soccer ngunit hindi niya pinapansin ang mga ito kahit ang iba ay nag whistle pa sa kanya.
Nagmamadali siyang naglalakad dahil medyo mainit na sa balat ang sinag ng araw.
Hindi siya tumitingin sa mga lalaking naglalaro sapagkat hindi rin naman niya ang mga ito kilala.
Subalit napahinto si Jace ng biglang may bolang tumama sa ulo niya dahilan upang umikot ang kanyang paningin.
Sa lakas ng impact kaya sobrang nahihilo siya at anumang sandali ay babagsak.
Inihakbang niya ang kanyang paa subalit sumuray lamang siya at matutumba sa lupa.
Subalit bago paman siya tuluyang humandusay ay sa isang matigas na bisig siya bumagsak.
Pinaghalong amoy pawis at cologne ang lalaking sumalo sa kanya ngunit nakapikit lamang siya bagaman pinakikiramdaman ang mga tao sa paligid.
"Is he okay?" Narinig niyang tanong ng isang lalaki.
"Let's bring him to the clinic upang masigurado natin kung okay lang ba ang ulo niya.Medyo malakas ang pagkakatama ng bola sa ulo niya,Earryl." Wika ng isa pang lalaki.
"I think its a better thing to do.Pumalpak kasi iyong turn ko sa halip sa finishing net sa kanya tumama." Wika ng lalaking kandong siya.
Hinawakan nito ang kanyang leeg upang siguraduhin kung humihinga paba siya.
Hello!
Buhay pa kaya siya!
"He's still breathing."Wika nung Earryl at akmang bubuhatin na siya nito ng bigla siyang dumilat.
" He's awake. "Wika ng isang kasama nito ng makita siyang dumilat.
Nanlalabo parin ang paningin ni Jace kaya hindi niya kita ang mukha ng mga ito dahil talagang nahihilo parin siya ng mga sandaling iyon.
" Are you okay?"Tanong ng lalaking kandong siya.
Gusto niya itong sigawan dahil sa tanong nito.
Mukha ba siyang okay? Nanlalabo ang paningin niya dahil sa ginawa nito.
Pinilit ni Jace na maaninag ang mukha ng lalaking kandong siya at naramdaman niya na dumikit sa kanyang likod ang harapan nito kaya ramdam niya ang umbok nito.
Ayaw niyang kiligin sa posisyon nilang iyon ngunit hindi niya maiwasan ang mga paruparung bigla nalang nagliparan sa kanyang puson.
Ilang sandali nalang ay luminaw na ang kanyang paningin at tamambad sa kanyang paningin ang mukha ng lalaking yakap yakap siya.
He's exposed to handsome men sa America ngunit iba ang karisma ng lalaking katitig niya ng mga sandaling iyon.
Parang tumigil sa pag inog ang mundo niya nga masilayan ang napaka gwapong mukha nito.
Matangos na Ilong at mamula mula na mga labi na animoy rosas.
May kakapalan na mga kilay at mapang akit na mga mata habang nakatunghay sa kanya.

BINABASA MO ANG
DEAD ROMANCE
RomancePaano kung ang taong kaulayaw mo gabi gabi ay matagal na palang pumanaw sa mundong ibabaw? Mananatili pa kaya ang pagmamahal kung malaman mong ang taong siyang buhay mo ay matagal ng patay?